Chapter Forty Nine

59 8 0
                                    

Chapter Forty Nine: Don't You Get It?

I've been here before. Once. Or Twice.

'Di ko na matandaan, ang tagal na rin kasi tsaka sinubukan kong kalimutan ang mga bagay tungkol sa kanya, yung mga maliliit na bagay.

May mga bagay lang talagang kailangan m ong kalimutan para makamove on ka.

One of them is also my virginity. I had to tell myself to forget about my virginity and how I lost it, I even lied to Genevieve about it but she could tell I've lost it.

Baliw, she said I had the face of someone who's lost it, baliw talaga.

And another one is his place.

While I was in the taxi, pinagisipan ko kung anong itsura nung mansion nila.

Eh kinalimutan ko nga 'di ba?

I wanted to call Genevieve or Silas to go with me pero alam kong busy sila, bwisit.

Yung iba naman din busy din sa buhay nila, ewan.

Tsaka 'di rin ako sure kung nakabisita na ba sila dito.

I don't want to assume that they have, maybe Silas, but then again, he's busy.

Binayaran ko yung taxi driver at sianrado yung pinto pagkatapos. Huminga ako ng malalim bago pinindot yung door bell nila. After a few seconds, may security guard na nagpakita at inobserbahan ako.

"Magandang umaga po, ah... kaibigan po ako ni Alexander--- I mean, uhm... Alexander Cardoza?"

'Di siya sumagot at blanko pa rin ang ekspresyon niya, pero ramdam ko pa rin na inoobserbahan niya 'ko.

"K-Kaibigan po n--"

"Alam ko po, ma'am..." tango niyang sabi at may pinindot bago niya binuksan yung gate.

"A-Alam niyo po?" tanong ko sa kanya.

Pa'no niya alam?

Nagtrabaho ba siya dito noon?

Baka nakita niya 'ko noon na bumisita?

'Di ko lang maalala kung nakita ko na ba siya o baka 'di ko talaga siya nakita dito?

"Salamat po..." salamat ko na lang bago ako pumasok sa loob.

Kinakabahan ako.

Kinakabahan talaga ako.

Ngayon ko lang naisip kung baka may ibang tao dito, paano kung may mga kaibigan siya dito sa loob ng mansion nila o... pamangkin?

Pamangkin? E 'di ba siya ang pinakamatanda sa kanilang tatlong magkakapatid?

I don't think Ares has a kid... or Adrian? Adrian is still young, I don't think he has one either...?

Ano ba 'tong pinagiisip ko? Nababaliw na yata ako.

Pero andito na 'ko, ano ba pang gagawin ko?

I'm here to help him.

I am his friend before I fell for him and before he fell for me.

This is friendship business.

Pagpasok ko sa loob ng mansion nila, doon ako mas lalong kinabahan. Parang pakiramdam ko 'di ko deserve na makapasok dito, it's so... big?

American Boy ✔️Where stories live. Discover now