Chapter Two

258 94 25
                                    

Chapter Two: Roses

"CONGRATULATIONS Rina!" ngumiti ako sa lahat nang nag-congratulate sa'kin after ko bumalik sa backstage ulet. Halos lahat nang mga kaklase ko and our teachers are here to congratulate me.

They were also smiling happily for my win. Hindi ko mapigilan ang paglaki nang ngiti ko. I mean... I just can't help it. Hindi ko inaakalang madami pa ring sumusuporta sa'kin as the representative of my class para Mr. & Ms. Intramurals.

"Salamat po, thank you so much!" I thanked them. Binigyan din ako nang mga rosas at bulaklak nang mga teachers naming. The flowers are so beautiful!

"You deserve it so much Rina! Ang ganda mo kaya doon! Tama lang talaga na ikaw ang nirepresenta namin!" compliment nila sa'kin. I don't know how to feel about that but, thank god na nanalo ako.

The pressure back there was overwhelming!

"Sus, lagi na lang ganda? Puro na lang ding Rina!" natahimik ako nang marinig ko yung nasa likod ko. "Oh... Rina? As in Rina Miranda ba 'yon? Mukha namang pinaretoke yung mga!" narinig ko sabay tawa nila.

Natahimik lahat nang mga kaklase ko and yung mga teacher, narinig din nila 'yong nasa likod ko.

Napakagat ako sa labi ko as I try to calm myself. I can feel my heart beating really fast dahil sa sinasabi nila. I'm just used to this. Pero talagang masakit pa rin. Especially when they're older than me.

"Ano naman kung maganda? Paano kung 'di naman matalino?"

Hindi naman nila alam ang grades ko sa klase, my grades are good enough for me to graduate for sure kaya bakit nila ako pinaguusapan?

"Right! Sus, porket madami lang lalaki na nagkakagusto sa kanya... 'kala niya na kakayanin niya sa high school?"

Shit. Shit. Gusto kong sumigaw sa kanila at sabihin na mali sila. I'm not that kind of person!

"Who the fuck do ya'll think you guys are?" nagulat ako sa narinig ko after, oh god... that voice... it can't be my super nice best friend, di ba? I sighed.

"Minura mo 'ko?"

I'm pretty sure na may sasabihin na hindi maganda si Genevieve kaya pumasok sa kabilang backstage para mapigilan ko ang bunganga ni Genevieve bago pa siya magsimulang magsalita nang hindi maghanda. She's always in trouble tsaka may mga teacher dito! Malalagot siya!

Ayoko namang masuspende si Genevieve dahil sa'kin! Genevieve, kalma lang please.

Nakita ko si Genevieve na hinaharap harapan 'yong dalawang mga babae na estudyante. They're all wearing their uniforms while they still have their makeup on. I'm guessing na sila 'yong ibang mga candidate para sa high school Ms. Intramurals.

"Yes, minura kita? Well, not as bad as you talking shit about my best friend! Lakas mo magsalita pero mas maganda naman si Rina sa inyo." Genevieve smirks.

"Anong sinabi mo?" naglakad ako papunta sa direksyon nila nung makita ko na sasampalin na nung babae si Genevieve pero natigil ako nang biglang sinuntok ni Genevieve yung babae instead.

I know na nakita ko na 'to nung mga grade two or grade three kami pero... grabe si Genevieve!

Natatakot ako para kay Genevieve, siguradong masususpende nanaman siya! "Genevieve!" tawag ko sabay tanggal nang heels ko para tumakbo papunta sa kanya.

American Boy ✔️Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ