Chapter 5

723 20 6
                                    

Starley's POV

"So you run a salon?" tanong niya.

Nang matapos kaming kumain ay tumambay lang kami dito habang nakapatong ang mga braso namin sa riles ng balcony.

"Yeah, kaya ang lakas ng loob kong mamuhay mag-isa," mapait akong natawa.

"What really happened, Star?" tanong niya bigla.

Napabuntong hininga naman ako sabay tingin sa kalawakan bago nagsalita.

"About eleven years ago, my brother accidentally died in my watch. We're on a vacation that time, busy sila mommy at daddy sa pagluluto habang kami ni Sean ay nakatambay sa may tabi ng ilog. He was playing in the water while me, nakaupo lang ako dun sa damuhan at may inaasikaso sa phone ko. Sinasaway ko siya na wag pumunta sa malalim na parte ng tubig pero ayaw niyang makinig sa akin. Nalingat lang ako saglit, he was already drowning," naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Muli akong humugot ng hininga bago tinuloy ang kwento.

"I called my parents, inahon nila si Sean mula sa tubig pero hindi na siya nahinga. Dad did everything to revive him but nothing happened. Sa isang countryside kami nagbakasyon nun kaya walang masyadong ospital. The nearest hospital we went to was about an hour away and my brother was declared dead on arrival. Galit na galit sa akin sila mommy at halos ayaw nilang iwan ang bangkay ni Sean dun sa morgue. Kinailangan pa akong sunduin ng lolo at lola ko kasi nga ayaw akong pansinin nila mommy nun at dun na nagsimula ang pagpapabaya nila sa akin kaya naman lola at lolo ko na ang nagsustento sa akin." Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko bago tinignan si Zeke.

"Sobrang napagod na akong umasa na mamahalin nila ako ulit kaya naisipan kong umalis na lang kaysa parusahan ko pa ang sarili ko," dagdag ko.

"Do you have any plan on reuniting with them?" tanong niya.

"I'll do it if they are willing to."

"Ikaw ba? Mukhang hindi rin kayo close ng mga magulang mo. May balak kang makipag-close?" pag-iiba ko ng usapan.

"I haven't thought about it. Aaminin kong may galit ako sa kanilang dalawa, but they're my parents. Plus, wala naman akong magagawa dahil nakaraan na 'yon at hindi ko na 'yon mababago," sagot niya.

"What do you do, Zeke?"

"I run one of my parents' company. I'm their heir after all." Tumango na lang ako at uminom ng wine tsaka muling tumingin sa kawalan.

"Star, I just want to say sorry," muli akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.

"For what?"

"For including you in my stupid idea. Nauubusan na kasi ako ng choices and when I met you, I thought that you're the only one who can help me."

"It's alright. Natanggap ko na rin naman eh," sambit ko.

"Still, I'm sorry. Don't worry, you're still free to do everything. You can still date someone," muli ko siyang nilingon na may pagtataka sa mukha.

"Are you serious?" tanong ko.

"Yeah. We only need to pretend in front of my parents," sagot niya.

Nope, not gonna do that. I feel like I'm cheating if I do that.

"Zeke."

"Hmm?" tanong niya at uminom ng wine.

"Why sixty days only?" I asked.

Tinigil niya ang pag-inom niya at pinatong ang baso sa riles tsaka ako tinignan.

"It's too soon to tell," sagot niya.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now