Chapter 44

505 15 2
                                    

Starley's POV

"Huy, tama na ang kaka-order, Zeke! Pangalawa na 'yan ngayong linggo," suway ko sa kanya habang may pinipirmahan siya at 'yung mga nag-deliver naman ay pinapasok sa loob ng bahay ang isang malaking kahon.

Ano na naman ba ang laman nito?

"What? It's for the future, love. And for our baby," sambit niya at hinawakan ang tiyan ko.

"Iyon nga eh, hindi pa dumadating ang baby natin, inii-spoil mo siya agad. Baka naman ay sanayin mo ng ganyan, Zeke."

"I promise, love. Hindi 'yon mangyayari." Hinalikan niya ako sa pisngi at hinila papasok ng bahay.

Pag-alis ng mga nag-deliver ay binuksan na ni Zeke ang kahon.

"What did you buy this time?" tanong ko.

"Toys, clothes, story books, stroller, baby carrier, baby bottles," tila sumasakit naman ang ulo ko dahil sa lalaking ito.

"Jusko naman, Zeke. Wala pa dito sa mundo ang baby natin, masyado kang excited, literal." Iling-iling ko sabi at natawa naman siya.

Sumandal na lang ako sa pader habang hawak ang aking tiyan at pinapanood si Zeke sa ginagawa niya.

"Hija, inumin mo na itong gatas mo," biglang sulpot ni nanay.

"Thank you po," sambit ko at kinuha sa kanya ang baso.

"Bumili na naman ang asawa mo ha. Pang-ilan na 'yan?" Natatawa niyang tanong.

"Oo nga po, 'nay eh. Mas excited pa sa akin. I think, pangalawa na po 'yan ngayong linggo tapos last week, may binili din po siya."

"Ganyan talaga ang mga first time parents, hija. Nung buntis ako ay ganyan din ang asawa ko. Kung ano-ano ang binili para sa anak namin. Nung dumating siya, abot hanggang langit ang saya ng asawa ko. Parehas na parehas sila ni Zeke. Dun pa lang ay makikita mo na, hija, na magiging mabuting ama si Zeke sa magiging anak niyo." Napangiti naman ako habang patuloy na pinapanood si Zeke sa ginagawa niya.

...

"Pauwi ka na, love?"

"Yes, love. May ipapabili ka ba?" tanong niya.

"Marshmallows lang, love. 'Yung maliliit lang ha," utos ko at narinig ko naman siyang natawa.

"Alright. I'll see you later, I love you."

"I love you too." Pinatay ko na ang tawag at nagtungo muna sa kusina para kumuha ng gatas.

Pakiramdam ko ay magiging sweet itong anak ko, puro sweets kasi 'yung lagi kong hinahanap. Ultimo pati mangga eh gusto ko 'yung matamis kaya 'yon lagi ang pinapabili ko kay Zeke. Pati din 'yung iniinom kong gatas ay chocolate kaya matamis pero syempre ay mine-maintain ko pa rin ang kinakain ko para maging malusog si baby.

"Nay, kailan ba sumisipa 'yung baby?" tanong ko habang abala si Nanay Linda sa pagtatahi.

"Nasa limang buwan pa 'yon, hija. Gusto mo na bang maramdaman ang anak mo?" Nakangiti niyang tanong at tumango naman ako.

"One and a half months pa pala hihintayin ko, 'nay."

"Mabilis ang paglipas ng panahon, 'nak. Sulitin mo muna ang pagbubuntis mo dahil tiyak na mahihirapan ka kapag dumating na ang anak niyo." Natawa naman ako bago tumango bilang sagot. May point ang sinabi ni nanay.

Dapat nga ay sulitin ko muna ang pagbubuntis ko dahil minsan lang mangyari ito sa buhay nating mga babae.

Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang kotse ni Zeke na pumarada sa garahe.

Agad akong lumabas para salubungin siya at narinig ko naman ang pagsuway ni nanay sa akin na wag daw tumakbo. Paglabas ko ay nakita ko si Zeke na lumabas na rin ng kotse niya.

"Hi, love!" bati ko at sinunggabam siya ng yakap.

"Hi, my love. How's your day?" tanong niya at hinalikan ako sa noo.

"Nothing new. Ikaw? Are you tired?" tanong ko naman.

"A little. Tara na sa loob, baka mahamugan ka." Tumango ako at inakbayan niya naman ako tsaka kami pumasok sa loob.

"Kumain ka na?" tanong niya nang ilapag niya ang kanyang dala sa sofa.

"Hindi eh. Parang ayoko kumain, una ka na, love. Nasaan 'yung marshmallows?" Kinuha niya ulit 'yung paper bag at binigay ito sa akin.

"Thank you!" sambit ko at agad tinungo ang kusina.

"Gusto mo na ba kumain?" tanong ko sa kanya.

"I'm still full, love. Mamaya na lang siguro. What are you doing?" tanong niya at lumapit sa akin.

"Choco bomb, love. Namiss ko na kasi 'yon eh," parang bata kong sagot.

"Do you need help?"

"No thanks. Magpalit ka na muna sa taas, love."

"Alright. Call me if you need me." Tumango naman ako kaya nagtungo na siya sa taas.

Nagsimula na ako sa paggawa ng mga choco bombs habang nagpapatugtog at tinutulungan na din ako ni Nanay Linda.

Makalipas ang ilang oras ay napatigas na rin namin ang mga ginawa naming choco bombs. Nagtimpla ako ng  mainit na gatas sa dalawang tasa at nilubog ang ginawa naming choco bombs dito.

Dinala ko ito papunta sa kwarto namin ni Zeke at naabutan ko siyang nakatambay sa balcony, mukhang nagmumuni-muni lang siya doon.

"Love," tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya tsaka binigay sa kanya ang isa sa mga tasa.

"Bakit hindi ka na bumaba? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pinatong muna ang tasa sa railings.

"Nakakamiss rin pala sa Pinas, ano? Ibang-iba ang pamumuhay natin dito kaysa sa Pinas," saambit niya habang nakatingin sa kawalan.

"You sure you still don't wanna come back? Mag-dadalawang buwan na rin tayo dito. Hindi mo ba namimiss ang mga kaibigan mo? At tsaka ang magulang mo?" tanong niya naman.

"Syempre, namimiss ko na ang mga kaibigan ko. 'Yung magulang ko..." hindi ko magawang matuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko rin alam ang sagot.

Miss ko na nga ba sila?

"Your brother kept coming in your dreams every night. Don't you think that this is the sign for you to reunite with your parents again?" he has a point, Star...

"What about April?" tanong ko.

"You don't have to worry anything about her. She's already in jail and our lawyer is making sure that she will not get out."

"So? Are you ready to go home?" he asked again.

I looked at him before gazing at the man who's about two feet away from our house. He's looking at us...

"Yes."

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now