Chapter 20

635 17 10
                                    

Starley's POV

"Madison!" sabay na sigaw nila Cathy at Asha.

"What? Akala ko ba ay sasabihin natin sa kanya?" tanong niya at natigil kaming lahat sa paglalakad.

"Oo nga pero, bakit ngayon pa talaga?! Alam mo namang good mood pa 'yan si Starley oh, tapos sisirain mo." Iling-iling na sabi ni Asha.

"Ay, sorry. Hindi ko kasi mapigilan eh, alam niyo namang kapag may alam akong chismis, ibubunyag ko agad." Napahilamos na lang ang dalawa sa kanilang mga mukha habang nakatingin kay Madi.

"Bumalik na 'yung ex niya? Si April?" I asked.

"Kilala mo siya?" tanong ni Asha.

"No, but I know her name. Bumalik na siya?" sabay-sabay silang tumango.

"How did you know?" agad namang tinuro nila Cathy at Madi si Asha.

Nilingon ko siya at hinihintay sa sumagot.

"Last week pa. Alam na rin 'yan ni Zeke. Sa katunayan nga, siya ang nagsabi kila Zion tungkol dito. Sabi niya, gusto daw makipag-collab ng kompanya ni April kay Zeke," naalala ko bigla 'yung mga kwento ni Zeke sa akin tungkol kay April.

"Sabi ko naman kasi sayo, Madi eh! Ayan tuloy, nawala sa mood si Starley!" suway ni Asha nang matulala na lang ako sa kawalan.

"Hindi ba sinabi sayo ni Zeke ang tungkol dun?" tanong ni Cathy at umiling ako.

"Hay nako, mabuti pa ay umuwi na lang tayo. Dun na lang tayo sa bahay nila Star mag-bonding," aya ni Asha. Tumango na lang kaming lahat at lumabas na ng mall.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nakauwi na rin kami sa bahay. Wala pa sila Zeke kaya pumasok na muna kami sa loob.

"Starley, naman oh. Mamansin ka naman, girl. Nag-aalala kami sa iniisip mo eh," sambit ni Madi.

"Okay lang ako, ano ka ba?" pinilit ko pang tumawa.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig kami ng busina sa labas.

Lumabas kaming lahat at nakita naming dumating na ang  sasakyang dinala nila. Nakakapagtaka lang dahil may isa pang sasakyan ang nakasunod sa kanila.

Lumabas dito ang isang magandang babae at mukhang model sa ibang bansa.

"Oh my gosh, sino 'yan?" tanong ni Madi.

"Zion, bakit niyo kasama ang babaeng 'yan?" tanong ni Asha nang makalapit sa kanya ang asawa niya.

"Pumunta kami sa kompanya ni Zeke diba? Ayun, naabutan namin siya na nandun. Hindi tinantanan si Zeke kaya hanggang dito ay sinundan siya. Sorry, Star. Linta kasi ang babaeng 'yan eh. Dikit ng dikit kay Zeke," sabi ni Zion.

"So, she's your wife?" tanong nito nang makalapit sila sa amin.

Tinaas-baba pa nito ang tingin sa akin na tila sinusuri ang katawan ko.

"She's so plain."

"What the fvck? You don't have the rights to say that to my wife. And you have no rights to fvcking inspect her," madiin na sabi ni Zeke at tumabi sa akin.

"I'm just saying my opinion, Zeke."

"That's not an opinion, you're disrespecting her. Ano ba talaga ang gusto mo at sinundan mo kami dito?"

"I just want to see the new Velasquez, Zeke. Highblood ka agad? Besides, I'm here to convince you too about the contract. It's been a week pero hindi po pa rin pinipirmahan ang kontrata."

"I already said no. I won't collab with your company. Not just because you're my ex, it's also because your company is known for taking money from others. Ninanakawan niyo ang mga nagiging business partners niyo para kayo ang umunlad at hindi sila.

"Now please, get out," blangkong utos ni Zeke.

Walang nagawa ang babaeng ito kundi umalis ngunit bago siya umalis sa harap namin ay tinarayan pa ako.

"Aba!" Hinawakan ko ang braso ni Asha nung susugurin sana niya si April.

Nang makaalis na siya ay nilingon ako ni Zeke.

"Zeke, ilayo mo 'yang ex mo sa kaibigan namin. Baka mapatay namin 'yan," sambit ni Madi at tumango naman si Asha.

"You okay?" tanong sa akin ni Zeke habang nakatingin pa rin ako sa kotse na papalayo.

"Yeah. Tara na sa loob," aya ko at nauna na.

"Huy, smile ka na! Ang pangit kapag naka-busangot ka eh," pang-aasar nila Asha.

"Wag ka mag-alala, mare. EX na 'yon, ikaw na ang CURRENT. Wala siyang laban sayo, ano!" sabi naman ni Madi.

"Tara na nga, magluto na tayo para mawala 'yang babaeng 'yan sa isip mo, okay?" Tumango ako sa suggestion ni Cathy kaya pumunta na kaming apat sa kusina.

...

"Love, pansinin mo naman ako," ano daw?

"Love ka diyan. Tsk, mamaya ay 'yan pala ang tawagan niyo ng April mo," inis kong sabi at natawa naman siya.

Oo nga pala, nasa kwarto na kami ngayon at simula nung umalis kanina ang mga kaibigan namin ay hindi ko na siya pinansin. Kakaligo ko lang din at nung umupo ako sa kama ay dun na niya ako kinulit.

"Nagseselos ka?" tanong niya at nginisian ako.

"Selos ampucha. Bakit ako magseselos? Eh hindi mo naman ako asawa kaya wala akong karapatan magselos," sambit ko habang nakatuon sa binabasa kong libro.

Nagulat naman ako nung kinuha niya ang libro at hinarap ang mukha ko sa kanya.

"Who said that you're not my wife? We signed a deal, remember?" iyan talaga ang pinanghahawakan niya eh, tsk.

"Ewan ko sayo, Zeke." Iling-iling kong sabi at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.

"Sorry na!" sambit niya at pinatong ang ulo niya sa hita ko.

Para siyang tuta na nanghihingi ng atensyon sa amo niya eh.

"Hindi ko naman alam na susundan niya pala talaga kami."

"Mahal mo pa siya?"

"Nope."

"Iyong totoo?"

"I swear, mamatay man ako. Hindi ko na siya mahal," sabi niya at nagtaas pa ng kamay.

"Ayokong makikitang magkasama kayo ha," sambit ko.

Ay, Starley. Binabakuran mo na si Zeke?

"Promise," sabi niya at ngumiti.

"Sorry na." Bumangon ulit siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Sige na, smile na!"

"Ano ako, baby?" tanong ko sabay turo sa sarili ko at natawa naman siya.

"Pwede, baby kita eh," sagot niya at niyakap ako.

"Tsk, corny mo," sambit ko at pinisil ang ilong niya.

"Kinilig ka naman."

"Asa ka!"

"Asus, ngingiti na 'yan!"

Nanatiling blangko ang aking mukha nang bigla niya akong kilitiin sa tagiliran. Kaya ang ending, nagharutan kami dun.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon