Chapter 31: Assassination

11 2 0
                                    

WARNING: This chapter is raw. It is not yet edited, formatted and polished. My apologies. But, you can read at your own risk.


Ika-25 ng Nobyembre, taong 1901

Lunes nang umaga


THE past few days was just like a calm after the storm dahil sa pagdating ni Doña Catalina sa Isla Madriegos. Sa nakalipas na mga araw ay pansamantalang nanumbalik ang kasiyahan at kasiglahan sa tahanan ng mga Madriegos. Pansamantala dahil umalis na si Doña Catalina kahapon para umuwi ng Baguio dahil sa mga negosyo nito roon. Bigla niya tuloy naalala ang mga sinabi nito sa kanila ni Doña Celestina kahapon nang hinatid nila ito sa pier sa Poblacion kung saan ito sasakay ng barko pauwi.

"Patawarin n'yo 'ko kung 'di ako nakarating kaagad nang kailangan n'yo 'ko," malungkot na wika ni Doña Catalina sa kanila.

"'Wag n'yo na pong isipin 'yon, Mama," pangongonsola ni Doña Celestina sa ina. "Ang mahalaga po'y nakarating kayo sa tamang oras."

"S'ya nga pala. May ibibigay ako sa 'nyong mag-ina," wika ni Doña Catalina nang may naalala itong bigla. "Pasensya na kayo't ngayon ko lang naalala ang tungkol dito dahil na rin siguro sa katandaan. Isa pa'y naging masyado tayong okupado nitong nakaraan mga araw," pagpapatuloy nito habang may kinukuha mula sa mga kagamitan nito. Nang makita nito iyon ay inabot nito iyon kay Doña Celestina.

"Ano po 'to, Mama?" tanong ni Doña Celestina kay Doña Catalina nang tanggapin nito ang isang papel. Nang iladlad nito iyon mula sa pagkakatiklop ay napasinghap itong bigla. Dahil sa reaksiyon ni Doña Celestina ay tiningnan din ni Cassie ang nakalagay doon.

"'Yan ay ang titulo ng bahay at lupa na binili at pinagawa ko sa Maynila," sagot ni Doña Catalina rito. "Sadya kong ipinangalan sa 'nyong dalawa 'yan dahil kayong dalawa ang nasa isip ko nang bilhin ko ang lupa at ipagawa ko ang bahay na 'yon sa Maynila. Sa oras na manganib muli ang buhay n'yo rito sa isla'y magtungo kayo r'yan. Walang ibang nakakaalam tungkol sa pag-aari kong 'yan dahil sa 'nyo ko nga pinangalan 'yan at wala rin namang ibang nakakaalam na may pag-aari kayong gan'yan. Ngayon lang at tanging tayong tatlo lang. 'Wag n'yong ipagsasabi sa iba ang tungkol sa pamana kong 'yan sa 'nyo, maliwanag ba?"

"Opo, Mama," sagot ni Doña Celestina.

"Opo, Lola," sagot naman ni Cassie.

"Maraming salamat po, Mama," ani Doña Celestina. Pagkatapos ay niyakap nang mahigpit ang ina.

"Walang anuman 'yon, hija," ani Doña Catalina habang yakap din ang anak.

Hindi naman nagpahuli si Cassie, nakisali na rin siya sa group hug nilang tatlo. Inaamin ni Cassie, mami-miss niya si Doña Catalina. Siguro ay dahil sa kamukhang-kamukha ito ng Lola Casimira niya at lola na talaga ang turing niya rito.

"O, s'ya," wika ni Doña Catalina nang matapos na sila sa pagyayakapan. "Kailangan ko ng sumakay ng barko. Mag-iingat kayong dalawa, Celestina, Casiana. Sulatan n'yo 'ko kaagad 'pag kailangan n'yo ang tulong ko. 'Wag kayong mag-alala. Magbabalik akong muli."

"Paalam, Mama," Doña Celestina bade her.

"Mag-iingat po kayo, Lola," wika naman niya kay Doña Catalina.

"Hanggang sa muli nating pagkikita," ani Doña Catalina. Pagkatapos ay tuluyan na itong sumampa sa barko.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Cassie nang makarinig siya ng commotion mula sa ibaba ng bahay nila. Dahil doon ay mabilis siyang tumayo mula sa higaan niya at bumaba ng bahay. Doon ay nakita na naman niya si Mang Pedring na nakatali na naman ang mga kamay ng lubid at tinutulak ni Captain Johnson palabas ng bahay nila habang ang ilan sa mga kasama nitong Amerikanong sundalo ay bitbit ang mga sako ng bigas at bolo nila. Sina Aling Pacita at Manang Lourdes naman ay iyak nang iyak. Parang déjà vu sa kaniya ang nangyayari.

Memoirs of LoveWhere stories live. Discover now