Chapter 7

598 18 3
                                    

(Day one)

Star's POV

"Zeke, may I ask. Bakit may sixty days ka pang nalalaman ha?" tanong ko at natawa naman siya bago sumagot.

"Kapag natapos na ang sixty days, malalaman mo," seryoso ba siya?

Paghihintayin niya pa ako ng halos dalawang buwan para lang malaman kung para saan iyon?

"Magpapakasal ba tayo ng literal?" tanong ko ulit.

"Nope. Fake one, nang sa ganun ay malaya pa rin tayo. Don't worry, I already took care of that," sagot niya ay may kinuhang brown envelope sa glove box ng sasakyan.

Oo nga pala, papunta kami ngayon sa simbahan kasi ngayon na ang araw ng kasal ng magaling kong kaibigan. Kilala niyo na kung sino 'yon,

At malamang, si Zeke ang escort ko ngayon kasi nga "asawa" ko siya. Weird, ano?

Ibinigay niya sa akin ang envelope, nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang isang marriage certificate na may pangalan namin ni Zeke!

Magtatanong pa lang sana ako pero mukhang nabasa niya ang isip ko.

"May kakilala si Jared na gumagawa ng fake certificates. Sinabihan ko siya na gawan tayo niyan last week."

"Paano mo nakuha ang pirma ko?" tanong ko.

"Remember the thing you signed last week?" tanong niya at nilingon ako.

"Alin?"

"Iyong mga papel na pinapirma ko sayo nung araw na pumayag ka sa gusto ko."

Nagtatakang tinignan ko pa siya habang inaalala ang mga nangyari last week.

Pumayag ako sa gusto niya, nagdiwang ang mga magulang niya, nang makauwi kami ay may binigay siya sa aking folder.

"Ano ito?" tanong ko habang hawak ang folder.

"Sign it. It will be a contract. Meaning, pumayag ka sa kasunduan natin nang walang pag-aalinlangan at susunod ka sa mga rules na nakasulat diyan," seryoso niyang sambit.

"Do I have to read it?"

"It's up to you."

At dahil dakilang tamad ako ay hindi ko na ito binasa at pinirmahan na lang ang limang papel na nasa folder.

"You sure you don't wanna read it?" tanong niya nang ibalik ko sa kanya ang folder at ballpen.

"No, I'm good."

"Okay, then."

"Wait, so dun mo nakuha ang pirma ko? Kinopya mo?" gulat kong tanong.

"What? No. 'Yong pinakahuling papel na pinirmahan mo ay para sa fake marriage certificate na 'yon. Di ka kasi nagbabasa eh," pang-aasar niya at nginisian pa ako.

"Teka, teka. Hindi kita natanong kung bakit mo pa ako pinapirma nun."

"Baka kasi takasan mo ako. Ikaw na ang nagsabi na hindi pa tayo masyadong magkakilala. Gamit ang kontrata na iyon, kaya kitang ma-track."

"Baliw ka talagang hinayupak ka!" sambit ko pero tinawanan niya lang ako.

"You're mine for sixty days, baby," I gulped.

...

Nagsimula nang tumugtog ang wedding song nila Asha at by pair na naglakad ang mga bisita sa aisle. Pangatlo kami ni Zeke habang sa likod namin ay sila Madi at Jared. Sa likod naman nila ay sila Cathy at Manuel. Oh diba, mga nagkatuluyan din ang mga ito...

Nang makalayo na ang nasa harapan namin ni Zeke ay sinenyasan na kami na maglakad na din. Nakayakap ako sa braso ni Zeke habang ang isa ko pang kamay ay may hawak na bulaklak.

Nang makarating kami sa harap ay naghiwalay na kami ng tinahak dahil hiwalay ang mga bridesmaids sa groomsmen.

"Ang higpit ng yakap mo kanina ha," bulong ni Madi nang makatabi ko siya.

"Pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Asus, deny 'yan? Halata kaya 'yong pagkakayakap mo sa braso ni Zeke. Feel na feel ang pagiging Mrs. Velasquez ha," sabi naman ni Cathy.

"Tsk, shut up," inis kong sabi at itinuon na lang ang tingin kila Asha na nasa altar na.

Inabot na ng mahigit isang oras ang kasalan at sa oras na ito, opisyal na kasal na nga ang kaibigan namin. Hindi pa rin kami makaget-over dun sa inamin ni Asha nung gabing iyon, hindi talaga namin alam na may ganun palang nangyari. Masyado kasing magaling sa mga lihim ito si Asha eh. Masasabi niya lang ang tinatago niya kapag nadudulas ang kanyang dila o di kaya, pinwersa siya.

Umalis na kaming lahat sa simabahan at dumeretso sa hotel kung saan mangyayari ang reception.

"Girl! My gosh, kasal ka na!" sabi ni Madi at niyakap pa si Asha.

"Madison, ang OA ha! Don't worry, hindi lang naman ako ang nakahanap ng prince charming. Kayo rin kaya, lalo na 'yong isa diyan oh. 'Kasal' na," pagpaparinig ni Asha sa akin.

"Uyyy! Kailan ang honeymoon?" tanong ni Cathy.

"The fudge?!" gulat kong tanong.

"Joke lang! Si Asha kasi! So, kailan ang honeymoon?" Nakangisi nitong sabi kay Asha.

"Malamang, mamaya! Tignan mo, next week or so ay may inaanak na tayo," sabi naman ni Madison at natawa kaming apat.

"Excuse me, girls. Hihiramin ko lang saglit ang asawa ko, mom and dad wants to see her," singit ni Zion.

"Kahit wag mo na ibalik, okay lang," sabi ni Madi habang umiinom ng wine.

"Sira ka talaga kahit kailan." Natatawang sabi ni Asha bago sumama kay Zion.

Kaming tatlo naman ay kinuha na ng mga sari-sarili naming partner. Itong Zeke, bigla na lang akong hinila palayo sa mga kaibigan ko at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng hinayupak na ito.

"Oh bakit?" tanong ko nang tumigil kami sa paglalakad at tignan niya ako.

"My parents wants to see us now. Kausap ko sila kanina lang at naging hysterical sila nang malaman nilang 'kinasal' tayo without them knowing it."

"Ha? Akala ko ba ay sapat na sa kanila na makitang kasal na ang anak nila?"

"Exactly, sapat na sa kanila na MAKITANG kinasal tayo. Para proweba na hindi ako nagloloko," sagot niya habang inaayos ang coat niya.

"Paano na 'yan?"

"Iyong marriage cerfiticate. Magpaalam ka na muna sa mga kaibigan mo, kailangan na nating umalis," utos niya.

Wala tuloy akong nagawa kundi bumalik dun sa venue para magpaalam kila Asha.

"Ha? Bakit naman?" sabay-sabay nilang tanong.

"Hinahanap kami ng magulang ni Zeke. Babalik na lang kami kung palayasin kami agad." Tumango na lang sila at nakipagbeso sa akin.

Kinuha ko na ang dala kong sling bag at lumabas ng hotel papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Zeke.

"Let's go."

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now