Chapter 17

533 18 8
                                    

(Day 24)

Starley's POV

"Asha! Buti magaling ka na!" Tili ko nang makapasok ako sa kwarto niya.

Dahil nga daw mabilis ang recovery niya, pwede na siya ma-discharge ngayon.

"Bakit parang iba nararamdaman ko sayo, Starley?" biglang tanong ni Cathy.

"Ha?" tanong ko.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang panga ko na tila sinusuri ang aking mukha.

"Umiyak ka, ano?" tanong niya.

Agad akong umiling at tinanggal ang kamay niya.

"Hindi ah!" tanggi ko.

"Wag kami, Starley. Kilala ka namin. Umamin ka na, bakit ka umiyak?" tanong niya.

"Inaway ka ba ni Zeke?" tanong ni Asha.

"Tara, ilibing na natin!" aya ni Madi. Baliw talaga ang babaeng ito...

"Hindi! Hindi kami nag-away, na-realize ko lang kasi."

"Na?" sabay-sabay nilang tanong.

"Itigil ko na ang kontrata," napuno ng katahimikan ang buong kwarto.

"Oh my gosh, bakit?!" tanong nilang tatlo.

"Girls, hindi ko na kaya! Day by day, nahuhulog ako sa kanya! If this contract ends, my feelings won't. Kaya mas mabuting tapusin na ng maaga para hindi na lumala itong nararamdaman ko. Kasi kapag pinagpatuloy ko ito, ako ang talo," nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Hindi papayag si Zeke," sabi ni Asha.

"Sa nakalipas na ilang linggo niyong pagsasama, nakikita mo ang mga ugali niya diba. Isa na dun ang hindi siya basta-basta pumapayag o nagpapatalo sa isang bagay," naalala ko tuloy 'yung laging nangyayari sa amin sa grocery store tuwing magbabayad na kami.

"You also have a contract, may pirma mo pa."

"I'll try to talk to him. Baka, payagan niya ako," sambit ko naman.

"What if he don't?" tanong ni Cathy.

What if he don't?

"I-I don't know. Run away maybe?" tanong ko.

"Seryoso ka? Sa tingin mo, hindi ka mahahanap ni Zeke?" tanong ni Madi.

"Teka nga, saan ba kayo kampi?!"

"Sayo," sabay-sabay nilang sabi.

"Sa akin naman pala eh, wag niyo na akong takutin!" sambit ko at natawa naman sila bago sumeryoso ulit.

"Wait, seryoso na. Star, alam mo itong pinasok mo nung una pa lang. Kung kailan kalahati na, tsaka ka pa bibitaw? Star, you know the consequences if you stop this deal. Hindi kita tinatakot, Star. I'm just protecting you, mas kilala ko si Zeke dahil simula nang maging kami ni Zion ay napalapit na rin ako sa mga kaibigan niya. If you love him, lumaban ka. Diba, wala sa vocabulary natin ang sumuko," paliwanag ni Asha at tumango naman ang dalawa pa naming kaibigan.

May point sila pero may point din ako. So, ano na?

...

Hindi ako umuwi ng bahay at nagpalipas muna ako ng gabi kila Madi. Actually, nag sleepover kami dito sa apartment niya, parang selebrasyon na din kasi maayos na ang lagay ni Asha.

Si Zeke naman ay panay ang tawag sa akin, sunod-sunod din na messages ang dumadating pero hindi ko binubuksan ang mga ito. Pero may isa akong nabasa na message at tinatanong niya kung nasaan ba ako.

Pati mga kaibigan ko ay tinatawagan niya na rin pero sinabi kong magsinungaling na muna sila. Ayoko munang makita o makausap si Zeke, kailangan ko munang mag-isip kung anong sunod kong gagawin.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon