Chapter 6

620 21 4
                                    

Starley's POV

"Magsisimula na tayo next week?" tanong ko at tumango naman siya habang ang kanyang mga mata ay tutok sa daan.

Balak ko kasing mag-grocery ngayon tapos saktong tumawag siya nung papaalis na ako. Sabi niya sa akin na malapit na daw siya sa apartment ko. Sinabi ko naman sa kanya na pupunta ako ngayon sa supermarket kaya ang nangyari ay sinamahan niya na lang ako.

"Pero hindi pa ako kilala ng magulang mo," sambit ko.

"Later we will meet them. Napakilala na rin kita sa kanila bilang girlfriend ko kaya wag ka na mag-alala. I got everything under control." Tumango na lang ako at binalik ang tingin sa daan.

Sabi mo eh...

Makalipas pa ang mahigit sampung minuto ay nakarating na kami sa supermarket kung saan ako madalas mamili. Sinamahan na rin ako ni Zeke sa loob at mukhang may bibilhin rin siya kaya naman kumuha ako ng push cart at dalawang basket para sa amin.

Siya na rin ang nagtulak nito kaya nauna na akong maglakad papunta sa mga sections kung nasaan ang mga kailangan kong bilhin.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad at kanina pa kami hindi nagtitinginan. Nakatutok lang kasi ako sa phone ko dahil dun nakalista ang mga kailangan kong bilhin kaya hindi ko mabigyan ng pansin si Zeke. Abala din naman siya sa mga binibili niya kaya hinayaan ko na siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Wala pang kalahating oras nang matapos kong kunin lahat ng nasa listahan ko. Konti lang naman ang mga pinamili ko pero napuno ko pa rin ang isang basket. Si Zeke naman ay malapit na ring mapuno ang basket niya, halos parehas lang din kami ng binili.

"Okay na ako. Sayo?" tanong ko at nilingon siya.

"I need one more then we can go," sambit niya.

Tumango ako at pinauna na siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa fruit section.

Halos mapanganga naman ako nang maghakot siya ng limang net ng oranges. Nasa pito ang laman ng bawat net kaya hindi ko maiwasang magtaka. Paborito niya ba 'yan?

"Why do you need so much oranges? Is that your favorite?" tanong ko.

"Yeah, ginagawa ko silang juice. Mas gusto ko kasi 'yung fresh kaysa sa factory made. Actually, these won't last more than a week." Natatawa niyang sabi.

"Seryoso ka? Kaya mong ubusin lahat ng 'yan sa isang araw?" gulat kong tanong.

"Yup. Bata pa lang ako, ganito na ang gawain ko kaya sanay na ako. Tara na sa cashier," aya niya at nauna nang maglakad.

Ako naman ay kumuha na din ng isang net ng oranges at isang net ng hilaw na mangga tsaka sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa cashier ay isa-isa naming nilagay dun ang mga pinamili namin at hindi na namin inabalang pag-hiwalayin pa ang mga ito. Okay na 'yung isang resibo na lang tapos hati kaming dalawa.

"Ito po ang total. Cash po ba or credit card?" tanong nung kahera.

Magsasalita pa lang sana ako nang unahan na ako ni Zeke.

"Credit card," sambit niya sabay abot ng card.

"Teka, may cash ako," singit ko kaya pati 'yung kahera ay natigilan din.

"I'll pay for your groceries," pag-prisinta niya at sinenyasan ang kahera na ituloy na ang gagawin niya.

"Pero---" he cut me off.

"Ako na," he smiled.

Wala tuloy akong nagawa kundi ibalik ang wallet sa bag ko at kuhanin na ang mga paper bags.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now