Chapter 14

556 20 2
                                    

(Day 15)

Starley's POV

"Asha, mamansin ka naman oh," sabi ni Madi habang ginugulo si Asha.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang maaksidente siya. Kahapon ay hindi namin siya makausap ng maayos dahil tulala lang siya. Sabi ng doktor ay na-trauma daw siya sa pagkawala ng baby. Kaya ito, tumutulong din kami sa pag-recover niya.

"Star, diba magaling ka naman makipag-usap sa tao. Try mo kausapin si Asha," kulang na lang ay lumuhod si Madi sa harap ko.

Kanina pa kasi nila kinakausap ar nagmumukha lang silang ewan dahil ayaw silang pansinin ni Asha. Si Madi nga ay naiiyak na kasi ayaw siyang pansinin ni Asha, sa aming apat kasi ay silang dalawa ang pinaka-close at pinaka-close naman kami ni Cathy.

"I can't find the right word to say," sabi ko.

Totoo na magaling akong kumausap ng taong may problema. Sa totoo lang, marami na rin ang natulungan ko dati pero bakit parang hindi ko magawang tulungan ang sarili kong kaibigan?

"Madi, wag ka ngang umiyak. Mas mabuti na iwanan muna natin sila. I think they need some privacy to talk," suggest ni Cathy.

Tumango na lang sila at nagpaalam muna kay Asha bago lumabas.

Parehas kaming tahimik lang ni Asha dito sa kwarto, nakatingin lang siya sa kawalan habang ako naman ay nakatitig sa kamay niya.

Gusto kong hawakan ang kamay niya pero ayaw gumalaw ng kamay ko.

Sa huli ay nagawa ko ring abutin ang kamay niya.

"Ash, alam kong sobrang sakit ng pinagdadaanan mo ngayon. Isa sa mga pangarap mo ang magkaroon ng anak diba? Kaya alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon. But, seeing you this. Asha, we can't see you like this. Hindi ka namin kayang makitang nasasaktan. I know it's hard to move on and I'm not forcing you to move on quickly. Just please, wag mong sarilihin ito. I'm here, your husband is here, your friends are here, everyone is here for you. You don't need to keep this onto yourself." Nakita ko namang napalingon siya sa akin.

"Bakit ang daya? Kung kailan namin nalaman na magkaka-baby na pala kami, tsaka naman siya binawi."

"Asha, hindi daya ang tawag dun, tadhana 'yon. Our creator is testing our faith towards him. Kung hindi ito tadhana, then why will he let you suffer like this? Everything happens for a reason. Naalala mo ba ang laging pinaniniwalaan nating magkakaibigan dati? No matter what happens, he's here waiting for us to ask for help. Diba naniniwala tayo dati na may tiwala ang Diyos sa atin, na alam niyang kaya nating lampasan ang mga pagsubok sa buhay. Pero hindi lahat ay kinakaya natin ng tayo lang. Sometimes, we need to ask for his help. He may not be there physically, but we are here for you. That's how it works, kami ang ipinadala ng Diyos para tulungan ka sa pagsubok mo. I once heard you praying last night. Sabi mo, bakit ganito ang nangyayari sayo? Paano ka makakamove-on sa pagkakamatay ng anak mo at marami pang iba. We are the answer but you keep neglecting the answer to your question thinking that you have another option. A problem in life only needs a single answer. In your case, that is us. So please, don't push us away, Asha. We're here to help you," mahabang paliwanag ko sa kanya.

...

"Ano na?" tanong ni Madi nang makalabas ako ng kwarto.

"Tulog na siya. Let's just see tomorrow kung anong mangyayari. For now, I have to go home. Kailangan ko pang asikasuhin si Zeke," paalam ko.

Tumango naman sila at sinamahan akong maglakad palabas ng ospital.

"Talagang kina-career mo na ang pagiging Mrs. Velasquez ha," sabi ni Madi at natawa naman ako.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon