Chapter 30

569 19 5
                                    

(Day 46)

Starley's POV

Halos ilang araw din kaming hindi nagpansinan ni Zeke kahit nasa iisang bubong lang kami. Hindi ko alam kung magkaaway pa ba kami o iniiwasan niya lang ako. Tuwing umaga kasi ay aalis siya at hatinggabi naman kung uuwi. Minsan, hindi ako makatulog tapos narinig ko na lang bigla na bumukas 'yung pinto.

Hindi ako kumibo at nagpanggap na tulog, makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa kabilang side ng kama at nakatalikod ako mula sa kanya.

"I love you," bulong niya at hinalikan ako sa pisngi sabay yakap sa akin mula sa likod.

Dun pa lang ay alam kong hindi kami magkaaway pero bakit niya ako iniiwasan? Iniiwasan ba ang tawag dun o iniiwanan?

Ang hirap ng ganito...

"Huy!" agad naman akong nabalik sa reyalidad nang sumigaw si Madi.

"Ano?" tanong ko.

"Tulala ka diyan? Ano, another neglecting each other day again?" tanong niya.

Imbis na sumagot ay bigla na lang bumuhos ang luha ko.

"Bakit ba siya ganun? Anong ginawa kong masama? Wala naman diba? Naging mabuting asawa ako sa kanya, hindi naman ako nagkulang diba? Bakit niya ako iniiwasan? Pinagpapalit na niya ba ako sa hayop na April na 'yon?" sunod-sunod kong tanong.

"Hoy, tumigil ka nga!" suway ni Asha.

"Isa, tumigil ka. Kalma, sis. Pag ikaw inatake ng asthma, aatakihin namin si Zeke," banta niya.

Huminga ako ng paulit-ulit hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.

"Ilang araw na ba kayong hindi nagpapansinan?" tanong niya.

"Pang-apat na araw na ngayon," sagot ko.

"Seryoso ba? Teka, diba laging kasama ni Zeke sila Zion? Wala bang kinekwento sayo ang asawa mo?" tanong ni Madi sabay lingon kay Asha.

"Wala nga eh. Pinipilit ko siyang mag kwento pero ang hayop, snober!" sagot niya.

"Sabi mo, nabuksan mo ang phone ni Zeke noon. Hindi mo na ba nabubuksan ngayon?" tanong ni Cathy at umiling naman ako.

"Lagi na siyang nasa phone niya at kung hindi naman, tinatago niya ito."

"Hay nako, pagkatapos ng problema nila Asha at Zion, kayo naman ni Zeke ang nagkaroon. Sino next? Ikaw, Cathy?" tanong ni Madi.

"Anak ng..."

"Manahimik ka na lang, Madison, hindi ka nakakatulong." Iling-iling na sabi ni Cathy at natawa naman si Madi.

"Oh, Starley. Okay ka lang?" tanong ni Asha.

"Medyo sumikip na naman ang dibdib ko. Wait, kukuha lang ako---"

"Hoy, pucha!" Sigaw nilang lahat nang matumba ako.

Agad din namang nandilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

...

"Wait a minute, she took a pregnancy test a week before and it came back negative," rinig kong sabi ni Asha.

"Usually, pregnancy tests at home are sometimes wrong and not full accurate. Mrs. Velasquez's pregnancy started just a week ago. The test she took before didn't detect the pregnancy. We ran some blood tests and it all came back positive, she is pregnant."

"How far along?" tanong ni Cathy.

"About a week now, ma'am. I'll be back later to check on Mrs. Velasquez, excuse me," nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ay minulat ko na ang aking mata.

Ngayon ko lang naramdaman na nakasuot pala ako ng nasal cannula.

"Star..."

"I know. I heard what the doctor said," bulong ko.

"Paano na 'yan?" tanong ni Asha.

"Nasaan sila Zeke?"

"We already called them. They are on their way."

"Please, do not tell him that I'm pregnant. Wag niyo rin sasabihin sa mga kaibigan niya at baka madulas ang mga dila ng mga iyon," pagmamakaawa ko at tumango naman sila.

"But, Star. You can't hide this pregnancy. Sooner or later, your belly will grow," sabi ni Cathy.

"I know. I just have to talk to him but not now. I have to find out everything first."

"Hindi ka yata masaya?" tanong ni Madi.

"Ang hirap magdiwang, Madi. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko."

"Love?" Napatingin kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Zeke sa labas ng kwarto.

Agad namang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang nag-aalalang mukha ni Zeke.

"Oh, gosh, love. Are you okay? What happened? Are you hurt?" sunod-sunod niyang tanong at nilapitan ako para yakapin.

"Zeke, hinimatay lang 'yang asawa mo. Wag kang OA," sabi ni Madi at mahinang natawa naman ang mga kaibigan namin.

"Ano bang nangyari?"

"Inatake lang ako ng asthma, Zeke, kaya ako hinimatay."

"Sigurado ka?" tanong niya at tumango naman ako.

"Sabi rin naman ng doktor, pwede na ako umuwi mamaya kapag nakapagpahinga na ako konti," dugtong ko pa.

"Oh, thank God, you're okay," sabi niya at niyakap ulit ako.

Maya-maya lang ay biglang bumukas na naman ang pinto at bumungad sa amin ang doktor.

"Oh, you must be Mr. Velasquez," sabi niya habang nakatingin kay Zeke.

"Yes, I am."

"I'm Dr. Alcantara, I am the one who examined your wife."

"Dok, Pinay ka?" tanong ni Jared.

"Ah yes, sir. Now, as I was saying. I am the one who examined your wife. And I want to congra---"

"Dok! Pwede ka namin makausap kahit saglit lang!" sabi ni Asha at agad nila hinila si doktora palabas.

"Okay, what was that about?" tanong ni Zion at nagkibit-balikat lang ako.

Ilang minuto ang lumipas at pumasok ulit si doktora kasama ang mga kaibigan ko.

"Ano ulit 'yung sinasabi mo kanina, dok?" tanong ni Zeke.

"As I was saying, I just want to remind Mrs. Velasquez to take care of herself since her asthma is slightly severe. I will give her some medicine to take everyday," sabi niya at palihim akong nginitian ng mga kaibigan ko.

"Oh okay. Thank you, doc."

"My pleasure, sir. Excuse me." Tumango kami at umalis na ulit siya.

...

"What did you told her?" tanong ko kila Asha.

"Tanungin mo si Madi. Best in making stories yata 'yan," pang-aasar niya.

"Sinabi ko lang naman sa kanya na wag muna ipaalam sa asawa mo na preggy ka kasi gagawa tayo ng party at susurpresahin natin siya," kwento niya at natawa naman ako.

"Thank you, girls, for covering for me."

"Don't worry, maaasahan mo kami anytime," sabi ni Cathy at niyakap nila akong tatlo.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga kaibigan ko.

To be continued

_______________

Guys, singit ko saglit. Sa mga nakabasa na diyan ng "Fire meets Ice" story ko from dreame, I'm sorry hindi ko magawang ituloy dahil nawala ang focus ko dun at nakalimutan ko na ang plot. But, I promise you, guys that I will continue it soon. For now, focus muna tayo sa story nila Star at Zeke dahil simula pa lang ito ng kanilang journey. Marami pang magaganap hehehe.

Kindly do support me on dreame, my penname is YourAuthorJaz. Sana lang ay masuportahan niyo rin ako dun. Thank you!

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now