Chapter Eight

117 58 0
                                    

Chapter Eight: Liking You

"Katerina."

Tiningnan ko siya sa mga mata niya. They were sincere, genuine, and full of affection towards me. Sometimes 'di ko rin maintindihan kung bakit ako pa, kung ano bang meron ako at ako ang nagugustuhan niya.

"Hm?" ngumiti na lang ako.

Huminga siya nang malalim bago niya itinuloy ang sasabihin niya, kahit na alam ko na ang sasabihin niya.

"May crush ako sa'yo, crush talaga kita." tinapos niyang sabi.

This time, ako naman ang huminga nang malalim tsaka ko hinawakan ang pareho niyang kamay niya nang mahigpit.

"I'm sorry, hindi pa 'ko handa." sagot ko sa kanya.

Mukhang naintindihan naman niya ang sagot ko. Tumango siya pero blanko na ang eskpresyon ng mukha niya.

"Pasensya na talaga, gusto ko lang talagang mag-focus sa studies ko. Sana maintindihan mo. I think you're a good person, I've only met you this year pero alam ko na mabait at matalino kang tao."

"T-Talaga?"

Ngumiti ako nang malaki nang lumabas ulet ang ngiti niya.

"Oo. Pero tulad nang sinabi ko, hindi lang talaga ako handa. Kaya pasensya na."

Minsan naiisip ko kung paano nila nakukuha yung lakas para sabihin sa gusto nila yung nararamdaman nila. I'm a bit jealous because of the courage, kahit na may risk na marereject sila o talagang ayaw nila sa kanila.

But I think the hardest thing to do is to hide your feelings for that person for a very long time. And I've been hiding it for years now, nagsimula sa crush lang pero heto... gusto ko na talaga siya. And it's still hard for me to figure out how I'm going to deal with this realization of newly developed feelings for Alexander.

Gusto ko nang sabihin sa kanya yung totoo. Pero natatakot ako, takot talaga ako. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganitong desisyon, basta ang gusto ko ngayon ay sabihin sa kanya.

Naiinis nanaman ako. Naiinis talaga ako na may crush doon sa babaeng yun. Kung sino man siya. Pero hindi ko na talaga kaya, it's like something opened inside me sa galit. Una si Anne, I was mature and because Anne was a friend, I just hid my feelings pero of course medyo masakit.

Puro ako selos, inis, ewan ko. But this is just something I can't let go anymore. Mas lalo lang sumasakit, humahapdi. Kahit ako napapamura.

"Huy, ang seryoso mo."

"Hm?" nagising ako sa biglang sinabi ni Genevieve sa tabi ko habang kumakain kami sa likod ng library ulet.

Wala kaming ganang pumunta sa canteen kaya nag-dala na lang nang pagkain si Genevieve para sa'ming dalawa. I'm just here taking sip of some Iced coffee dahil wala akong ganang kumain. How can I even think about eating kung nababaliw ako kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya?

"Seryoso mo, sabi ko." sagot niya ulet sabay pisil sa pisngi ko.

"Ah, alam mo naman malapit na yung mga exams, kinakabahan lang ako." nakangiti kong sabi.

Genevieve, kung alam mo lang yung totoo siguradong mapapaaway ka. For now, I can't tell you the truth. I can't tell you about what I'm planning to do. Gusto kong seryosohin 'to. But this is the thing, sasabihin ko ba lang talaga agad or should I do something else?

American Boy ✔️Where stories live. Discover now