Chapter 2

1K 25 3
                                    

Starley's POV

"Are you insane?!" Sigaw ko at tumayo.

"Please, Star. You're my only hope," pagmamakaawa niya.

"Zeke, bakit ako? Ilang buwan pa lang tayong magkakilala. Hindi pa natin ganun kakilala ang isa't isa!" depensa ko.

"But that few months are enough for me to know that you are a good human. Mabait ka, Star. Matalino, independent, madaling pakisamahan. Star, I need you, please."

"Hindi ko talaga maintindihan, Zeke. Bakit ako? Sa lahat ng pwedeng alukan mo niyan, bakit ako?" tanong ko sabay turo sa aking sarili.

Kahit crush ko ang lalaking ito, maiinis pa rin ako sa kabaliwan niya.

Imagine, he literally asked a stranger he only knew for a few months to be his wife?!

Sinong baliw ang gagawa nun?

"Please, Star," pagmamakaawa niya.

"Ipaintindi mo sa akin, Zeke. Bakit ako? Bakit ako 'yung tinanong mo? Of all people na kakilala mo, bakit ako?" sunod-sunod kong tanong.

"Anong nangyayari dito?" parehas kaming natigilan nang may magsalita.

Paglingon namin ay nakita namin sila Asha na naglalakad palapit sa pwesto namin.

"Ba't kayo nag-aaway? Anong nangyari?" tanong ni Madi.

"He asked me to be his wife! Isn't that insane?!" halos pagalit kong tanong.

Pero nagulat na lang ako sa naging reaksyon nila. Ay mali, wala pala silang reaksyon...

Wala silang reaksyon na tila okay lang sa kanila ang narinig nila. Anong nangyari sa mga ito? May alam ba sila?

What's going on?

"Ang ganda ng timing mo, pre," sarkastikong sabi ni Zion.

"W-wait, what's going on?" naguguluhan kong tanong.

"We already know that this is going to happen, Star," sambit ni Asha.

"What?" gulat kong tanong.

"Iyong pagkikita niyo sa mall, it was not an accident. It was planned, we planned it," pag-amin niya.

"Why? Wait, so okay lang sa inyo 'yon?!" inis kong tanong.

"Star, listen. Kaibigan namin si Zeke, we just want to help him. We kinda chose you, kasi mabait ka at alam kong matutulungan mo siya," paliwanag niya at halatang natatakot na rin siya.

Ganito na lang ba lagi? Lagi na lang ba akong lapitan ng mga nangangailangan ng tulong?

Alam ko na 'yon noon pa lang at tama si Asha, marunong ako tumulong sa iba pero itong hinihingi ni Zeke, parang ang hirap gawin.

Ako, magiging asawa niya?

My future will be involve if I say yes!

"It won't be a legal marriage, Star." Napalingon ako kay Zeke nang magsalita siya.

"I just need a girl na maihaharap sa magulang ko. After that, it's done," sambit niya na parang ang dali ng hinihingi niya.

"Kung planado ang pagkikita natin sa mall, paano mo ako nakilala?" tanong ko.

"Nireto ka akin ni Asha," pag-amin niya.

"Ano?!" tanong ko at matalim kong tinignan si Asha.

"Seriously?! Nirereto mo ako kung kani-kanino? Naloloka ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Sorry na, sis! Lasing ako that time. Kilala niyo naman ako kapag lasing, kung ano-ano ang ginagawa ko. Actually, hindi lang ikaw ang nireto ko. Kayong tatlo, nireto ko kayo sa mga kaibigan ni Zion," tuloy-tuloy niyang pag-amin.

Ang dalawa naman ay nagulat sa inamin ni Asha.

"Ano?!" sabay nilang sabi.

"So, lahat ng ito ay planado na ganun?" tanong ni Cathy.

"Walang hiya ka, girl. Gusto ko magalit sayo kaso parang maganda din ang dinulot ng pang-rereto mo sa amin," sambit naman ni Madi.

Parehas kaming napailing ni Cathy habang nakatingin sa kanya.

Mukhang nahulog na ang babaeng ito sa kaibigan ni Zion...

"Paano naman kami, Madi?" taas kilay na tanong ni Cathy.

"Nagkakamabutihan na rin naman kayo ni Manuel diba," tila nang-aasar na sabi ni Asha.

"Teka nga, hindi tayo ang topic dito kundi siya," singit ni Madi at tinuro pa ako.

Nanatili lang akong nakatayo dun sa pwesto ko habang isa-isa silang tinitignan.

Ano na? Papayag ba ako? Pwede kasing kinabukasan ko ang kapalit nito eh.

Pero may parte sa akin na sinasabing pumayag na lang ako dahil sayang din.

I like him.

At hindi ko tinatanggi na minsan ko nang inisip na kami ang magkakatuluyan sa huli.

I sighed before looking at him. He's still on his knees.

"What will I get after this?" tanong ko.

Gumuhit naman ang ngiti sa kanyang labi at naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko.

"Everything you want. I'll give you everything you wish for. Just be mine for sixty days." Nakangiti niyang sabi.

Sixty days?

...

"Papayag ka din naman pala, aarte ka pa," pang-aasar na sabi ni Madi kaya nakatanggap siya ng batok mula sa akin.

"Sinong hindi aarte dun? Ikaw kaya tanungin na lang bigla kung pwede ka maging asawa. Hindi ka magugulat?" iritado kong tanong.

"Kung si Jared ang magtatanong sa akin niyan, sure why not!" tila kinikilig niya pang sabi.

"Nako, hulog na hulog na ang babaeng ito kay Jared." Iling-iling na sabi ni Cathy at napatango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Sayang kasi ang blessing, sis. Also, sayang din ang effort ni Asha sa pagreto niya sa atin." Nginitian niya si Asha at si Cathy naman ay sinamaan ng tingin si Asha.

"Peace na, girls. Pero look on the bright side, may mga jowa na kayo. And Starley, may asawa ka na. Isn't that your dream? To have a husband and a family you never had?" tanong niya sa akin.

"Correction, it's a fake marriage," pagtatama ko sa kanya.

"Kahit na. You're his Mrs. Velasquez for sixty days!" Nakangisi niyang sabi.

"About that, bakit may sixty days?" tanong ni Cathy.

"Hindi ko din alam. Hindi ko siya natanong kagabi eh. I'm still trying to sink everything in my brain. Hindi nga ako makapaniwala na napapayag ko ang sarili ko eh," sagot ko at kumuha ng magazine sa ilalim ng center table.

"Okay na 'yan. At least, kasama mo ang crush mo for about one and a half months," sambit ni Madi.

"True. Malay mo, kayo din pala ang magkakatuluyan. Hindi sila nung ex niya," natigilan kaming lahat dahil sa sinabi ni Asha.

"Ay! Wrong word, sorry!" sambit niya habang nakatakip ang kanyang kamay sa bibig niya.

"May ex si Zeke?" tanong ni Cathy.

"Well, 'yon ang sabi sa akin ni Zion. High school sweetheart niya yata 'yon?" hindi niya pa siguradong sagot.

"Nako, mahirap kalaban ang high school sweetheart," sambit ni Cathy.

"At mukhang first love pa," dagdag ni Madi.

"Alam niyo, hindi kayo nakakatulong," inis kong sabi at sinamaan sila ng tingin.

Nilingon nila akong dalawa at nag peace sign habang nakangiti.

Pero tama sila, ano ba 'tong pinasok ko?

"Oh, wag mag-overthink. Ang alam ko ay nasa ibang bansa na ang babaeng 'yon kaya hindi na kayo nun guguluhin," sabi ni Asha nang matahimik ako.

"Hindi mo sure," sambit ko.

"You know, sulitin mo na lang, Star," payo ni Cathy.

Fine...

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon