Chapter 1

3K 33 2
                                    

Starley's POV

"Ano, game na kayo mamaya?" tanong ni Asha habang namimili ng damit.

"Seryoso ka ba talaga na kasali tayo? I mean, bachelor's party nga diba. Bakit may babae? Lutang ka ba nung pinlano mo 'yon?" tanong ni Madi na may halong pang-aasar.

"Medyo. Pero 'yon nga! Halos silang apat lang din naman kasing magkakaibigan ang nandun. 'Yung iba kasing kakilala ni Zion na lalaki ay sa wedding pa makakarating. Mga nakatira kasi sa ibang bansa kaya ganun. Parang get together na lang ang magaganap mamaya. Tayong magkakaibigan kasama silang magkakaibigan. Plus, ayaw niyo ba nun? May chance kayo dun sa mga crush niyo. Lalo ka na, Starley!" panunukso niya habang nakangisi.

Grabe naman 'to, nandadamay pa...

"Oh, 'bat nadamay ako?" tanong ko sabay turo sa aking sarili.

"Asus, deny ka pa ha! Obvious naman na gusto mo si Zeke eh!" pang-aasar ni Madi at mahina pa akong hinampas sa braso.

"Ano ba kayo! Ilang buwan pa lang kami magkakilala 'no!" suway ko sa kanila.

"Bakit? Love knows no time. Wait, tama ba?" tanong ni Asha at natawa naman ang dalawa habang ako naman ay nakatitig lang sa kanila.

"Pero seryoso, baka ito na 'yung time para 'yung friendship niyo ay maging relationship na!" dagdag niya.

Napailing na lang ako kahit sa loob-loob ko ay natutuwa ako. Tama si Asha, baka ito na nga ang pagkakataon para mas lalong mapalapit ako sa kanya. Close na rin naman kami, halos araw-araw kaming gumagala sa nakalipas na ilang buwan, magkasundo kami sa maraming bagay at halos hindi na nga kami mapaghiwalay eh.

Natatawa pa nga ako sa tuwing magseselos 'yung mga kaibigan ko kapag mas pipiliin kong sumama kay Zeke kaysa sa kanila eh. Alam ko namang hindi totoo ang selos na 'yon dahil alam kong pati sila ay gustong ganun ang mangyari.

"Kinikilig spotted!" natigilan naman ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Madi.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at nakatingin na silang tatlo sa akin!

"Hala siya oh! Mukhang pinaplano na ang kasal!" pang-aasar ni Asha at natawa naman ang dalawa.

"Baliw! Hindi 'no! 'Di ba pwedeng may iniisip lang?" palusot ko.

"Pwede naman. Lalo na kung si Zeke ang iniisip mo!" Nakangising sabi ni Cathy.

"Tumigil na nga kayo. Sige na, mamili na tayo ng mga damit na susuotin natin mamaya," pag-iiba ko ng usapan at binaling ang tingin sa hawak kong dress.

Ito na lang ang bibilhin ko. Bukod sa simple lang siya, ganitong klaseng damit ang gusto kong suotin.

Off-shoulder yellow dress lang siya at hanggang tuhod ko ang haba. May dilaw din naman akong doll shoes kaya 'yon na lang ang ipapares ko sa damit.

...

Pasado alas-siyete na ng gabi nang makarating kami sa bahay ni Zion kung saan gaganapin ang party. Medyo nag-iba 'yung plano nila dahil 'yung mga inimbita ni Zion na lalaki ay makakapunta pala kaya ayan, apat lang kaming babae samantalang ang mga lalaki ay nasa sampu na.

Malakas na musika ang agad sumalubong sa amin nang makapasok kami sa loob ng bahay. Nauna si Asha na maglakad habang kaming tatlo ay nakasunod lang sa kanya. Hindi naman kasi kami pamilyar sa bahay ni Zion tapos nagkalat pa ang mga lalaking ito na hindi naman namin kilala.

"Hi, love!" bati ni Asha kay Zion nang makita niya ito.

"Grabe makayakap oh, parang isang taong hindi nagkita ha," bulong ni Madi sa amin ni Cathy.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now