Chapter 24: Bilibid Prison

16 3 1
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-4 ng Oktubre, taong 1901

Biyernes nang umaga

"PAPA, 'wag n'yo pong sabihing totoo ang mga binibintang nila sa 'nyo?" 'di makapaniwala at pabulong na tanong ni Casiana kay Don Carlos dahil baka marinig sila ng mga bantay sa paligid. "'Wag n'yo pong sabihin sa 'king kasapi talaga kayo ng mga Pulahan at kayo ang tunay na pumatay kay Mr. Bertrand."

"Hindi, Casiana," sagot naman ni Don Carlos sa mahinang tinig. "'Di totoo ang mga 'yan. Pero, 'di ko tinatangging tinutulungan ko ang mga Pulahan at alam ko kung pa'no namatay si Mr. Bertrand."

"P-pa'no, P-Papa?" utal niyang tanong dito. "B-bakit tinutulungan n'yo ang mga Pulahan?"

"'Di mo 'ko masisisi, Casiana," matamlay na sagot nito. "Nang namatay ang aking ina'y si Calixto na lang ang natitira kong kamag-anak at ang huling habilin ng aking ina'y 'wag kong pababayaan ang buong isla, ang aking pamilya't ang aking kapatid. Kung kaya kahit magkaiba man kami ng paniniwala, kahit ano pang nangyari sa kan'ya't kahit ga'no na s'ya nag-iba'y 'di ko s'ya magawang talikuran nang tuluyan. Sa tuwing bumababa ang mensahero ng mga Pulahan dito sa kapatagan ay binibigyan ako ni Calixto ng sulat. Nakasaad doon ang kalagayan nila, ang mga pangangailangan nila't ang mga plano nila. Tinutugunan ko naman ang mga sulat niya't ang mga pangangailangan nila. Sa tuwing bumabalik ang mensahero nila sa kabundukan ay nagpapadala ako ng mga pagkain, kasuotan, gamot at marami pang iba sa kanila. Kaso, nagkamali ako dahil tinago ko ang mga sulat ni Calixto sa 'kin. Kung sana'y sinunog ko na lang ang lahat ng mga 'yon tulad ng payo sa 'kin ni Celestina. Bakit ba kasi 'di ako sumusunod sa mga payo ng Mama mo? Isa talaga 'kong hangal. Lalo na nang suwayin ko s'ya sa huli n'yang bilin sa 'kin."

"Ano pong bilin n'ya sa 'nyo?" kunot-noong usisa niya rito.

"Binilinan na 'ko ng Mama mong 'wag makipagkita kay Calixto. Pero, ginawa ko pa rin nang gabing 'yon," nagsisising tugon nito.

"Kailan po ang gabing tinutukoy n'yo?" she asked him.

"Ang gabing namatay si Mr. Bertrand," he answered.

Nabigla siya. Hindi siya makapagsalita. So, naisip niya, nang gabing namatay si Mr. Bertrand ay magkasama si Don Carlos at Calixto. But, what really happened is what she wanted to know.

"No'n, akala ko'y 'di ka kayang saktan ni Calixto dahil pamangkin ka n'ya't tiyuhin mo s'ya," pagpapatuloy ni Don Carlos. "Isang kapamilya, kadugo. Ngunit, nang nalaman kong muntik ka ng mapahamak dahil sa kagagawan ng isa sa kan'yang mga kaanib ay nagalit ako nang labis sa kan'ya. Tumigil ako sa pagbibigay ng tulong, pagpapadala ng mga kailangan at pagbabalita ng mga nangyayari sa kapatagan sa kanila. 'Di 'yon nagustuhan ni Calixto kung kaya't nagpasya s'yang mag-usap kami nang harapan. Sinabi ko kay Celestina ang tungkol sa kagustuhan ni Calixto'ng magkita kami. 'Di pumayag ang nanay mo. Gusto ni Celestina'ng putulin ko na ang anumang kaugnayang namamagitan sa 'min ng kapatid ko. Subalit, 'di ako nakinig sa asawa ko. Sa kabila ng labis nitong pagtutol ay nakipagkita pa rin ako kay Calixto sa oras at lugar na tinakda n'ya. Tandang-tanda ko pa ang eksaktong petsa't oras na 'yon – ika-lima ng Setyembre, sa ganap na ika-labing-isa nang gabi, sa kamalig na malapit sa bahay na tinutuluyan ni Mr. Bertrand."

Mas lumapit pa si Don Carlos sa kaniya sa kabila ng nakapagitan na mesa sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay pinilit nitong abutin ang mga kamay niya sa pamamagitan ng nakataling mga kamay nito na ipinagkaloob naman niya rito. Pagkatapos ay tumitig nang dumiretso sa mga mata niya si Don Carlos. Kitang-kita niya ang trauma sa mga mata nito dahil sa pag-alaala sa mga nangyari nang huling pagkikita nila ng nakatatandang kapatid.

Memoirs of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon