Chapter 58

758 16 0
                                    

Starley's POV

Sobrang bilis talaga lumipas ng panahon, dalawang taon na ang lumipas at kaarawan ni Baby A ngayon. Dinalaw muna namin ang Ate Z niya bago kami nagpaparty dito sa manor.

Inimbitahan din namin ang ibang mga bata dito sa subdivision dahil minsan ay nakalaro rin nila si Abigail at syempre, hindi mawawala ang mga kaibigan ko.

Kasalukuyang buntis ngayon si Asha sa pangalawa nilang anak, si Madi naman ay may anak na rin at mag-iisang taon na ito sa susunod na buwan at si Cathy naman ay bagong panganak ilang buwan pa lang ang nakalilipas.

"Ace, bantayan mo 'yung mga kababata mo ha," bilin ni Asha sa anak niya. Ace is turning four a few months from now.

"Yes, mommy." Nakangiti nitong sabi sabay lapit kila Abigail.

"For sure, magiging magbarkada din ang mga anak natin," sambit ni Madi habang nakatingin kami sa mga bata na naglalaro. Pati 'yung five months baby ni Cathy ay nakikilaro na rin.

Pero syempre, binabantayan sila ng mga ama nila. Bantay ni Zeke si Abigail, bantay ni Zion si Ace, bantay naman ni Jared si Penelope at bantay naman ni Manuel si Cole.

Nakakatuwa ngang isipin dahil dati ay hawak ng mga ito ay alak at iba pang bisyo, ngayon naman ang hawak nila ay gatas at diaper ng mga anak nila.

"True! Ang kyut nila kapag sama-sama sila," komento naman ni Asha.

...

Alas-siyete pa lang ng umaga ay gising na ako para magluto ng almusal. Mamayang alas-otso kasi ang pasok ni Zeke sa trabaho at ngayong araw ay isasama niya si Abigail sa kanya. Aalis din kasi ako, sasama ako saglit kila daddy sa kompanya, ewan ko na kung bakit gustong dalhin dun ni daddy, basta pumayag na lang ako.

Mahigit kalahating oras na ang lumipas kaya dumeretso na ako sa kwarto ni Abigail para gisingin siya at papaliguan ko pa siya.

Pagbukas ko ng pinto ay wala na siya dun sa kama. Narinig ko naman ang pagpatay ng tubig sa cr at maya-maya lang ay bumukas ang pinto at buhat-buhat ni Zeke ang anak namin habang nakabalot ito ng tuwalya.

"Oh, bakit ikaw ang nagpaligo sa kanya? Diba dapat ay naghahanda ka na rin," sambit ko at kinuha sa kanya si Abigail.

"You were busy cooking kaya ako na lang ang nagpaligo kay Baby A."

"Oh siya, maligo ka na rin para makapag-almusal na tayo." Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi bago lumabas ng kwarto.

Ako naman ay dumeretso sa closet ni Abigail para kumuha ng white shirt at pink jumper. Nilagyan ko muna ng baby powder ang likod ni Abigail pati na ang leeg niya, sunod kong nilagyan ng lotion ang kanyang mga braso at mga binti bago ko sinuot sa kanya ang kinuha kong damit.

Pagkatapos nun ay kumuha ako ng medyas at 'yung white shoes niya tsaka ito sinuot sa kanya.

"Mama, where are you going po?" tanong niya habang tinatali ko ang kanyang buhok.

"Bibisitahin ko si lolo, Baby A. Later, pupuntahan ko rin kayo ni papa. Behave ka habang nag wowork siya ha," bilin ko at tumango naman siya.

"Anong gusto mo dito, 'nak?" tanong ko at pinakita sa kanya ang dalawang headband na may design.

Kinuha niya naman 'yung purple ang kulay, hilig talaga sa purple eh...

Nang matapos ko siyang ayusan ay lumabas na kami at saktong lumabas na rin si Zeke ng kwarto namin na naka-office attire.

Bumaba na kaming tatlo papunta sa dining room para mag-almusal.

Pagkatapos nun ay hinanda ko ang mga dadalhin ni Abigail tulad ng face towel, gatas, yung paborito niyang stuff toy at kung ano-ano pa. Grabe, parang gagala itong si Abigail sa dami ng inimpake ko para sa kanya kahit dun lang naman siya tatambay sa kompanya ng papa niya.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat