Chapter Thirty Eight

54 9 0
                                    

Chapter Thirty Eight: Can't Be Upset

WARNING: Slight mature content!

I didn't think that this day would come at all.

Sa simula pa lang nung narealize ko na may crush ako sa kanya, talagang inimagine ko at pinagdaan ko ang araw na magkakacrush din siya sa'kin.

Tapos yung crush ko naging like na.

Nagustuhan ko na siya, kung kailan kami naging matalik na magkaibigan nung high school tsaka ko siya nagustuhan.

Nanatili ako sa tabi niya bilang kaibigan niya habang ipinagdadasal sa panginoon na magustuhan niya rin ako o kahit tingnan niya man lang ako, isang tingin lang.

Tingin sa'kin bilang babae at hindi bilang kaibigan.

Pero wala, wala pa ring nangyari at may pinili siyang iba.

I got hurt over and over again and then I fell in love with him... hard.

Natatandaan ko pa nung nahulog talaga ako sa kanya, sinubukan kong makamove on pero parang ayaw naman ni lord na makamove on ako sa kanya.

And then it happened.

I saw him inside with some girl and they were making out inside the bathroom.

Hanggang ngayon naaapektuhan pa rin ako sa nakita ko, it was a lot and took a while for me to move on from what I saw.

Years later, I have gotten over it, and now... Alexander confessed.

He loves me, he says.

Ano raw?

Inlove?

Nababaliw na yata ako nung pumasok yun sa tenga ko kasi imposible lang talaga na mahulog siya sa'kin.

Ilang taon na ang nakalipas at hinintay ko ang pagkakataon na mahulog siya sa'kin tapos sasabihin niya sa'kin bigla na mahal niya pala ako?

This is just crazy, right?

It has to be a dream.

But it isn't.

It's not a dream.

And it's freaking me out, fuck.

"Rina."

Huminto ako sa paglalakad at pinikit ko ang mga mata ko sabay hinga ng malalim sa kaba.

Bakit naman 'di ako kakabahan?

Mahal pala ako ng lalaking minahal ko?

Nasa harap na 'ko ngayon ng elevator dito sa parking lot.

Nababaliw ako talaga, nababaliw sobra.

I can't believe, it's not like I can do anything but just be shocked.

Ang dami ko ring tanong sa utak ko. Kung paano, kailan, at paano niya namalayan na mahal niya pala ako bilang babae at hindi bilang kaibigan, kasi magkaiba yun.

Ilang beses niyang sinabi sa'kin noon na mahal niya 'ko bilang kaibigan at para naman akong baliw na inisip na baka sa'kin niya lang yun sinasabi.

"Katerina. Please."

The moment he told me those words earlier... is the moment that I felt my heart beating like Usain Bolt running toward the finish line, it was fast as fuck.

American Boy ✔️Where stories live. Discover now