Chapter 15

594 22 7
                                    

(Day 16)

Starley's POV

Sabay kaming napabalikwas ng bangon dahil sa sobrang lakas ng alarm ni Zeke.

"Sh*t, anong oras na?!" tanong sa akin ni Zeke. Aba'y malay ko!

Parehas naming dinampot ang mga phones namin sa magkabilang side table at pagbukas ko ng phone ay malapit nang mag alas-dose ng tanghali!

"Sh*t! Late na ako!" nagmamadali siyang bumangon at dumeretso sa cr.

Ako naman ay mabilis na inayos ang kama at kumuha ng damit pang-trabaho niya. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para magluto. Halatang hindi naman kakain dito si Zeke kaya ipagbabaon ko na lang siya ng pagkain.

Makalipas ang halos 20 minuto ay natapos na rin akong magluto at napagbaunan ko na rin si Zeke, saktong bumaba na din siya habang sinusuot ang coat niya.

"Hey, I gotta go. Malalagot ako sa tatay ko kapag nalaman niyang late ako." Natatawa niyang sabi.

"Sige, pero wait. Pinagbaon na kita," sambit ko at binigay sa kanya ang bento box na nasa maliit na bag.

"Thanks," sabi niya at nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa noo.

Mabilis siyang lumabas ng bahay at natanaw ko na lang na umalis na siya dala ang sasakyan.

Pero bakit niya ako hinalikan?!

...

"Star, thank you. Thank you so much," sabi ni Zion at niyakap ako.

"Ha? Bakit? Anong nangyayari?" tanong ko nang bumitaw siya.

Hindi siya sumagot ngunit hinila niya ako papunta sa kwarto ni Asha. Nandun ang asawa niya kasama ang isang physiatrist.

Napangiti naman ako habang pinapanood siyang magkaroon ng improvements habang ang dalawa kong kaibigan ay nakatingin din sa kanya at panay cheer ang mga ito.

"This morning, it's odd but she woke up happy." Napalingon ako nang magsalita si Zion.

"She said, she thinks that she's ready to move on. Nalaman ko rin kila Madi na kinausap mo si Asha kahapon bago ka umalis. I guess, whatever you'd said yesterday, it worked!" Napangiti naman ako nang makita ko kung gaano siya kasaya.

"I want to help her too. May I?" tanong ko at tumango naman siya tsaka pinapasok ako. Medyo nakaharang kasi siya sa pinto kanina.

Lumapit ako kay Asha at nakaramdam naman siguro siya na may tao sa likod niya dahil nilingon niya ako.

"I told you, you can do it." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti din siya at niyakap ako.

Buong magdamag naming sinamahan si Asha dito sa ospital hanggang sa inabot na kami ng hapon at hindi ko pa mamamalayan 'yon kung hindi lang ako sinugod dito ni Zeke.

"Ang aga mo naman yata?" tanong ko nang makita ko siya.

"Seriously? It's already 6:30, Star." Napatingin naman ako sa relo at tama siya!

Hala, masyado akong naaliw kasama ang mga kaibigan ko, nakalimutan ko na tignan 'yung oras!

"Ay, hala. Sorry! Ang saya kasi ng kwentuhan namin kanina pa kaya hindi ko namalayan 'yung oras," sabi ko at natawa naman siya.

"We should go home now. May family gathering sila mommy and they want us to be there."

"Ngayon na? Wait, hindi pa ako prepared!"

"Akong bahala. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo," sabi niya at nilapitan ang mga kaibigan niya.

Ako naman ay lumapit kila Asha na masayang nag k-kwentuhan dun sa kama.

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now