Chapter 26

540 20 8
                                    

(Day 38)

Starley's POV

"Why are we leaving?" tanong ko habang nakahawak sa sling ng bag ko.

"I want to take a vacation, love. Just the two of us." Nakangiti niyang sabi at lumabas dala ang mga maleta namin kaya sumunod na din ako sa kanya.

Pupunta daw muna kami ng Australia at magpapalipas dun ng ilang araw. Tsk, may tinatakbuhan lang siya eh.

"Let's go." Tumango ako at sumakay na sa kotse.

Pinaandar na niya ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho papunta sa airport.

Makalipas ang halos kalahating oras ay narating na rin namin ang paliparan at pagpasok namin sa loob ay dumeretso na kami sa departure area matapos i-check ang mga dala naming gamit.

"Okay ka lang?" tanong ni Zeke habang nakaupo kami sa mga upuan.

"Medyo sinisikmura ako," sambit ko habang nakahawak sa tiyan ko.

May kinuha naman siya sa kanyang bag at inabot ito sa akin, isa siyang chewing gum.

"Here." Kinuha ko ito at agad kinain.

Makalipas ang ilang minuto ay medyo gumanda na ulit ang pakiramdam ko at saktong papasakay na kami ng eroplano.

"Okay ka na?" tanong niya nang makaupo kami sa mga upuan namin dito sa loob ng eroplano.

"Yeah."

"Ano ba kasing kinain mo kanina?" tanong niya.

"Wala, kumain lang naman ako ng biskwit kanina," sagot ko.

Totoo naman eh, kanina kasi ay parang ayokong kumain ng kanina. Pakiramdam ko ay busog pa ako.

"Sabihan mo ako kapag sumama ulit ang pakiramdam mo ha," sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Tumango ako at sumandal sa upuan ko.

"Matulog ka muna, mahaba-haba pa ang biyahe natin." Tumango lang ako habang nakatitig sa harapan.

Hindi naman ako inaantok kaya  nagmuni-muni na lang ako dun habang nginunguya ang gum na nasa bibig ko.

Mahigit isang oras siguro ang lumipas at kanina ko pa iniluwa ang bubble gum na kinakain ko kasi wala na itong lasa. Bigla na naman akong sinikmura at nang lingunin ko si Zeke ay ang himbing ng tulog nito habang nakahawak sa kamay ko.

Hindi ko na lang siya ginising dahil alam kong puyat ito kagabi. Ininda ko na lang nararamdaman ko pero mukhang nahalata ng isang flight attendant na hindi ako komportable kasi nilapitan niya ako.

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong niya habang nakahawak sa balikat.

"Yeah. Where's your restroom?" tanong ko.

"Tara po, ma'am. Dalhin ko po kayo dun." Tumango ako at dahan-dahang binitawan ang kamay ni Zeke tsaka sumama dun sa flight attendant.

Nang makarating kami sa cr ay agad kong ni-lock ang pinto at sumuka dun sa toilet bowl.

Wala naman akong kinain pero bakit ako sinisikmura?!

Tatlong minuto siguro ang lumipas nang maramdaman kong okay na ako. Nagmumog muna ako at pinunasan ang bibig gamit ang wet wipes na dala ko.

I flushed the toilet and went out.

"Ma'am, okay na po kayo?" tanong niya.

"Yes, thank you." Tumango siya at ngumiti tsaka ako sinamahan pabalik sa upuan ko, tulog pa rin si Zeke.

"Ma'am, gusto mo po ng tubig?"

"Yes, please," sagot ko.

Umalis naman siya at agad bumalik na may dalang bottled water.

"Thank you," sambit ko nang ibigay niya ito sa akin.

"You're welcome po, ma'am. May kailangan pa po kayo?"

"Wala na. Thank you ulit." Tumango siya at umalis na.

Ako naman ay binuksan ko ang bote at ininom ang tubig.

Nakaramdam naman ako ng antok kaya pinikit ko muna ang aking mga mata at agad din naman akong nakatulog.

...

Ilang oras na ang lumipas at sa wakas ay narating na din namin ang Australia. Paglabas namin ng airport ay sinundo kami ng mga kamag-anak ni Zeke at dinala kami dun sa dating bahay daw ng magulang niya.

"Dito tayo mananatili?" tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.

"Yup, you like it?" Nakangiti niyang sabi sabay lapit sa akin.

"Yeah. Ang ganda ng bahay ng magulang mo, love."

"Actually, this is mine. Pinamana ito sa akin ng lolo ko when I was eighteen. Ginawa namin itong bahay-bakasyunan at sa tuwing pumupunta kami dito sa Australia ay dito kami sa bahay nananatili," paliwanag niya at niyakap ako mula sa likod.

"We could live here if you want," bulong niya.

"Zeke, we have a life in the Philippines. May mga business ka dun at meron din ako. We can't just leave it behind."

"We can start again, love. I'm planning to marry you one day, for real. And I want us to live here," sabi niya at hinarap ako.

"I want to marry you too, but I'm not sure if we should live here," sambit ko at hinawakan ang pisngi niya.

"I'll give you a lot of time to think about it."

"Now come on, let me give you a tour." Napangiti naman ako at nagpahila sa kanya paikot ng buong bahay.

Isang oras na ang lumipas nang matapos kaming ilagay lahat ng damit namin sa closet dito sa aming kwarto. Gabi na rin naman pero dahil nga nakatulog kami parehas ni Zeke sa loob ng eroplano ng ilang oras ay nanood muna kami ng movie dito sa kwarto namin.

"Love, may tatanong ako sayo," sabi ko habang nakain ng popcorn.

"What is it?" tanong niya habang nakatingin sa t.v.

"Payag ka bang magkaroon tayo ng baby?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na iyan dahil kusang lumabas 'yan sa bibig ko.

"Of course. I would be very happy and lucky if I got you pregnant. Besides, it's also one of my dreams to become a father and have a family," parehas pala kami ng pangarap.

Napangiti naman ako at tumingin ulit sa pinapanood namin.

"Pero wag muna ngayon, love." Napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita siya.

"Why?" tanong ko.

"Marami pa tayong kailangan asikasuhin at tapusin. Tsaka na muna tayo magka-baby."

Ikaw lang naman ang may kailangan tapusin, Zeke. Sana lang talaga ay mali itong iniisip ko tungkol sa nakita ko sa maleta mo nung isang araw. Baka hindi ako magdalawang isip na iwan ka.

"Zeke, wag kang magagalit ha. May isa pa akong tanong. Mahal mo ba talaga ako?" tanong ko.

"With all my heart, love," sabi niya at nginitian ako.

"Kaysa kay April?" agad namang naglaho ang ngiti niya.

"Bakit naman siya nadamay dito?"

"Wala lang. Nagsisiguro lang. So, mahal mo ba ako kaysa kay April?"

"Love, ito ang tatandaan mo. May ex man ako o wala, ikaw ang asawa ko at ikaw ang mahal ko. Hinding-hindi maaagaw ang pagmamahal ko sayo ng kahit sinong babae. I am a possessive man, love. I can be possessive and obsessed to you. Do you understand me, hmm?" tanong niya at inangat ang baba ko.

Tumango naman ako at unti-unti niya akong hinalikan sa labi.

Siguraduhin mo lang na ako lang ang mahal mo, Zeke. Ayoko ng niloloko ako.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now