Chapter 57

636 16 1
                                    

Starley's POV

Mahigit apat na buwan na rin ang lumipas at anytime ay lalabas na si baby. Si Zeke naman ay paranoid na at minu-minuto akong tinatanong kung manganganak na ba daw ako o hindi.

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung paano malalaman na manganganak na nga ba ako. Ang sabi naman sa akin ni mommy at ng biyenan ko ay kapag pumutok na daw ang panubigan ko o 'di kaya ay kakaibang sakit daw ang mararamdaman mula sa tiyan ko.

Wala naman akong nararamdaman na ganun kaya sigurado akong hindi pa lalabas si baby.

Kasaluyan akong nakahiga dito sa kama at si Zeke naman ay pinagluto ko sa baba. Wala kasi ang mga kasambahay namin kasama na si Nanay Linda dahil day-off nila ngayong araw kaya kaming dalawa lang ang nandito sa bahay.

Nang makaramdam ako ng gutom ay dahan-dahan akong bumangon at lumabas muna ng kwarto.

Nakakailang hakbang pa lang ako pababa ng hagdan nang maramdaman kong sumipa si baby.

Napatigil ako saglit at humawak sa railings ng hagdan habang ang isa kong kamay ay nasa tiyan ko.

Nang mawala ang sakit ay bumaba na ulit ako at nung malapit na ako sa baba ay nanakit na naman ang tiyan ko pero hindi tulad nung kanina, mas sumakit ang nararamdaman ko.

"Z-zeke."

"Zeke!" Tili ko.

Wala pang isang segundo ay agad ko siyang nakita na papalapit sa akin.

"What happened?"

"I-I don't know. Sumasakit 'yung tiyan ko eh," sambit ko habang nakahawak pa rin sa tiyan ko..

"Baka naman manganganak ka na? Gusto mo, dalhin na kita sa ospital?" tanong niya.

Hindi ako makasagot nang maramdaman ko ulit ang 'di maintindihang sakit mula sa tiyan ko.

"Love, ano?" tanong ni Zeke.

"S-sige," sagot ko na lang.

"Kunin ko lang 'yung bag, love. Dito ka muna," sambit niya at pinaupo ako sa sofa.

Habang naghihintay ay tumayo muna ako para maglakad-lakad ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay may tila nabutas sa pagkababae ko. Dun ko lang napagtanto na pumutok na pala ang panubigan ko.

"Zeke, bilisan mo! My water broke!" Sigaw ko.

Maya-maya lang ay sunod-sunod na yapak na pababa ng hagdan ang narinig ko at dun ko lang namalayan na nasa harap ko na pala si Zeke. Habang nakakawit ang bag sa braso niya ay binuhat na niya rin ako tsaka lumabas ng manor papunta sa kotse.

Mabilis kaming nakarating sa ospital dahil wala namang masyadong trapik at mabilis ang pagpapatakbo ni Zeke ng sasakyan.

Five centimeters dilated pa lang ako kaya nandito ako ngayon sa hospital room palakad-lakad habang si Zeke naman ay todo ang pag-alalay sa akin.

"Love, ikaw ulit magpangalan sa baby natin ha," basag ko sa katahimikan.

"Ha? Ayaw mo ikaw naman?" tanong niya.

"Wala akong maisip eh. Ikaw naman, for sure ay may baon kang pangalan," sambit ko at natawa naman siya.

"Alright, but sa next baby natin ay ikaw naman ha."

"Hindi pa nga ako nanganganak eh."

"Para prepared," sambit niya at hinalikan ako sa noo tsaka namin pinagpatuloy ang paglalakad.

Makalipas pa ang ilang oras ay hindi ko na kinakaya ang sakit na nadarama ko. Tinawag na ni Zeke si doktora at sinabing ten centimeters dilated na daw ako kaya heto, patungo kami ngayon sa delivery room.

Inihiga nila ako sa isa pang kama habang si Zeke ay hawak-hawak ang kamay ko.

Nagsimula akong umire nang utusan ako ni doktora. Makalipas pa ng ilang minuto ay sinuotan na ako ang nasal cannula dahil nahihirapan na naman akong huminga at Zeke naman ay parang tanga lang. Pinipigilan niya ang bawat paghinga niya sa tuwing iire ako.

Halos kalahating oras na yata akong umiire dito at sa wakas ay lumabas na rin ang ulo ni baby. Nakaramdam akong konting ginhawa at naramdaman ko naman ang pagpunas ni Zeke sa pawis ko.

"Very good, Starley. Last one big push and we're done, okay?" tanong ni doktora at tumango naman ako.

"Okay. One, two, three, push!" hindi ko na napigilang sumigaw at tuluyan na ngang lumabas si baby.

Kasabay ng malakas niyang iyak ay may malakas na kumalabog. Dun ko lang napagtanto na bumagsak pala si Zeke sa sahig!

Agad naman siyang nilapitan ng nga nurses at hindi maitago sa kanilang mga mukha na natatawa sila sa nangyari.

Maging ako ay hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa walang malay kong asawa.

Maya-maya lang ay nagising na rin siya.

"What happened?"

"Sir, hinimatay po kayo," sabi nung isang nurse.

"You okay?" tanong ko sa kanya nang makatayo ulit siya.

"Yeah, I'm sorry." Natatawa niyang sabi.

Napangiti lang ako at saktong dumating na din ang baby namin. Inilapag ni doktora ang anak namin sa dibdib ko at mahina namin itong hinaplos ni Zeke.

Unti-unti na rin akong hinihila ng antok at pagod ngunit bago pa ako tuluyang makatulog ay narinig ko si Zeke na nagsalita.

"Abigail Denise Velasquez."

...

"Congrats, tol! Nakaisa ka na rin!"

"My gosh! Ang ganda ng inaanak namin!"

Nagising ako sa ingay sa paligid at nang imulat ko ang aking mata ay agad kong nasulyapan si Zeke na karga ang aming prinsesa.

"Zeke," mahina kong tawag sa kanya.

Nang lingunin niya ako ay nginitian niya ako sabay lapit sa akin.

"Baby A, gising na si mama," bulong niya at nilapit sa akin ang anak namin.

Unti-unti akong bumangon at sumandal sa unan ko tsaka kinarga si Abigail.

"A? Ilang alphabet letters ang gagamitin mo, Zeke?" Natatawang tanong ni Asha.

"Kung pwede nga hanggang Y eh. Pero hanggang D na lang, ayokong mahirapan ang asawa ko," sambit niya at natawa naman ako.

Baka siya ang mahirapan...

"Teka, Y? Nasaan 'yung Z?" tanong ni Madi.

"She's already in heaven," biglang nanahimik ang lahat.

"Bakit naman kayo nanahimik diyan? We're good, nakamove-on na kami. Tanggap na namin na nasa langit na si Baby Zyrene, kahit hindi namin siya nakikita, nandito siya sa tabi namin," basag ko sa katahimikan.

Nagkakalungkutan na eh.

Ngumiti ulit sila at pinagkaguluhan na ang anak namin.

Hinayaan ko muna sila na buhatin si Baby A habang ako ay pinatong ko muna ang ulo ko sa balikat ni Zeke habang naka-akbay siya sa akin.

"I'm so happy, my love. Thank you for giving me Baby A," sambit ni Zeke at hinalikan ako sa noo.

"Me too, love. Now, we finally have a family we've always dreamed of."

To be continued

(A/N: 2 chapters to go!)

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat