Chapter 10

644 21 4
                                    

(Day 3)

Star's POV

"Anong oras kita susunduin?" tanong ni Zeke nang itigil niya ang sasakyan.

"Ha? Wag na. Uuwi na lang ako mag-isa, magkikita pa kasi kami nila Madi." Tumango lang siya kaya lumabas na ako ng kotse.

Nang makaalis na siya ay pumasok na rin ako sa loob ng salon kung saan ako nagta-trabaho pero hindi ako ordinaryong empleyado dahil ako ang may-ari nito.

I was twenty when I started running a salon. Few years later, I already have four salons in different places.

"Good morning, ma'am!" sabay-sabay nilang bati.

"Good morning din."

Kahit umaga pa lang ay marami na agad kaming customers para magpaayos ng buhok. Ang iba naman ay manicure at pedicure ang sadya dito.

See? That's why I don't want that ATM card dad was giving me. I already have a successful business and I earned a lot every single day. Though the truth is, they don't know about this salon.

Ang alam lang nila na trabaho ko ay isang hair dresser dito sa salon pero hindi nila alam na ako ang may-ari ng salon na ito.

I achieved a lot of things in life but they didn't know it.

Lahat ng nakamit ko ay hindi ko pinaalam sa kanila. Bakit? Kasi wala naman silang pake.

I'm still entitled as their "useless daughter".

"Ate Star, may asawa ka na daw?" biglang tanong ni Alison sa akin.

"Ha? Paano mo nalaman?" tanong ko.

Hindi ko kasi pinapaalam kahit kanino na "asawa" ko si Zeke.

"Si Ate Cath," I knew it.

"Ang daldal talaga ng babaitang iyon, ano?" sabi ko at natawa naman siya.

Pinsan ni Cathy itong si Alison, gusto niya daw kasing maging working student kaya sa akin siya inirekomenda ni Cathy.

"So, meron nga, ate?"

"Yes. Wag ka maingay ha," sabi ko at tumango naman siya na may halong ngiti.

"Yieee, stay strong sa inyo," kinikilig niyang sabi at bumalik sa trabaho.

Kung anong tino ni Cathy ay siya namang kabaliktaran kay Alison...

...

"Cheers!"

Sabay-sabay naming ininom ang mga baso namin kasabay ng malakas na music na pumapalibot sa amin.

Ewan ko ba kung anong trip nila at nagyaya sila na pumunta daw kami sa isang bar. Maging si Asha ay hindi nakaligtas sa pangungulit nila Madi.

Mahigit dalawang oras na rin kami dito kaya lahat kami ay lasing na.

"Girls, tinatawagan na ako ni Zion," sabi ni Asha habang nakatingin sa phone niya.

Hinablot ko rin ang phone ko nang marinig ko itong tumunog, tumatawag si Zeke.

"Teka, teka. Wag niyo sasagutin," sabi ni Madi nang tumunog din ang phone niya at phone ni Cathy.

"This is a girls night out. No boys allowed!" halatang-halata na lasing na si Madi pero dahil lasing na rin kami ay pumayag kami sa sinabi niya.

Pinatay namin ang mga tawag at pinagpatuloy ang pag-inom. Ilang minuto ang lumipas ay tawa na lang kami ng tawa kahit wala namang nakakatawa...

Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko at nang lumingon ako ay nakita ko si Zeke.

"Oh hi, Zeke!" lasing kong sabi at tumayo tsaka nilagay ang mga kamay ko sa batok niya.

"I've been calling you a hundred times. Why the hell you're not answering?" kalmado niyang sabi ngunit may diin ang bawat salita.

"Well, I must have not heard it. Come, let's drink!" aya ko pa sa kanya.

"No, we're going home," walang salita niya akong hinila habang dala na niya rin ang sling bag ko.

Nang makarating kami sa parking lot ay nandun din sila Manuel, Zion at Jared kasama ang mga kaibigan ko. Sa sobrang kalasingan ay hindi ko namalayang nilabas na rin pala sila ng mga lalaking ito.

"I'm taking my wife home," did I heard that right?

"Sure, we'll see you tomorrow, bro."

Nakita kong tumango lang si Zeke bago ako pinasok sa kotse. Sinuot niya na rin ang seatbelt sa akin bago sumakay dun sa upuan niya.

Halos kalahating oras ang lumipas nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Inaantok na ako at hilong-hilo na rin kaya nang buksan ni Zeke ang pinto ay muntik na akong mahulog kung di lang ako naka-seatbelt.

"Damn it, Starley!" rinig kong sabi niya habang nakayakap sa akin.

Tinanggal na niya ang seatbelt ko at binuhat ako na parang sako ng bigas, mas lalo tuloy akong nahilo.

Nang makarating kami sa kwarto ay inihiga niya na agad ako sa kama, nung tumama na ang ulo ko sa unan ay agad din akong hinila ng antok.

...

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang bumangon ako ay biglang umikot ang paningin ko, grabe namang hangover ito. Nakailang shots ba ako kagabi?

Teka, si Zeke! Naku po, baka galit 'yon! Sana naman ay wala akong ginawang katarantaduhan kagabi! Iba pa man din ako kapag nalalasing.

Dumeretso muna ako sa cr para maghilamos at napansin kong iba na ang damit ko. Shoot, pinalitan ako ni Zeke ng damit?!

Agad akong lumabas ng kwarto tsaka bumaba para hanapin siya nang makita kong abala siya sa pagluluto sa kusina.

"Z-zeke," bulong ko pero sapat lang para marinig niya.

Nilingon niya ako at may hawak siyang sandok habang nakasuot ng apron, ang gwapo niya...

"Sit down, do you want some coffee?" Tumango na lang ako bilang sagot.

So, hindi siya galit?

Pinanood ko lang siyang magtimpla ng kape at sinalin ang niluto niya sa plato tsaka ito nilagay sa lamesa. Nang umupo siya sa upuang nasa tapat ko ay may napansin akong kakaiba.

"Ah, Zeke. Bakit parang medyo namumula ang kaliwang pisngi mo?" tanong ko.

Maputi kasi si Zeke kaya napansin ko agad na hindi pantay ang kulay ng mukha niya.

"Oh nothing. You just slapped me earlier when I was changing your clothes," agad namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Sinampal kita?" gulat kong tanong at tumango naman siya.

"Hindi na sana kita papalitan ng damit kaso kanina, basang-basa ka na ng pawis kaya naisipan kong palitan ka na lang. Tinatanggal ko pa lang 'yong botones ng damit mo nang bigla mo akong sinapak sabay sabing 'manyakis'." Iling-iling niyang sabi.

"M-may nakita ka?" nahihiya kong tanong.

"Don't worry, I covered you with your blanket as soon as I removed your clothes." Tumango na lang ako at kumain na.

Hindi natin sure kung wala ba talaga siyang nakita.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang