Chapter 40

566 16 0
                                    

Starley's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nang madagdagan ng tanong ang utak ko. Hindi na natapos ang usapan namin ni Nanay Linda nung araw na iyon dahil biglang dumating ang magulang ni Zeke at maghapon silang nanatili sa bahay.

Tulad ng dati, hindi ko na naman matanong si Zeke tungkol sa sinabi sa akin ni Nanay Linda. Ultimo mga dati ko pang tanong ay hindi ko magawang sabihin sa kanya kahit tapos na ang sixty days, wala pa rin akong nakukuhang  sagot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot makakuha ng sagot kahit sabik ako at hindi na makapaghintay.

Ayoko na. Kailangan ko nang tumigil sa pagiging praning dahil baka mapahamak pa ang baby ko dahil sa pag o-overthink ko.

"There is your baby, Star," natigilan ako sa pagmumuni-muni nang magsalita ang ob-gyne ko.

Napatingin naman ako sa screen at napangiti nang makita ko ang litrato ng anak ko. Ang liit niya...

Napatingin naman ako kay Zeke nang humigpit ang paghawak niya sa kamay ko at naabutan ko siyang nakangiti habang nakatingin sa screen.

"When we will know our baby's gender? And is the baby healthy?" tanong niya at inalalayan akong bumangon mula sa pagkakahiga.

"That will be a few weeks from now, Mr. Velasquez. Earliest is twelve to fourteen weeks but the result may not be accurate. Most accurate results are usually around nineteen to twenty weeks. But I can assure you both that everything is perfect, the baby is healthy and so is the mother." Nakangiti niyang sabi.

"That's good enough for me. Thank you, doc," sambit naman ni Zeke.

Tumango si doktora at binigyan ako ng reseta ng gamot tsaka kami lumabas ng opisina niya.

"Atat ka yatang malaman ang gender ng baby natin?" Natatawa kong tanong habang nakayakap sa braso niya.

"Wala lang. Hindi rin naman importante sa akin kung babae ba o lalaki, ang mahalaga ay healthy siya. Right, baby?" tanong niya at hinimas ang tiyan ko.

"Then why are you asking?"

"Para ma-decorate na natin ang room according sa gender niya."

Nagmamadali nga ang lalaking ito...

Puro puti pa lang kasi ang binili namin na mga gamit kasi hindi pa namin sigurado kung anong gender ni baby. Plano ni Zeke na kapag nalaman na namin ang gender ay papapinturahan niya ang kwarto at dun lang kami bibili ng iba pang gamit tulad ng damit, crib, laruan at kung ano-ano pa.

Halatang mas excited pa siya kaysa sa akin eh, hays.

...

"Oh, kamusta ang check up?" tanong ni nanay habang nagwawalis sa harap ng bahay.

"Ayos naman po, 'nay. Healthy naman si baby." Nakangiting sambit ni Zeke.

"Ay, mabuti naman. Nga pala, Starley, anak. Pumasok ka muna sa loob at baka malanghap mo 'yung winawalis ko," utos ni nanay at tumango naman ako.

"Ah, Zeke. Kausapin lang kita saglit," dagdag niya nang akmang susunod na sa akin si Zeke papasok ng bahay.

"Palit ka ng damit ha," sambit niya naman at tumango ako tsaka pumasok sa loob.

Umakyat muna ako papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit at pagbaba ko ay nasa labas pa rin sila Zeke. Sumilip ako konti sa pinto at nakita ko ang seryosong mukha ni Zeke.

"Kapag pumunta siya ulit dito, 'nay. Sabihin niyo po ay out of town kami ni Star," utos ni Zekd at nakita ko namang tumango si Nanay Linda.

Agad akong dumeretso sa kusina nang makita kong papasok na si Zeke ng bahay.

"What are you doing, love?" tanong niya nang makita niya akong nakatambay sa may kusina.

"Just getting some milk. Ano 'yung pinag-usapan niyo ni nanay?" pag-iiba ko ng usapan at kumuha ng baso.

"Wala. Sinabihan niya lang ako na alagaan ka daw ng mabuti," sagot niya at tumango naman ako.

Hindi 'yon relate sa narinig ko ah.

Ano na naman ba ito?

"Is there something wrong, love?" tanong niya nang mapatulala ako habang hawak ang baso at ang carton box ng gatas.

"Ah, wala. Magpalit ka na ng damit, love. Anong gusto mong kainin mamaya?" tanong ko.

"Anything will do, love." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"I love you."

"What's with the sudden endearment?" Natatawa kong tanong at binitawan ang hawak ko.

"Wrong answer," sambit niya kaya mas lalo akong natawa.

"I love you more."

"That's better." Napailing na lang ako at niyakap siya pabalik.

"Do you want to have a vacation?" bulong niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Kumalas ako at tinignan siya ng deretso sa mata.

"Where?"

"Wherever you want."

"Palawan, pwede?" tanong ko at tumango naman siya.

"We can leave tomorrow night."

"Wow ha, nagmamadali 'yan?" pang-aasar ko at natawa naman siya.

...

"Nay Linda. May tanong po ako," sambit ko habang naghihiwa ng karne at si nanay naman ay nag-gigisa ng sibuyas at bawang.

"Ano 'yon, 'nak?" tanong niya naman.

"Pinagluto na po ba ni April dati si Zeke?"

"Sa pagkakaalala ko ay nagluto dati 'yan si April. Kaarawan yata 'yon ni Zeke nung nagluto siya para sa lahat."

"Kung ganon ay natikman niyo na po ang luto niya. Be honest, 'nay. Kaninong luto po ang mas masarap? Sa akin or kay April?" tanong ko at natawa naman siya.

"Naku, bata ka. Pati ba naman 'yan ay tinatanong mo pa? Syempre naman sayo ang mas masarap na luto," komento niya.

"Weh? 'Di nga, 'nay? Baka po ay binobola niyo lang ako ha," tanong ko.

"Aba, ikaw talagang bata ka. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo." Iling-iling niyang sabi at natawa naman ako.

"Ewan ko ba, 'nay. Simula nang mabuntis po ako ay parang naging bata ulit ang isip ko."

"Iba-iba naman kasi magbuntis ang mga babae, 'nak. 'Yung manugang ko nga, nang mabuntis siya ay halos parehas lang ang pinagdadaanan niyong dalawa."

"May apo na po pala kayo, 'nay. Ilang taon na?" tanong ko.

"Mag-sasampung taon na sa susunod na buwan."

"Diba po kayo ang nandun para kay Zeke simula bata pa lang siya, paano niyo po naaalagaan ang pamilya niyo kung may trabaho po kayo?" tanong ko.

"Hindi lang ako ang nag-aalaga kay Zeke noon. Tatlo kaming nag-aalaga sa kanya at salitan kami ng araw. Tuwing sabado at linggo naman ay nandun sa lolo at lola niya ang batang iyan kaya naka day-off kami. Minsan naman ay sinasama ko rin ang anak ko kapag inaalagaan ko si Zeke kaya naging malapit silang dalawa," kwento niya.

Tumango ako at pinagpatuloy na namin ang pagluluto.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin