Chapter Twenty Five

71 17 0
                                    

Chapter Twenty Five: Running

There are good things about becoming famous on Instagram, I get brand deals here and there and I also get a lot more followers and supporters.

I'm always thankful for the people who loved my books and my photoshoots.

I'm always going to be grateful for everything that I have now. I'm happy with the kind of life I am living right at the moment.

But there are also risks when it comes to being famous, one of them is possibly--stalkers.

"I..."

'Di ako makapagsalita, wala akong masabi, 'di ako paniwala sa nakikita ko, this is the third time this week and I could tell that this is serious.

"Okay..."

Huminga ako ng malalim at ngiti na lang ang binigay ko sa empleyado tsaka ko tinanggap yung tray na may almusal mula sa kanya, nagpasalamat na rin ako sa kanya at sinarado ang pinto pagkatapos.

Jesus Christ. I swear I have no idea what is happening and whoever sent me breakfast again.

Nung nakaraan pa 'to. Three days ago, nakatanggap ako ng almusal mula sa empleyado ng building ng apartment ko.

May restaurant sila dito sa building, 'di naman ako mahilig na bumili ng pagkain dito kasi mahal kaya luto na lang o McDo.

May nanlibre sa'kin nung araw na yun, I found it odd dahil wala rin silang sinabi kung kanino galing at kung sino ang nanlibre.

Para bang tinatago nila kung kanino galing.

Okay lang ako no'n, kaso pangatlong araw na ngayon at heto, may almusal pa rin ako galing sa kung sino mang nanlilibre sa'kin ng almusal.

It's different again. Bacon and eggs with some salad too, nung mga nakaraan may kanin at mga lumpia, kung ano yun nakalimutan ko na.

Now it looks like it's just a simple meal yet it also looks appetizing at the same time.

But why?

Bakit nila ako nililibre?

At sinong nanlilibre sa'kin ng almusal?

Stalker. That's all I could think about.

Kaso nga lang paano ko naman malalaman na stalker ko talaga ang nanlilibre sa'kin?

Maybe it's just someone... but who is this someone?

And why? Ano ba siya sa buhay ko? May kapitbahay ba 'ko dito sa building na nagustuhan ako dahil mabait ako sa kanila o kung ano?

Ewan ko ba.

Pero parang 'di ko gusto kung saan 'to papunta, I just don't. But how do I even find out who?

Masarap naman din yung pagkain, ayoko ring sayangin yung nilibre sa'kin, 'di ko inubos dahil may shoot ako today, mabilis pa naman akong mabloated kapag marami akong kinain.

Gutom ako kaya kumain ako ng konti.

Pagkatapos kong kumain naghimasa ako agad.

Nagmakeup ako pero 'di na 'ko naglagay ng foundation o ng concealer, buburahin ko naman din mamaya para sa shoot ko.

I wore a crop tank top and some Levi jeans.

Balak kong uminom ng Iced coffee ulet habang sinusulat ko yung libro ko, mamayang hapon pa yung shoot ko.

American Boy ✔️Where stories live. Discover now