Chapter 4

750 26 3
                                    

Starley's POV

"You like it?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Pwede na," sambit ko habang tinatago ang saya na nararamdaman.

"Bakit ka naman nagbibigay ng bulaklak sa gabi? At tsaka, bakit sa iba mo pinaabot?" tanong ko sa kanya.

"Out of town ako for business. I was suppose to give you that before I leave pero sabi ng kapitbahay mo ay umalis ka daw kaya pinasuyo ko na lang sa isa sa mga empleyado ko na nakatira din malapit sa building niyo," paliwanag niya.

Oh, kaya pala hindi siya nagpaparamdam ng ilang araw. Siguro busy...

"Well, bakit mo naisipang bigyan ako?" Nakangiti kong tanong.

"Hmm, wala lang. Maybe, it's just a simple gift that can make you smile." Napakagat naman ako sa ilalim ng labi ko at nanahimik ng ilang segundo.

"Sabi nila Asha, natuwa ka daw," agad nawala ang ngiti ko nang sabihin niya 'yon.

Aba, nilaglag ako ng mga baliw na 'yon ah!

"Hindi kaya!" depensa ko pero narinig ko lang ang pagtawa niya.

"Why so defensive?" tanong niya.

I bet he's grinning right now.

"Oh shut up! Wala ka bang trabaho ha?" pag-iiba ko ng usapan.

"I have a meeting in a few minutes so and I want to spend my free time talking to you," kikiligin ba ako ulit?

"Tsk! Dami mong alam. Teka, salamat pala sa bulaklak ha. Maganda siya," komento ko.

"A beautiful lady deserves a beautiful flower," luh?

Natigil ako sandali at pinigilang gumawa ng ingay.

Teka! Bakit ako kinikilig?!

Ba't naman kasi nambibigla siya?!

"Oh, wag masyadong kiligin. Magtira ka naman para sa susunod," pang-aasar niya.

"Sira! Magtrabaho ka na nga!" suway ko sa kanya.

"Alright. Bye, my future wife. I'll see you tonight," wife?!

Pero teka? Mamayang gabi?

"Ha? Anong---" itatanong ko sana kung anong meron mamaya pero bigla niyang pinatay ang tawag.

"Aba'y bastos," bulong ko sa aking sarili.

Dinial ko naman ang number ni Asha para tanungin sa kanya kung anong meron.

Siguro naman ay alam niya kung anong meron mamaya diba?

Nakakailang ring pa lang nang sagutin na niya ang tawag.

"Ow, sis? Ganap?" tanong niya at may naririnig pa akong ingay sa background.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan 'yung counter ng kusina ko.

"Naglilinis lang ng bahay. Teka, napatawag ka?"

"Asha, anong meron mamaya?"

"Huh? What do you mean?" tanong niya.

"Kakatapos lang namin mag-usap ni Zeke. He told me that he'll see me tonight," sambit ko.

"Huh? Wala namang kinekwento sa akin si Zion eh. For sure, meron na agad siyang sasabihin sa akin. Alam mo naman 'yon, madaldal." Natatawa niyang sabi.

"Teka, sis, 'yung niluluto ko!" sambit niya.

Narinig ko naman na parang binagsak niya ang phone niya kasabay ng sunod-sunod niyang pagmumura.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now