Chapter 22

535 18 2
                                    

(Day 33)

Starley's POV

"An outing? Where?" tanong ni Zeke habang kinakalas ang necktie niya.

"Everything is settled actually. Dun tayo sa resort ng kababata ni Asha. Kailangan na lang namin kayo i-convince na pumayag. Sige na, love!" Lumapit ako sa kanya.

"Bakit naman biglaan 'yan?" tanong niya.

"Suggest ni Asha. At tsaka, ayaw mo ba nun? Makakalayo tayo sa ex mo na panay ang buntot sayo," inis kong sabi na ikinatawa niya.

"Alright, when we will leave?"

"Tonight."

"What? Ang bilis ha!" I chuckled.

"Like what I've said, everything is settled. Thank you, love!" sambit ko at niyakap siya.

"Aishh, kayo talaga. Kung ano-ano pumapasok sa mga isip niyong magkakaibigan." Iling-iling niyang sabi habang hinihimas ang buhok ko papunta sa likod ko.

...

"Ashira!" Tili ng isang babae, ito yata ang kababata ni Asha.

"Stephanie! Namiss kita!" sambit naman ni Asha at niyakap ang kaibigan niya.

"Ako din! Ang tagal mong hindi nagpakita ha! Oh teka, sila ba 'yung mga kaibigan mo?" tanong niya habang nakatingin sa amin.

"Yes. Si Starley, si Madison at si Cathy," pagpapakilala niya sa amin.

"Hi, girls!" bati niya at niyakap kami isa-isa.

Ang bubbly niya rin parang si Asha ah.

"Teka, kayo-kayo lang ang pumunta dito?"

"Oh, no. 'Yung mga asawa namin ay nandun pa sa sasakyan binababa ang mga gamit namin," sagot ni Asha.

"Aba naman, congrats sa inyo!"

"Teka, hindi ko asawa 'yung kasama ko. Boyfriend ko pa lang," angal ni Madi.

"Yeah, same as mine," sabi naman ni Cathy.

"Eh ikaw, Starley?"

"Asawa ko." Nakangiti kong sabi.

"Oh I see. Well, congrats sa inyong dalawa! At sa inyo naman, stay strong sa inyo!"

"Thank you," sabay-sabay naming sabi.

"Ayan na pala sila oh," sabi ni Madi kaya napalingon kami at papalapit na sa amin ang mga lalaki.

"Step, ito si Zion ang asawa ko. Si Manuel, boyfriend ni Cathy. Si Jared naman ay boyfriend ni Madi. At si Zeke, asawa ni Star," sabi ni Asha.

"Hi, boys! My name is Stephanie, ako ang may-ari ng resort na ito and I hope you will all have a terrific stay!" Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti din kami at pumasok na sa loob ng resort.

Binigay na sa amin ni Stephanie ang mga key cards para sa mga kwarto namin, dumeretso na kami si Zeke dun sa kwarto namin para magpahinga muna dahil mamaya pa naman kami lalangoy sa dagat.

"Don't tell me that you're gonna wear that," sambit ni Zeke nang buksan ko ang maleta ko.

"Why not? Maganda naman ha. And don't worry, may cardigan ako. Hindi siya masyadong revealing." Nakangiti kong sabi.

"Love naman, I won't reveal my body to others." Lumapit ako sa kanya dahil hindi pa din natatanggal ang titig niya sa akin.

"Really?"

"Luh? When did I lie to you?"

"A lot of times." Napasimangot ako na ikinatawa niya naman.

"Ang pangit mo ka-bonding!" inis kong sabi at tinuon na lang ang pansin sa pag-aayos ng mga gamit.

...

"Hoy, ang daya mo!" Sigaw ni Madi nang basain na naman siya ni Cathy.

"Anong madaya ka diyan? Tinulak mo nga ako kanina, siraulo ka!" sambit naman ni Cathy.

Nakalusong na kasi kaming apat dito sa mababaw na parte ng dagat at para kaming mga bata na naglalaro habang ang mga lalaki naman ay nakatambay lang dun sa buhangin habang pinapanood kami.

"Away 'yan?" pang-aasar ni Asha.

Masamang tinignan siya ng dalawa at binasa nila si Asha. 'Yan kase...

Tumatawa lang ako habang pinapanood sila na magharutan pero agad akong natigilan nang lingunin nila ako.

"At anong tinatawa mo diyan, Starley Antoinette Velasquez?" taas-kilay na tanong ni Madi. Uh oh...

"Oy, wag ako!" Tili ko at agad tumakbo pero hindi pa ako nakakalayo nang basain na nila ako.

Basa pati cardigan ko, pucha!

"Ang lakas ng mga trip mo, ano?" tanong ko at tumawa lang silang tatlo.

Nagpatuloy lang kami sa pagbabasaan at habulan sa tubig ng ilang minuto hanggang sa napagod na kaming lahat kaya umahon na muna kami.

Lumapit sa akin si Zeke na may dalang towel at pinunasan ang ulo ko.

"Are you okay?" tanong niya.

"Yeah, medyo hinihingal lang." Natatawa kong sabi.

"Sabi ko naman kasi sayo eh, wag masyadong magpagod. Ayan tuloy, inaatake ka na naman ng asthma mo. Gusto mo kunin ko 'yung inhaler?" tanong niya pero umiling lang ako.

"Wag na. Kaya ko naman eh." Nakangiti kong sabi at niyakap siya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Bakit?" Natatawa niyang tanong.

"Wala, masama bang titigan ko ang asawa ko?" tanong ko na ikinangiti niya naman.

Agad niya naman akong ninakawan ng halik sa labi.

"Ay, grabe sila oh!" pang-aasar ni Asha habang kumakain ng biscuits.

"Get a room, guys. Hindi lang tayo ang tao dito," sabi naman ni Cathy.

"Mga sira!" suway ko sa kanila at humiwalay sa yakap ni Zeke.

Umupo na kami dun sa mahabang lamesa para makakain na dahil hapon na rin naman.

Makalipas ang halos dalawang oras ay kakaunti na lang ang nandito sa gilid ng dalampasigan. Ang iba ay nagpa-apoy pa ng bonfire at syempre, kasama kami dun.

Nakapalibot lang kami sa bonfire at katabi ko si Zeke. Puro kwentuhan lang ang ginawa namin habang nakain ng mga junk foods.

Mga isang oras pa siguro ang ginugol namin sa tabi ng dalampasigan bago namin naisipang bumalik na sa mga sari-sarili naming kwarto.

"Love," tawag ni Zeke sa akin habang sinusuklay ko ang aking buhok.

"Hmm?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"Kahit ano bang mangyari, hindi mo ako iiwan?" tanong niya at nilapag ang hawak niyang libro.

"Anong tanong 'yan, Zeke?" sambit ko at tumabi sa kanya sa kama.

"Syempre. Hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kahit agawin ka pa ni April pabalik, hinding-hindi ako papayag. Sana lang ay patawarin mo ako kung mapatay ko siya." Nakangiti kong sabi habang hawak ang pisngi niya.

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi pero bumawi naman siya at hinalikan ako ng matagal hanggang sa mapahiga na lang ako sa kama.

"Zeke..." I slightly moaned when he started kissing me down to my neck.

Medyo nakikiliti rin ako sa ginagawa niya kaya hindi ko mapigilang matawa ng mahina.

Unti-unti niyang hinubad ang sando na suot ko at wala pa man din akong suot na bra kaya agad lumantad sa kanya ang dibdib ko.

Naghubad na rin siya ng sando niya at hinalikan ulit ako pababa sa aking tiyan.

Unti-unti niya namang binaba ang shorts ko pati na ang panty ko at pati siya ay naghubad na rin ng pang-ibaba niyang damit.

Marami pa ang naganap nung gabing 'yon pero hindi ko na sasabihin dahil alam niyo ang nangyari.

We again made love that night.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now