Chapter Six

149 67 0
                                    

Chapter Six: Too Good

Finally, free time na 'rin namin. Natapos ko na yung routine namin para sa PE, ilang beses akong tumakbo around this gym kasama na si Genevieve pero kailangan daw niyang umalis, 'di niya sinabi kung saan.

Yung iba ay nag-lalaro nang basketball, nagtsitsismisan, o ginagamit yung phone nila nang palihim. Ang teacher naman namin nanonood lang.

And I'm still here, sitting in the bleachers nang mag-isa. I don't really want to sit with anyone, hindi ako komportable. Medyo nagugutom 'din ako. Parang gusto ko nang kainin yung lunch ko. I should have eaten more earlier.

Kinuka ko yung pack ng v-fresh sa loob ng bag ko. I ate the v-fresh gum at kinuha ko 'rin yung libro na kahapon ko pa binabasa.

May research pa kami, mababaliw na yata ako.

"Rina~" umupo si Margauxx sa tabi ko habang karga karga niya yung bag niya at bag ni Ryland.

Tinapon niya yung bag ni Ryland sa may tabi ko at lumapit siya sa'kin.

"Nag-babasa ka nanaman."

"Wala akong magawa."

"Kahit text text man lang?"

"Wala akong ka-text, Margauxx." tawa kong sabi.

"Wala? Kahit man lang crush mo?"

I sighed. I do have a crush, I just don't want to text him dahil baka malaman niya yung nararamdaman ko sa kanya.

I used to text him first. That was before he was dating Anne. I was expecting his replies every time, mabilis akong mag-reply.

"Sus, kahit isa man lang? Wala ka talagang crush? O inspirasyon?" tanong niya sabay kuha ng phone niya sa bag.

"Inspirasyon talaga? Wala akong gan'on." I added.

For years I haven't told anyone that I have a crush on someone. Except Genevieve, pero wala naman siyang masyadong pake about kay Alexander.

"Ang dami nating gwapong mga kaklase dito. Si Ryland, ayaw mo ba?"

"Kaibigan lang, Margauxx."

"Lagi mong kasama sina Quinten, Yael, at Jaxon. Pati na 'rin yung babaerong Silas na y'un." dagdag niya pa.

I closed my book at pinisil ang pisngi niya.

"Kaibigan ko lang sila, wala nang iba pa. Promise talaga, Margauxx." sabi ko ulet.

Medyo close na kami nila Quinten, Yael, at Jaxon. 'Di ko masyadong nakikita si Silas, busy daw dahil sa pamilya niya. Kumakain 'din kami sa may canteen, ang ingay nang apat na y'un.

"Oh! So si Alexander?!"

Natahimik na lang ako sa sinabi niya. Kalma, it's not like she thinks you have a crush on him. This is normal, talagang curious lang siya kung may crush ako.

I awkwardly smiled.

"Alexander is a friend."

"Puro 'friend', Rina. High school na tayo at ang future Ms. Intramurals this year ay single pa 'rin, haysss..."

Siguro kung nasa elementary pa 'ko o kakasimula ko pa lang nang 7th grade ko, kakabahan ako sa mga tanong na 'yan. Especially kung si Alexander ang pinag-uusapan.

American Boy ✔️Where stories live. Discover now