Chapter 42

516 19 0
                                    

Starley's POV

"Hoy, ang daya neto!" Sigaw ni Madi at natawa naman si Asha.

"Madaya ka diyan! Binabawian lang kita, sira!" sambit naman ni Asha at hinampas sa balikat si Madi.

Natawa na lang ako habang tinitignan sila nang biglang lumitaw sa isip ko si Zeke. Nasaan nga pala 'yon?

Kanina kasing paggising ko ay wala siya sa tabi ko. Ang alam ko naman ay hindi siya umalis bago ako natulog kaninang tanghali. Sa totoo nga niyan ay sabay kaming natulog tapos biglang nawala ang lalaking iyon sa tabi ko...

Sabi naman ni Nanay Linda ay umalis daw saglit, may pinuntahan lang. Sakto rin namang dumating ang mga kaibigan ko kaya naaliw na rin ako.

Kasalukuyan kaming naglalaro ng board game at tamang may dayaan nga na nagaganap. Unang nagpasimuno si Madi at kanina pa naiirita si Asha kaya ayun, binawin ng babaeng ito si Madi. Kami naman ni Cathy ay panay tawa lang habang pinapanood sila mag-away. Parang mga bata eh...

"Ako na, hija," sambit ni nanay nang may kumatok sa pintuan at akmang tatayo na sana ako.

Tumango ako at pinagpatuloy namin ang paglalaro habang si Nanay Linda ay tinungo ang pintuan.

"April? Anong ginagawa mo dito?" lahat kami ay natigilan nang marinig namin ang pangalan ni April.

Sabay-sabay naman kaming napatayo at dumeretso sa pintuan at nandun nga si April, mukhang nakainom din siya at galing sa pag-iyak. Anong drama ng babaeng ito?

"You! I hate you!" Sigaw niya at binato sa direksyon ko ang maliit na bote ng alak.

Mabuti na lang ay naiwasan ko ito kaya nabasag ito sa sahig.

"Hoy, t*ngina mo! Anong trip mo?!" Sigaw ni Asha at pinaligiran nila akong tatlo.

"G*go ka ba?! Bakit ka nambabato ng bote?! Ikaw kaya batuhin namin ng dos por dos?!" tanong ni Madi.

"T*ngina! Manahimik kayong tatlo!" Sigaw niya at pumasok ng bahay.

"Ikaw! Ikaw na babae ka, panira ka ng buhay! Sinira mo ang buhay ko! Walanghiya ka! Inagaw mo si Zeke!" akmang susugurin niya pa ako nang harangin siya ng mga kaibigan ko at si nanay naman ay inilayo ako dun.

Lumingon pa ako sa gawi nila at nakita ko naman si April na may dalang kutsilyo! G*go, saan galing 'yon?!

"Teka, 'nay! 'Yung mga kaibigan ko!" sambit ko nang makalabas kami ng bahay gamit ang back door.

"Wag ka mag-alala, pinuntahan na nila Isabel sila Asha," sambit niya naman.

"Teka, tatawag ako ng pulis." Binitawan niya ako saglit at kinuha ang cell phone niya mula sa kanyang bulsa.

Ako naman ay dakilang matigas ang ulo dahil pumasok ulit ako sa bahay habang hindi nakatingin sa akin si nanay at naabutan ko sila Asha na pinagtutulungan si April. Nagkaroon na rin sila ng sugat sa mga braso nila dulot ng kutsilyo na hawak ni April.

"Hoy, Starley! Bakit nandito ka pa?! Lumabas ka na!" Sigaw ni Cathy habang pinigilan si April sa pagwawala.

Ewan ko ba pero tila ayaw sumunod ng utak ko sa sinabi niya at kusang gumalaw ang mga paa ko palapit sa kanila.

"Starley, ano ba?!" Sigaw ni Cathy at binitawan si April para lapitan ako.

"Tara na!" sambit niya at hinila ako.

Lumingon ulit ako at nakita naman si April na hinahabol na kami habang ang dalawa ko pang kaibigan ay nakahandusay na sa sahig.

"Cathy, iwas!" Sigaw ko nang akmang sasaksakin na siya patalikod ni April.

"Starley!" Sigaw nilang lahat nang ako ang masaksak ni April patalikod.

Nakarinig naman ako ng malakas na pagbasag ng isang materyal at nang lumingon ako ay nakita kong nakahandusay na sa sahig si April at wala na itong malay, may mga bubog din ng vase malapit sa kanya.

'Yon pala ay hinampas na siya ni Madi ng vase sa ulo.

"Starley!" Lumapit silang dalawa sa akin habang si Cathy ay nakahawak ng mahigpit sa akin.

Ramdam ko ang panghihina ng mga binti ko habang humahapdi naman ang sugat ko sa likod.

"Sh*t, Starley!" Sigaw ni Asha habang nakatingin sa may binti ko kaya napatingin na din ako dun.

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko nang makakita ako ng dugo.

"Jusko, Starley!" rinig kong sigaw ni Nanay Linda.

"Zeke! Umuwi ka na bilis! Dinudugo ang asawa mo!" iyan ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

...

"I swear, I will kill her!" naalimpungatan ako nang marinig ko ang umaalingaw-ngaw na sigaw ni Zeke.

Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang mga kaibigan namin na pinipigilan si Zeke na magwala.

"T*ngina! Hihilain ko papuntang impyerno ang babaeng iyan kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko! Sh*t!" Sigaw niya pa habang sinasabunutan ang sarili.

Oo nga pala, ang baby ko!

Nang biglaan akong bumangon ay sumakit bigla ang likod ko kaya napasigaw ako ng wala sa oras na nakakuha ng atensyon nila.

"Sh*t, Starley. Are you okay, love? Are you hurt? Humahapdi ba 'yung sugat mo? May iba ka pang nararamdaman?" napuno na ng mga tanong ang kwarto dahil sa walang-tigil na pagtanong ni Zeke habang nakayakap sa akin.

"S-si b-baby?" natatakot kong tanong.

"Don't worry, love. Our baby is okay. Hindi masyadong malalim ang sugat mo at hindi naapektuhan ang baby natin sa saksak. But I promise you, love. I'll make sure that April will rot in jail," sambit niya at tila natanggal ang kaba sa aking dibdib.

Nang maalala ko ang nangyari ay bigla na lang akong naiyak kaya agad niya akong niyakap.

"Akala ko, mawawala ang baby natin." Umiiyak kong sabi at ramdam ko naman ang paghagod niya sa likod ko.

"Shhh, you're both safe. Don't cry." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri.

Ilang minuto siguro ako umiyak at nang mahimasmasan ako ay nilapitan ako ng mga kaibigan ko para yakapin ako.

Sila rin ay may mga bandage sa kanilang mga braso kung saan sila nadaplisan ng kutsilyo.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko.

Aaminin kong nakukunsensya din ako dahil pati sila ay nadamay dito.

"Kami talaga ang tinanong mo niyan ha. Oo naman, okay na okay kami. Wag kang mag-alala sa amin, sis. Mas malakas pa kami sa kalabaw," sambit ni Madi at natawa naman kami.

"Ikaw ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" tanong ni Cathy.

"Ang hapdi ng sugat ko pero kaya ko naman indahin. Salamat sa inyo ha. Niligtas niyo ako."

"Syempre naman. Guardian angels mo kaya kami," pagmamalaki ni Asha.

"Yeah, guardian angels na may halong pagka-demonyo," sambit naman ni Cathy.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now