Chapter Fifteen

85 40 0
                                    

Chapter Fifteen: To Wait

"Rina."

"Yes po, mommy?"

"Sure ka ba sa mga binili mo?"

I sighed pagkatapos ko tingnan yung mga binili ko na nasa loob ng mga plastic bag sa magkabilang kamay ko. Tango na lang ang sagot ko kay mommy at ngumiti siya sa'kin nang maliit tsaka hinaplos ang pisngi ko.

"At least you're using your money in the right way, you're spending it for your friends. Maganda ba silang impluwensiya?"

"Opo mi, maganda po sila impluwensiya." I smiled.

Marami akong binili na mga regalo para sa mga kaibigan ko, kakatapos lang kasi nang mga exams na'min last week. It's finally the weekend, today is Sunday at dahil masyadong busy si mommy nung Friday, hindi kami nakapunta sa mall kahapon nung sabado kaya ngayon na lang kami nakapunta.

I wanted her to rest first of course, kailangan ko rin nang pahinga 'no, deserve ko rin yung pahinga ko pagkatapos lahat lahat ng mga pinagdaanan ko thanks to the exams. It was so stressful, and I was pressured because we are seniors now, kaya mas todo ang aral.

Sana naman pumasa ako, kahit 'di na 'ko makakuha nang mataas na grado, basta makapasa lang. Kahapon nagdadasal para lang makapasa.

I bought a gift for Genevieve, Yael, Jaxon, Ryland, Margauxx, and Silas. Hindi ko na binilan nang regalo si Brent, 'di ko naman siya masyadong kilala and we've met once and that's it. Medyo natatakot ako sa kanya, he's just oozing with mysteriousness and screams 'danger' every time he walks.

He's worse than Silas, worse!

Anyways, ang importante ay nakabili na 'ko para sa kanilang lima. Ang problema ko lang ay si Alexander, ilang pasok alis na 'ko sa iba't-ibang tindahan dito sa mall pero wala pa rin akong mahanap para sa kanya.

Bibilan ko sana siya nang sapatos pero I just don't feel like shoes are the right gift for him.

I tried clothes, bracelets... necklaces... everything and I just can't seem to find the right gift for Alexander.

It's just different, his gift has to be different.

Hours later, wala pa rin talaga akong mahanap para sa kanya. I have to at least get him something, kahit maliit na bagay na lang. Iniisip ko nga kung bibilhan ko na lang siya nang libro since sabi naman niya sa'kin sinusubukan niyang magbasa nowadays, pero ano namang klaseng libro?

"Rina..."

"Yes po?"

"Can we stop by a flower shop near our house? May kailangan lang akong bilhin para sa lola mo, alam mo naman... malapit nanaman ang kaarawan niya."

"Ah... okay po." tango 'kong sagot.

Muntik ko na ring makalimutan na malapit nanaman yung birthday ni lola.

Lola is one of my favorite people in this world. Siya yung nag-alaga sa'kin nung naghiwalay si mommy at yung biological dad ko, nahirapan si mommy maghanap nang trabaho kaya si lola muna ang nag-alaga sa'kin.

But of course, nung medyo nagmature na 'ko, bumalik na si lola sa bahay niya sa probinsiya.

Pero dahil masyadong nag-aalala sina tito at si mommy, napagisipan nila na mas magandang tumira na lang si lola malapit kanila tito sa Cavite.

American Boy ✔️Where stories live. Discover now