Chapter 52

584 16 1
                                    

Zeke's POV

"So, ikaw ang hinayupak na nanakit sa aking anak?" mataray na tanong ni tita kay April.

"What's her full name, Zeke?"

"April Faith Atienza, tita."

"Atienza. That sounds familiar, right?" tanong nito at nilingon ang kanyang asawa.

"Remember Mr. Atienza? The one who almost took our company's money?" tanong ni tito. Pati pala sila muntik nang maloko ng pamilya ni April.

"Oh, now I remember. And it made sense. Like father, like daughter. 'Yung ama, magnanakaw ng pera. 'Yung anak, magnanakaw ng asawa. Nasa lahi niyo siguro ang magnanakaw, hija?" tanong niya at inangat ang baba ni April.

"Ang ganda mo pa man ding bata ka, pero bakit ka pumatol sa may asawa na? Plus, dinamay mo pa ang bata. Tsk, sayang ka, hija. Walang kakwenta-kwenta 'yang buhay mo kung papatulan mo ang asawa ng anak ko. Ang bobo mo, literal," now I know kung saan namana ni Starley ang pagiging sarkastiko niya...

"Pasalamat ka at wala ako dun nung sinaksak mo ang anak ko. Kasi kung nandun ako, malamang ay pinag-pipiyestahan ka na ng mga uod."

"She deserve it, inagaw niya sa akin si Zeke," bulong ni April.

"I don't know the whole story but I know one thing for sure, mahal ni Zeke ang anak ko at handa siyang pakasalan si Starley. Ikakasal na nga dapat sila diba. Kaso, umepal kang tarantado ka. Tapos dinamay mo pa ang apo ko. Anong klaseng utak meron ka, hija? O baka naman ay wala kang utak kaya ka nagkakaganyan."

Ang sakit magsalita ni tita, grabe...

"Zeke, ano nang balak mo dito? Bakit mo nga pala siya kinulong dito sa bahay niyo ni Starley?" tanong ni tito.

"Kailangan ko po siyang bantayan, tito. Baka matakasan ako kapag sa ibang lugar ko siya kinulong."

"Is that so. Kami na ang bahala sa kanya. Bantayan mo na lamang ang iyong asawa," hindi na ako sumagot at tumango na lang bilang sagot.

...

"Ang daya mo talagang lokaret ka!" reklamo ni Asha at natawa naman sila Starley.

"Sino nauna? Wag pikon, mare!" pang-aasar naman ni Madi.

Napangiti naman ako nang masilayan ko ulit ang ngiti sa labi ng asawa ko.

Isang buwan na yata ang lumipas simula nang mawala ang anak namin. Matapos ang ginawang pag-amin ko sa kanya tungkol sa sakit ko, unti-unti siyang nakaka-recover. Mabagal pero makikita mo ang improvements sa kanyang kilos.

Baka sa susunod na linggo ko pa siya pwedeng maiuwi dahil 'yon ang payo ng doktor niya para maka-fully recover siya mula sa trauma na kanyang sinapit.

"Ganda ng ngiti natin, 'tol ah," komento ni Jared nang tabihan niya ako.

Nakatayo lang kami dito sa may pinto habang pinapanood sila Starley na naglalaro ng board game sa kama niya.

Nakasandal lang ako sa may pader habang titig na titig sa asawa ko. Grabe, namiss ko ang kanyang ngiting puno ng saya.

"Sinong 'di sasaya kung makita mo ulit na nakangiti ang iyong asawa? Common sense, 'tol." Iling-iling na sabi ni Zion.

Hindi ko sila pinansin at pinanood lamang ang asawa ko habang nakikipag-kwentuhan at tawanan siya sa kanyang mga kaibigan.

Makalipas pa ang ilang oras ay umuwi na rin ang mga kaibigan namin at sunod naman na dumating ang magulang ko.

Nakipag-kwentuhan lang si mommy kay Starley habang ako naman ay kausap si daddy.

"Where is April now? I haven't seen her in a month," tanong niya.

"Yeah, me too. Starley's parents took her away a month ago. And ever since then, wala na po akong balita sa kanya."

"Why did they took her?"

"I don't know, dad. Pero baka galit din sila kay April hindi lang dahil sa nangyari kay Star. Nalaman ko kasi na 'yung ama ni April ay muntik na ring nakawan ang kompanya ng magulang ni Star," kwento ko.

"Well, that make sense. How is Starley doing?" pag-iiba niya ng usapan.

"She's good. Araw-araw ay may nakikitang improvements. By next week, I can take her home."

"Here," sambit niya at may inabot sa akin na brown envelope.

"Ano ito, dad?" tanong ko at kinuha ito.

"I was supposed to give you that on your wedding day pero mukhang matatagalan pa 'yon dahil sa kondisyon ni Starley. Open it," utos niya.

Sinunod ko naman ang gusto niya at pagbukas ko ng envelope ay mga papeles ng properties ni lolo ang bumungad sa akin.

"Is this what I think it is?" tanong ko at tumango siya.

"His attorney came by at the house earlier to give me this. You might be forgetting that your birthday is next week, son."

"What? But I'm just turning twenty-six. Why are you already giving me this?" hindi siya sumagot ngunit tinignan si Starley.

"You already have a wife. If your lolo is here, he would be glad to give you that if he finds out that you have a wife."

"What happens next?" tanong ko.

"Expect your lolo's attorney to come by here later or tomorrow. Mas mabuting kayong dalawa na lang ang mag-usap," sagot niya at tumango na lang ako.

Maya-maya pa ay kailangan nang umalis nila mommy dahil may kailangan pa daw silang asikasuhin. Lumapit ako kay Starley at hinalikan siya sa noo bago umupo sa upuan na nasa gilid ng kama.

"Are you tired? Magpahinga ka muna, love."

"Zeke, kung 'yung sakit mo ang dahilan kung bakit may sixty days pa, ibig-sabihin ba nun ay hindi rin totoo ang mga pinagsasabi sa akin ni Asha noon?" tanong niya bigla.

"It's all true, love."

"Including the fact that you're parents are gold diggers and gamblers?" sunod-sunod akong tumango.

"But suprisingly, they changed when they met you. You know, napapaisip ako na siguro anghel ka na pinadala sa amin para magbago kami," mahina naman siyang natawa.

"When can I get out? I miss our home," pag-iiba niya ng usapan.

"Next week, love. Pero kung maganda ang maging improvements mo sa susunod na mga araw, baka this week ay makauwi na tayo. For now, magpahinga ka muna, hmm?" Tumango naman siya kaya inalalayan ko na siyang humiga ng maayos sa kama.

"Sweet dreams, love." Nginitian niya lang ako at pinikit na ang kanyang mga mata.

...

"Attorney Rodriguez, posible naman na ilipat ang mga ari-arian ng lolo ko sa pangalan ng magulang ko diba?" natigilan naman siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Well, uhm. Why did you ask?" tanong niya naman.

"Just answer my question."

"Okay, it is possible. Lalo na at ikaw na ngayon ang may-ari ng mga ito. But your grandfather won't like it if you give his properties to your parents," paliwanag niya.

"Move some of my properties under my parents' name and under the company's name," utos ko at naglakad na patungo sa kwarto ni Starley.

Kanina pa kami palakad-lakad dito sa hallway dahil ayoko namang mag-usap kami sa loob ng kwarto at baka magising si Starley.

"Mr. Velasquez, are you sure about that?" tanong niya nang mahabol niya ako.

"Yes. For now, napirmahan ko na rin naman ang gusto mong pirmahan ko. Let's just talk again soon in my company, not here," wala siyang ibang nagawa kundi tumango kaya tuluyan na akong pumasok sa kwarto ni Star.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now