Chapter 53

574 15 0
                                    

Starley's POV

Mabilis na lumipas ang oras at unti-unti akong nakakabangon mula sa pagkamatay ng anak ko. Kakadischarge ko lang din sa ospital at kasalukuyang pauwi na kami ni Zeke sa bahay.

I miss our home...

Habang umaandar ang sasakyan ay nakatingin lang ako sa labas nang mapansin kong ibang daan na pala ang tinatahak namin.

"Zeke, where are we going? Hindi naman ito ang daan pauwi sa bahay natin ah?" tanong ko at nilingon siya.

"You'll see, love. It's a surprise," sambit niya at nginitian ako.

Uhm, okay?

Ang daming gimik nitong asawa ko, hays...

Mga kalahating oras pa siguro ang lumipas bago namin narating ang isang exclusive subdivision. Mukhang kilala na nga rin si Zeke dito kasi nung makita siya ng guard, agad kaming pinapasok.

Eh diba kapag exclusive, hindi ka papapasukin nung guard unless kung nakatira ka dun o 'di kaya may bibisitahin ka.

Medyo tahimik ang lugar at wala man lang katao-tao. Meron ding mga puno at iba pang halaman sa paligid at sobrang linis ng kalsada.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na yata kami sa pinakadulo ng subdivision na ito dahil wala nang ibang bahay na makikita kundi ang isang napakalaking manor na tila bagong gawa.

Ang ganda...

Binuksan naman nung guard ng manor ang napakalaking gate tsaka kami pinapasok.

Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at inalalayan ako ni Zeke na lumabas ng kotse.

"Zeke, kanino ito?" tanong ko habang hindi maalis ang tingin sa puting manor na nasa harap namin.

"Ours," sagot niya at pinakita sa akin ang susi nito.

Oh my gosh...

"Seryoso?!" tanong ko.

"Yes, this is our new home. We will build new memories here, love. We'll forget about our past and focus on our future," agad akong nagtatatalon na parang bata at dinambahan siya ng yakap.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa habang yakap din ako.

"Seryoso ba, love?! Atin na ito?! Paano mo nahanap itong manor?" tanong ko.

"This whole subdivision is our property, love. I found this manor when I visited this subdivision a few days ago," literal akong napanganga dahil sa sinabi niya.

"W-wait, i-is this your grandfather's property?" tanong ko at tumango siya.

"And now, it's ours." Nakangiti niyang sabi.

Napatingin ako sa paligid at sobrang lawak ng lupa na sakop ng manor. Puno din ng iba't ibang halaman at mga puno ang mga paligid at may isang malaking fountain na naka display sa gitna.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng manor. Kung maganda ang labas, mas nakamamangha ang loob nito. Puno na ng mga gamit ang loob at sobrang lawak ng paligid.

May mga space pa na pwedeng paglagyan ng ibang gamit. Meron ding mga kumikinang na chandeliers sa nakasabit at pag-akyat namin sa ikalawang palapag ay napakaraming kwarto ang bumungad sa amin.

Pagkatapos naming ikutin ang ikalawang palapag ay umakyat na kami sa pangatlo, tatlo kasi 'yung palapag ng manor at 'yung ikatlong palapag ay mga kwarto din pero hindi kama ang laman sa loob. Tila naging isang pasyalan ang ikatlong palapag dahil may movie theater dito, may billiard set sa ibang kwarto, sa isang kwarto ay puno ng mga stocks na tila naging grocery store ang kwarto. Mukhang matatagalan bago kami mag-grocery ah...

"Love, bakit walang laman 'yung ibang kwarto?" tanong ko.

"Oh, I left it empty. It's for our future children," sagot niya.

"What do you mean? May mga kwarto naman sa second floor ah."

"Yeah. Those empty rooms will be their playrooms. Kapag nandito na sila, tsaka ko i-dedecorate ang mga kwarto para maging palaruan na nila."

Naku po, spoiled kids are waving...

...

"Grabe! Ang laki ng bahay niyo, sis!" komento ni Madi habang nakatingin sa paligid.

"Oo nga eh! Kasyang-kasya ang buong baranggay dito!" pagbibiro ni Asha.

"Ilang kwarto nito, mare?" tanong ni Cathy.

"Fourteen, mga mare," agad naman silang natigilan at nilingon ako.

"Weh?" tanong ni Madi.

"Oo nga. Lima sa second floor, pito sa third at dalawa dito sa baba," paliwanag ko.

"Eh? Isang dosena ba gusto niyong anak?" tanong ni Asha at natawa naman sila Madi.

"Sira! Hindi 'no! Bedrooms 'yung mga kwarto sa second floor. Sa third naman, pinag-iisipan pa namin kung anong ilalagay sa mga kwarto na wala pang laman pero gusto ni Zeke ay maging playrooms daw 'yon. Pero parang alam ko na kung ilang anak ang gusto ni Zeke."

"Apat," sabay-sabay nilang sabi at natawa naman ako.

Nang tuluyan kaming makalipat dito sa manor ay nagpa-house warming party kami at imbitado lahat ng mga kaibigan namin, pati na 'yung ibang kaibigan ni Zeke na ngayon ko pa lang nakilala. Inimbitahan ko rin 'yung mga empleyado ko sa mga salons ko at maya-maya lang ay ang mga magulang naman namin ang dadating.

"Ate Star, ang laki ng swimming pool niyo ah!" komento ni Alison na kakarating lang.

"Ha? May swimming pool kami?" takang-tanong ko at nilingon naman nila ako.

"Nako, halatang 'di inikot 'yung buong bahay," pang-aasar ni Asha at natawa naman sila Madi.

"Meron, ate! Dun sa likod!" sabi niya at naglakad para ituro 'yon kaya napasunod naman kami sa kanya.

Pagdating namin sa bakuran ay may swimming pool tapos ang ganda pa ng disenyo. Rectangle 'yung pool pero hindi lahat ay may tubig. Sa pinakagitna ng pool ay may tambayan, may tatlong mahahabang sofa dun tapos sa gitna ay may fake bonfire yata. May kulay din ang tubig dulot ng mga nakakabit na ilaw sa pader ng pool.

"My gosh! Ang sarap mag relax dito ah," sambit ni Asha.

Tinawid ko 'yung mala-tulay na gawa sa tiles at konektado ito dun sa pinakagitna. Kahit gabi na ay hindi madilim dito dahil ang daming ilaw na nakabukas, isabay mo pa 'yung pekeng bonfire na nasa gitna ng mga sofa.

"Girls, nandito lang pala kayo." Napalingon kaming lahat nang biglang may nagsalita.

"We have a pool?!" tanong ko at natawa naman si Zeke.

"Yes we do, love." Nakangiti niyang sabi at sinamahan kami dito sa gitna.

Parang pa-rectangle ang itsura nung pinapatungan namin ngayon dahil kasya kaming walo dito. Kapag lalangoy naman ay paikot ng inaapakan namin ngayon.

Umupo na muna kaming lahat sa mga sofa at nagpatuloy sa kwentuhan.

To be continued

(A/N: Sana'y naintindihan niyo ang explanation ko sa manor nila Starley at Zeke hehe. Sensya na)

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora