Chapter 3

922 17 12
                                    

Starley's POV

"Oh my gosh! Ang ganda mo, girl!" komento ni Madi nang makalabas si Asha ng fitting room suot ang kanyang wedding gown.

Nandito kaming apat sa boutique kung saan bumili si Asha ng gown at nung sinabi ng designer na pwede nang sukatin ang gown, niyaya niya kami pumunta dito at para na rin makita namin ang mga susuotin namin bilang bridesmaids.

"True! Ang ganda ng napili mong design, Asha!" sabi naman ni Cathy.

Ako naman ay nakatunganga lang dun at tila hindi pa nakikinig sa kanila.

Ewan ko ba, ang daming tumatakbo sa isip ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung tama ba ang ginawa kong pagpayag sa gusto ni Zeke.

Para ngang pinag-tripan ko lang ang sarili ko eh...

'Di bale, sixty days lang naman eh. Pagkatapos nun, wala na.

Let's just act like nothing happened.

"Hoy, Starley!" tila natauhan naman ako sa ginawang pagsigaw ni Asha.

"What?" tanong ko at tumayo ng tuwid.

"Nakatunganga ka diyan? Kanina ka pa namin tinatawag, lutang 'yan?" pang-aasar niya.

"Sus, iniisip lang si Zeke eh!" dagdag pa ni Madi.

"Hindi 'no!" depensa ko.

"Deny pa. Obvious naman eh. Akala ko ba okay na? Bakit parang problemado ka pa rin diyan?" tanong ni Cathy.

"Wala, hindi nga siya ang iniisip ko. Now come on, nasaan 'yung mga susuotin namin?" pag-iiba ko ng topic.

"Oh right! Nandun na sa loob. Sukatin niyo na rin para kung may ipapa-adjust pa kayo, magawa na agad," utos niya.

Tumango naman kaming tatlo at pumasok sa mga fitting rooms.

Simple lang naman ang mga gowns namin pero napakaganda tignan.

Papalit-palit lang ang tingin ko dito at sa salamin na nasa tapat ko.

I'm suppose to be the bride too but it's all fake. Everything...

Napahinga na lang ako ng malalim at tsaka sinukat na ang gown.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako at hinihintay na pala ako ng tatlo.

"Ang tagal ha! Ano, nagmuni-muni ka pa?" tanong ni Asha nang makita nila ako.

"No," bored kong sabi.

"Kasya ba, girls?" tanong ng designer ni Asha na kakarating lang.

"Yeah, medyo maluwag 'yung sa akin pero okay na ito. Ayoko di naman ng masyadong fitted," sambit ni Madi.

"Okay na din iyong sa akin, wala na akong ipapaayos," sagot naman ni Cathy.

"How about you, dear?" tanong niya sa akin.

"Okay na 'yung dress. It fits perfectly," komento ko.

"Well, I'm glad to hear. Subukan niyo na rin ang mga heels para makita niyo ang kabuuan ng susuotin niyo sa mismong kasal," sabi niya pa.

Tumango lang kami at kinuha sa mga saleslady na nandun ang mga heels namin.

Siguro ay nasa four inch ang taas nito, mabuti na lang ay marunong ako maglakad sa ganitong klaseng heels dahil kung hindi, malamang ay nabagok na ako...

...

"Sis, kanina ka pa tulala. Ano ba talaga?" tanong ni Asha at agad naman akong umiling.

"Nagsisisi ka na pumayag ka 'no," sambit ni Cathy.

"Hindi naman. It's just, nagtataka pa rin ako kung bakit ako ang pinili niya. At tsaka bakit ayaw niyang makuha ng magulang niya ang mana? Eh isang pamilya naman sila, umiikot lang ang pera sa kanila," paliwanag ko.

"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Zeke?"

"Na?" tanong ko kay Asha.

"They might look like they're rich but it's not their money, it's Zeke's. It was an inheritance from his grandfather. Pero hindi niya ito makukuha kung hindi siya magkakaroon ng asawa kapag nag edad 27 na siya. His grandfather wants to secure his future since, sa kanya lumaki si Zeke. Nung nalaman ito ng magulang ni Zeke ay pinilit nila ang anak nila na mag asawa agad. For short, gold diggers sila at habol lang nila ang yaman ni Zeke," mahabang paliwanag niya.

Ano daw?

"Wait, so ginagamit niya ako para makuha ang gusto ng magulang niya?" may halong inis sa boses ko nang tanungin ko 'yon.

"No, lihim na napag-usapan nila Zeke, ng lolo niya at attorney nito na kapag hindi nagkaroon ng asawa si Zeke, mapupunta sa pangalan ng magulang niya ang kanyang mana. Ayaw 'yon mangyari ni Zeke dahil masasayang lamang ang pinaghirapan ng lolo niya. Hindi 'yon alam ng magulang ni Zeke kaya naman todo pilit sila sa anak nila na mag-asawa na," dagdag niya pa.

"Teka, paano mo nalaman ang lahat?" singit ni Madi.

"Oo nga, parang lahat ng detalye ay alam mo ah," sabi pa ni Cathy.

"Syempre, ang source ko ay si Zion." Natatawa niyang sabi.

Medyo natawa din ang dalawa samantalang ako ay nakatunganga lang dun.

Edi ako rin pala ang makokonsensya sa oras na hindi niya makuha ang mana niya...

Ilang oras pa kaming nag-usap ng mga kaibigan ko hanggang sa inabot na kami ng alas-siyete ng gabi.

Nagsabay na kami ni Madi umuwi dahil nakatira lang naman kami sa iisang apartment building at sila Cathy at Madi naman ay medyo malapit lang ang tinitirhan sa isa't isa.

Nag-uusap lang kami ni Madi habang naglalakad sa mga apartments namin nang may kumuha sa atensyon naming dalawa.

"Miss, kayo po ba si Starley?" tanong ng isang lalaki na may dalang boquet.

"Yes, bakit po?" tanong ko.

"Ah, pinapabigay po ni Mr. Velasquez," sabi niya sabay abot sa akin ng boquet.

Narinig ko naman ang mahinang pang-aasar ng kaibigan ko habang palihim akong hinahampas sa may braso ko.

"Oh, uhm, thank you," kinakabahan ko pang sabi.

Teka, nabigla ako! Aba, may pa-flowers pa si Zeke ha...

Ngumiti naman siya tsaka tumango at inawan na kami.

Tuluyan nang nagwala itong katabi ko habang kilig na kilig sa nangyari.

"Oh my gosh!" Ans sweet niya!" komento niya habang pinaghahampas ako.

"Manahimik ka nga, Madison! Nakakahiya sa mga kapitbahay natin!" suway ko sa kanya.

Tinakpan niya naman ang bibig niya at hinila ako papasok ng apartment ko. Sinara niya muna ang pinto bago muling nagtatatalon.

"Oh my gosh! Kailangan malaman ito nila Asha!" sabi niya at agad kinuha ang phone niya.

Ako naman ay nakatingin lang sa bulaklak at hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga magagandang bulaklak. Mabango din siya at iba-iba ang kanyang kulay.

"Girls! Plus pogi points si Zeke!" Tili ni Madi kaya muli akong napalingon sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Asha.

"Look who gave her flowers!" sabi niya at itinapat sa akin ang kanyang phone.

Kasalukuyan kasing ka-video call niya ang dalawa at kitang-kita ko naman ang reaksyon ng mga kaibigan ko nang makita nila ang bulaklak.

"Hoy! Oh my gosh! Seryoso?!" tanong ni Cathy at tumango naman ako.

"Ahhh! Ang kyut! Starley, ang swerte mo! Wag mo na pakawalan 'yan ha," sabi pa ni Asha.

Napailing na lang ako sa tatlo at hinayaan na lang sila magdiwang diyan.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now