Chapter Fifty Two

54 4 0
                                    

Chapter Fifty Two: What Matters Right Now

It's been a while since I've been on a date, 'di naman din maganda yung date ko noon, I never had an amazing experience on dates, but there are some dates that are good, but not amazing.

But the thing is, I've never been this nervous because of a date.

First date ko 'to with Alexander as my boyfriend today, matatapos na rin naman yung photoshoot ko.

Half-day din si Alexander today sa trabaho niya, he said wala naman ding importanteng meetings today.

"Thank you po." salamat ko sa mga photographer at mga empleyado.

Another successful photoshoot, campaign para sa Calvin Klein, I didn't eat breakfast para 'di ako bloated, mahirap din alisin ang bloat ko kapag bloated na talaga ako.

Agad akong kumain ng Fita, para may laman na yung tiyan ko.

Ayoko ring magworry si Alexander dahil 'di nanaman ako kumakain, mas strict siya ngayon na boyfriend ko na siya, dami niyang dama talaga.

Puro luto na rin siya sa apartment ko, minsan nga iniimbitahan niya 'ko sa apartment niya tas luto siya.

He's like a parent, puro text kung okay ako o kumain ba 'ko, jusko. Boyfriend ko ba siya o tatay ko?

Nagpalit ako nang damit, yung outfit ko medyo cute at casual pero maiisip mo na uy, ang ganda nung girlfriend nung lalaking yun oh.

Of course, alam kong maganda ako, hello? Pero wala namang problema kung mas lalo akong gumanda sa date na'min, 'di ba?

Tinali ko ang buhok ko pagkatapos at ginamit yung mamahalin kong perfume, Tom Ford din 'to grabe kayo.

"Ganda naman ni baby girl~" asar ni Almira sa tabi ko, bago si Almira sa modeling, iba ang agency niya pero tinutulak na raw siya ni Silas na maging modelo niya.

"Ha, maganda ka rin, Mira."

"Pero ekstra ganda mo po, may date ka?" dagdag niyang tanong at kinuha yung bag niya, paalis na rin siya.

"Yup!" maligaya kong sabi, ang laki pa ng ngiti ko.

I don't know kung bakit pero alam ko na excited ako at kinakabahan sa date na'min. It's just different kasi ngayon boyfriend ko na siya at girlfriend niya na' ko, ilang taon ko ring pinangarap, I manifested this shit.

Paglabas ko sa building, agad kong nakita siya sa parking lot, nasa labas ng kotse niya, ang laki pa ng ngiti niya.

Porket ang gwapo mo lang, bwisit.

Gwapo ng boyfriend ko, shet.

Casual lang din ang outfit niya pero kita ko rin yang dibdib niya, I think he knows that I like his chest the most, lagi kasi siyang nagluluto tapos titig ako ng titig sa dibdib niya, I knew he'd find out one day.

"Wow, you are beautiful, babe." saya niyang sabi sa'kin nang nakarating na 'ko sa kotse niya, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yung mga daliri ko.

"Maka-babe 'to, sus, bola ka pa, Cardoza." tawa kong sagot sa kanya.

"Of course! Babe! Baby na kita eh~" landi niya talaga, bwiset.

Binuksan niya yung pinto ng kotse para sa'kin, agad akong pumasok at binuckle yung seatbelt ko.

Pumasok na rin siya at inistart yung makina nung kotse niya.

American Boy ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon