Chapter 12

558 16 4
                                    

(Day 6)

Starley's POV

"By the way, Star. Wear this," utos niya at binigay sa akin ang isang gold ring.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Napansin ko kasi 'yung panay tingin ni dad sa mga daliri natin kahapon. Nung nasa sala kaming dalawa, tinanong niya ako kung nasaan daw ang singsing natin."

"Anong sagot mo?"

"I told him that I forgot to wear it." Natawa naman ako dahil sa sagot niya. That is stupid. I mean, who forgots to wear their wedding ring?

"Kailan ka bumili nito?" tanong ko at sinuot na ito. Infernes, bagay siya sa akin.

"Nagpatulong ako kila Zion kagabi. And, nakuha ko ang ring size mo sa mga kaibigan mo," kaya pala kasya sa akin 'yung singsing...

"Nasaan sayo?" tanong ko kaya inangat niya ang kanyang kamay.

"Talagang ginagandahan mo ang pagpapanggap natin ha," komento ko at natawa naman siya.

"Let's go," aya niya at hinila na ako palabas ng bahay.

Sumakay na kami ng kotse niya at nagsimula na siyang magmaneho. Makalipas ang ilang oras ay narating na rin namin ang ospital kung nasaan ang mga magulang ko.

"Good morning, ma'am and sir! What can I do for you?" tanong ng isang nurse.

"Hi, uhm. Nasaan ang room ni Mrs. Rina Amirez?" tanong ko.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente, ma'am?"

"I'm her daughter. Nandito ako para bisitahin siya."

"Room 103, ma'am. Sa second floor po," sabi niya.

"Okay, thank you." Hinila ko na si Zeke papunta sa elevator.

Nang makarating kami sa harap ng kwarto ni mommy ay binuksan ko na ito at bumungad sa akin sila mommy at daddy na nag-uusap.

"Hi, mom. Hi, dad."

"Hi, Starley. Buti nakarating ka," sabi ni daddy pero si mommy, hindi man lang ako pinansin.

Lumapit ako sa kanya at makikipagbeso sana pero umiwas siya.

"Mom, alam kong galit ka pa rin sa akin. You're a mother at mahirap mawalan ng anak, I understand you. Pero sana naman, for just once. Stop neglecting me. Masakit ang ginagawa mong pag-iwas sa akin, mom. Hindi na nga sana ako pupunta dito kasi ayoko ring makita ka, pero mas nangingibabaw pa rin 'yung pagmamahal ko sayo. Sana maisip mo din 'yan, mom. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito."

Kung dati ay hindi ko mapigilang umiyak kapag naglalabas ako ng sama ng loob pero ngayon, wala nang luha ang nagbabalak na tumakas sa mga mata ko. Siguro nga talaga ay kakaunti na lang ang kaya kong ibigay na pagmamahal sa nanay ko.

"If you don't want to see me, tell me. Just say that you don't want to see me anymore and I will disappear," dagdag ko pa.

"I don't want to see you," ouch.

Ganun kadali para sa kanya na sabihin 'yon? Ganun ba talaga katindi ang galit niya?

"O-okay. Madali akong kausap," sabi ko at lumayo na sa kanya.

"Oh, and by the way. I'm married, this is my husband, Zeke. I no longer use your family name as my surname, you can now forget that you have a daughter." Nakita ko namang sabay silang tumingin sa akin.

Bago pa makapagsalita si daddy ay umalis na ako kasama si Zeke.

"You okay?" tanong ni Zeke habang naglalakad.

"Yes," sabi ko hahang nakayakap sa braso niya.

Nanatili siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya at hinarap ako.

"Pwede bang umiyak?" tanong ko.

Tumango siya kaya agad ko siyang niyakap kasabay nang pagbuhos ng luha ko.

"Ang tanga ko, Zeke. Sana pala ay hindi na tayo pumunta dito. Ang sakit pakinggan na ayaw ka nang makita ng nanay mo, ayaw na akong makita o makasama ni mommy. Zeke, ang sakit-sakit. Ang akala ko ay kaya niya akong patawarin kagaya ni dad pero maling-mali ako. Mas mataas pa sa Eiffel tower ang galit sa akin ng sarili kong ina."

"Nakuha mo pa talagang magbiro sa ganitong oras ha," sabi niya at medyo natawa naman ako.

Nag angat ako ng ulo para magtama ang tingin namin. Naramdaman ko na lang na pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang daliri.

"Shhh, kung ayaw man sayo ng magulang mo, edi aangkinin na lang kita," sabi pa niya.

"Sira ka ba?" Natatawa kong tanong.

"No, I'm your husband," sagot niya at ngumiti.

Natawa na lang ako at niyakap ulit siya.

"Nak." Napalingon kaming dalawa nang may biglang magsalita.

"Yes, dad?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita ngunit nilapitan niya ako at niyakap.

"Take care of yourself. I am so sorry for everything, my daughter. I love you so much. I hope that you can forgive me and your mom one day," bulong niya.

"Take care too, dad. I love you and mom."

Ngumiti siya at tinignan si Zeke.

"Take good care of my daughter. Don't ever break her heart like I did. I am the first man who broke her heart so please, be the first man who can heal her heart from every pain that I've caused," siguro ito na 'yung isa sa pinakamasakit na pwede mong marinig sa iyong magulang...

"I will," sabi ni Zeke.

"Bye, dad."

"Bye, anak."

Niyakap ko ulit siya sa huling pagkakataon bago sumakay sa loob ng kotse.

...

"Zeke," tawag ko sa kanya nang makababa kami ng kotse.

"Hmm?" Lumapit siya sa akin.

Hindi ako nagsalita at niyakap na lang siya. Tila nabigla pa nga siya pero agad din naman akong niyakap pabalik.

"Thank you," bulong ko.

"For what?" Natatawa niyang tanong.

"For being there. I know na hindi tayo tunay na kasal, pero lagi mo pa ring pinaparamdam sa akin na asawa mo ako," I heard him chuckled.

"Anything for you, my lady."

Nag-angat ako ng tingin at unti-unting inilapit ang aking mukha papunta sa kanya. Nakangiti ko naman siyang hinalikan sa pisngi ngunit agad naglaho 'yon nang makita ko ang aming mga kaibigan na pinapanood na pala kami sa di kalayuan.

"Ano 'yon?!" Tili ng mga kaibigan ko tsaka lamang kami nilapitan.

Agad naman akong humiwalay sa yakap ni Zeke at umayos ng tayo.

"Aba naman, Starley! Pumapag-ibig na siya!" pang-aasar nila sa akin.

Kahit si Zeke ay hindi nakatakas sa pang-aasar ng mga kaibigan niya.

Naramdaman ko na lang ang pamumula ng mga pisngi ko kaya agad kong tinakpan ang aking mukha gamit ang mga kamay ko. Ilang saglit pa ay naramdaman kong may nakaakbay sa akin.

Pag dilat ko ay nakita ko si Zeke.

"Shut up, don't tease my wife," sabi niya at hinila na ako papasok ng bahay.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now