Epilogue

1K 25 2
                                    

Starley's POV

Sa buhay, hindi palaging masaya ngunit hindi rin palaging malungkot. Saya at lungkot, ang dalawang 'yon ang naranasan ko sa aking buhay.

Nanggaling ako sa hindi masayang pamilya. Nang mamatay ang kapatid ko ay parang namatay na rin ang magulang ko, ilang taon nila akong hindi pinansin na tila isa lang akong hangin.

Masakit ang pagtabuyan ka ng pamilya mo dahil sa isang aksidenteng hindi mo naman kasalanan pero anong magagawa ko? Sa oras na iyon ay mas mahal nila ang kapatid ko kaysa sa akin. Ni hindi ko nga rin alam kung minahal pa ba nila ako nung dumating si Sean sa mundong ito.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa ginagawa nila sa akin, gusto ko na isuko ang buhay ko sa Diyos. Lahat ng paraan ay ginawa ko para tuluyang kunin ang sarili kong buhay pero bakit hindi pa rin ako mamatay-matay?

Buong buhay ko, iisang tanong lang ang hinihingian ko ng sagot mula sa Diyos. Bakit pa ako binuhay kung puro sakit lang ang pagdadaanan ko?

Sa mga oras na nagdudusa ako, mga kaibigan ko lang ang nasa tabi ko pero kulang pa rin. Kasi hinahanap ng puso ko 'yung pagmamahal ng magulang ko na walang ibang makakapagbigay kundi sila lang.

Pero pati 'yon, pinagkait sa akin. 'Yung unang beses na pinagtangkaan ko ang sarili kong buhay, hindi pa natuloy. Bakit?

Nung nasa puder ako ng magulang ko ay wala akong ibang naramdaman kundi lungkot at galit. Lungkot dahil unti-unting dinudurog ang puso ko sa tuwing iiwasan nila ako at hindi papansinin. Galit sa kanila dahil sa mga taon na lumipas, hindi ko na alam paano pa magmahal ng tao.

Ano pang saysay ng buhay ko kung ganito na lang?

Nang umalis ako sa puder nila, nakaramdam ako ng saya dahil sa wakas ay malaya na ako. Pero hindi pa pala tapos ang paghihirap ko.

Sa maikling panahon, naging masaya ako hanggang sa mangyari ang never kong inasahan, ang mamatay ang anak ko. Halos masiraan ako ng ulo nang mamatay siya. T*ngina, hindi ko pa nga siya nakakalong, kinuha na siya agad sa akin.

Sa mga panahong iyon, unti-unti nang napapalayo ang sarili ko sa Diyos dahil wala na siyang ibang ginawa kundi pahirapan ako.

'Yung sagot na gusto kong makuha sa kanya ay hindi ko pa rin nalalaman. Ilang taon ang hinintay ko para sa kanyang sagot pero wala akong nakuha. Kasi nagbulag-bulagan ako. Nasa tabi ko na ang sagot pero hindi ko pa rin ito makita.

Bakit pa ako binuhay kung puro sakit lang ang pagdadaanan ko? Dahil sa kanya. Binuhay ako ng Diyos dahil kay Zeke.

Nung una, akala ko ay isang malaking katangahan ang pagpayag sa gusto niyang maging kami. Hindi ko akalain na hinding-hindi ko pala pagsisisihan ang pagpayag ko sa kanya dahil siya ang tumulong sa akin para maging masaya.

Sa kanya ako natuto ulit magmahal ng totoo at buong-buo. Sa kanya ako kumuha ng lakas at pag-asa upang bumangon ulit sa buhay. Siya ang tumulong sa akin upang mahanap ko ang tunay kong kaligayahan. Siya ang ibinigay ng Diyos upang ilayo ako sa kamatayan.

Halos magkaparehas ang buhay naming dalawa pero nandyan kami para tulungan ang isa't isa. Sabay kaming bumangon mula sa mapait naming nakaraan, sabay naming hinarap ang naka-tadhana sa amin at higit sa lahat, sabay naming tinupad ang mga pangarap namin.

Lahat ng tanong ko sa buhay ay iisa lang pala ang sagot. Siya.

Iba talaga sa pakiramdam kapag napunta ka na sa tamang tao. Hindi ko aakalain na itutuloy ko ang aking buhay para sa kanya at ganun din siya. Nilabanan niya ang kanyang sakit para sa akin, tinigil niya ang pagpapaikli ng kanyang buhay para sa akin.

I've always wondered what will happen when two broken people met. Now, I know the answer. They will help each other to fix themselves and fix their future.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon