Chapter Five

156 76 0
                                    

Chapter Five: Dangerous

I can hear everything, even the voices of the freshman from across our classroom. I'm used to it, pero masyado talagang maingay. I can't help but feel a bit embarrassed by their constant stares and compliments.

Ewan ko ba. I just need to calm down and finish this free writing essay I have with my English class.

"Wah, Katerina? 'Yung Rina?"

"Ang ganda..."

"Mag-paparebond na talaga ako! Ang ganda 'rin nang buhok niya!"

"Sabi ko sayo maganda crush ko eh!"

Kaka-rebond ko lang bago mag-simula 'yung klase dahil 'di ko nagustuhan ang pag-kakakalat ng buhok ko. Pangalawang beses ko pa lang mag-rebond sa buong buhay ko, sinubukan ko na 'nung seventh grade ko.

"Ikaw ah, crush mo pala!"

"Liligawan ko talaga siya."

"Sa palagay ko bagay kayo?"

"Ikaw bagay pero siya dyosa! Huy, nananaginip ka nanaman!"

Dyosa? That's a first. Ngayon ko lang narinig 'yan. Narinig ko na maganda ako, o prinsesa ako. Pero dyosa? Ibang-iba naman 'yun.

"Hoy!" biglang sigaw ng isa sa mga kaklase ko, sa likod ko yata.

"Ang ingay niyo, inaabala niyo 'yung focus na'min as a class. 'Kung gusto niyong makipag-tsikahan, 'dun kayo sa banyo. Ingay niyo." complain ng kaklase ko sa likod ko.

Huminga ako nang malalim at tumalikod para harapin 'yung kaklase ko. I feel like I have to apologize for it.

"Margauxx." I called her.

Tiningnan niya 'ko habang inaayos niya ang glasses niya. Margauxx was my classmate even last year, she talks a lot but one thing for sure is she's honest. She doesn't lie, there are some people who find her annoying but... she's just being herself.

And I like that. She's just like Genevieve, at least they can both be themselves. Unlike me.

"Pasensya na..." I apologized.

Ngumiti siya nang maliit sa'kin at pinalo ang balikat ko.

"Okay lang 'yun. Bakit kailangan mo pang mag-patawad? Ikaw ah, baka humiram ka nang lapis tapos 'di mo binalik." asar niya.

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Have I mentioned that she's also a good friend?

"Binabalik ko naman, tsaka puro na tayo ballpen talagang lapis pa?" pabalik 'kong sabi.

"Oo na po, ma'am. Binabalik niyo po, sobrang bait niyo po." dagdag niya pa.

"Nasaan si Genevieve?" tanong niya sa'kin sabay bukas ng libro sa table niya.

"Ah, wala siya today. Alam mo na, suspende nanaman." I sighed after.

Genevieve is still Genevieve.

Pero 'di ako makapaniwala that wala pa ngang dalawang buwan ay na-suspende na siya.

Nakipagaway siya sa isa sa mga seniors, nang-insulto 'raw yata sa kanya harap harapan. Wala naman ako 'nung time na 'yun, sinubukan ko 'rin siyang pigilan pero doon ko 'rin narealize na nakakabwisit 'din 'yung junior na 'yun.

American Boy ✔️Where stories live. Discover now