Chapter 11

577 20 4
                                    

(Day 5)

Starley's POV

"My gosh, Zeke! Bakit naman hiwalay kayo ng kwarto ng asawa mo?" naalimupangatan ako nang makarinig ako na parang may nag-uusap sa labas ng kwarto.

"That is not right, Zeke!" nang mapagtanto kong boses 'yon ng nanay ni Zeke ay agad akong napabangon.

Pagbukas ko ng pinto ay saktong kakatok pa lang sana sila sa pinto.

"Star, bakit kayo hiwalay ng kwarto?" tanong niya.

"Ah, eh." Napatingin ako kay Zeke sakaling may maisasagot siya pero wala!

"Mom, nag-away po kami. Tama, nag-away po kami kagabi kaya naghiwalay kami ng kwarto," palusot ko.

"My goodness you two, pinaabot niyo ng umaga ang away na iyan? That is very unhealthy, you know," sermon niya sa amin.

"Hijo, bakit mo naman hinayaan na matulog ng may galit ang asawa mo?" tanong ng daddy niya.

"Mom, dad. Wag po kayo magalit kay Zeke, ako po 'yong may kasalanan. Kapag may sama ng loob po kasi ako ay gusto ko po munang mapag-isa. Pero don't worry po, it's just a small fight. Bati na po kami ngayon," pagtatanggol ko pa sa kanya.

Parang awa mo na, magsalita ka!

"That's right, mom. It's my fault too, I made her mad yesterday," sabi niya at inakbayan ako.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Forget it, I forgive you," para kaming umaarte sa isang palabas, my gosh!

"Well, that's good. Anyway, let's head downstairs. Nagdala kami ng pagkain," aya ni mom. Wow, mom...

"Mauna na po muna kayo, mom. May aasikasuhin lang po kami saglit," sabi ko.

Tumango naman sila at tinungo ang hagdan. Nang hindi na namin sila makita ay parehas kaming nakahinga ng maluwag na tila natanggalan ng tinik sa lalamunan.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"I don't know either. Lumabas na lang ako ng kwarto tapos nakasalubong ko sila. But, I must say. You're pretty good at acting," he bit his lower lip.

"Well, mabuti na lang at hindi ako lutang ngayon. Kasi kung nagkataon na sabaw ang utak ko ay malamang, malalagot tayong dalawa sa magulang. Hindi mo man lang ako tinulungan sa excuse!" sambit ko na ikinatawa niya naman.

"Sorry na! Lutang din ako tsaka hindi ko inaasahan na pupunta sila dito."

"Tsk, tara na nga! Baka mainip pa sila sa baba," aya ko at nauna nang maglakad.

Pagkarating namin sa hapag-kainan ay may nakahanda nang mga pagkain sa lamesa. Umupo na kaming lahat sa mga upuan at kumain na habang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.

"Anyway, ano pala ang pinag-awayan niyo kagabi?" biglang tanong ni daddy at parehas kaming natigilan ni Zeke.

"Uhm," palihim kong siniko si Zeke para siya na ang magsalita, wala akong nakahandang sagot dun!

"I came home late and drunk and she did not like that," sabi ni Zeke.

That's a bit true but only half of it.

Mga alas-dose na siya nakauwi kagabi at lasing na lasing. Nag-inuman daw kasi sila ng mga kaibigan niya. Pero hindi totoong nagalit ako dun, tinulungan ko lang siya makarating sa kwarto at binihisan at ngayon pa lang ay ililinaw ko na wala akong nakita!

Well, 'yong taas niyang katawan ay nakita ko at dun ko lang napagtanto na matipuno pala ang kanyang pangangatawan.

"Better not to do it again, Zeke. Baka sa susunod niyan, sa labas ka na patulugin ng asawa mo," pagbibiro ni dad at natawa naman kaming lahat.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon