Chapter 48

498 13 0
                                    

Starley's POV

"Yieee! Bukas na ang kasal nila!" Tili ni Madi habang niyuyugyog ako.

"Huy, babae! Tigilan mo 'yan!" suway naman ni Cathy.

"Ay, hehe! Peace! Pero yeah, I'm excited!" tila mga kaibigan ko pa ang mas nasasabik sa kasal ko bukas eh. Dinaig pa ng mga bridesmaids ang bride sa excitement eh...

"Oh teka, ano 'yon. Mag h-honeymoon din kayo? Naku, mare! Baka bigyan mo kami ng kambal na inaanak ha!" sambit naman ni Asha.

Ang dumi talaga ng utak ng mga ito, tsk!

"Girls, chill. Mas excited pa kayo kaysa sa akin eh," suway ko sa kanila.

"Oy, 'di ako kasali ha!" angal naman ni Cathy.

Napailing na lang ako at nakisali sa kwentuhan nila.

...

"What? Where are your guards?" tanong ni Zeke mula sa kabilang linya.

"Zeke, day-off nila, remember? Don't worry, nandito lang naman ako sa mall eh at hindi naka-silent ang phone ko kaya matatawagan mo ako. Besides, pauwi na rin ako," sambit ko sa kanya.

"I'll come to pick you up."

"What? Wag na, love. May meeting ka pa."

"I don't care. Myla, cancel all my meetings. Re-schedule it, I'll tell you when later," rinig kong utos niya kay sekretarya niya.

Ang lakas talaga ng tama nito...

Kalahating minuto na siguro ang lumipas at dumating na rin si Zeke. Actually, nakasalubong ko siya habang naglalakad ako at nakatingin sa cell phone ko. Ayun, nakabungguan ko siya hehe...

Hawak niya ngayon ang mga binili ko habang ang isa niyang braso ay nakalagay sa bewang ko.

"Mamaya na mag cell phone," sambit niya nang muntik na akong tumama sa fake plant na naka-display. Mabuti na lang ay iniwas niya ako.

"Tinitignan ko kasi kung okay na ba ang lahat para bukas. Alam mo na." Nginitian ko siya at napailing lang siya.

Nakarating na rin kami sa kotse at hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa aking cell phone. Kausap ko kasi ang coordinator namin at sabi niya ay ayos na daw ang lahat.

'Yung gown ko naman ay nakahanda na rin at nandun na sa bahay, kakarating niya lang kanina. Isa siyang tube white gown at dalawang layers lang ito.

Meron din akong veil pero kasing haba lang ng buhok ko 'yon.

Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso na ako sa kusina para magluto ng hapunan. Naglabas na ako ng mga ingredients at mga gagamitin kong pangluto at nagsimula na.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin akong magluto at kumain na kaming dalawa ni Zeke.

Pagkakain ay siya na ang naghugas habang ako naman ay dumeretso sa kwarto namin para magpalit ng mas komportableng damit.

Nagsuot lang ako ng sando at maikling shorts tsaka humarap sa human size mirror. Bahagya kong inangat ang sando ko para makita ang maumbok kong tiyan.

Napangiti naman ako habang hinihimas ang aking tiyan nang biglang pumasok si Zeke.

Nilapitan niya ako at niyakap patalikod.

"I love you, wifey."

Wow, change callsign.

"I love you too, my love."

...

"My goodness! Ang ganda mo, mare!" Tili ni Madi at niyakap ako.

"Hoy, Madison! Hinay-hinay lang!" suway ni Asha at natawa naman si Madi bago ako binitawan.

"Oh, Cathrina. Nakabusangot ka diyan?" tanong ko nang makita ko siyang tahimik habang inaayos ang suot ko.

"Oo nga. Kanina ka pa nakabusangot, para kang binagsakan ng langit at lupa," sambit naman ni Asha.

"Isama mo 'yung impyerno. Nahiya ka pa eh," pilosopo niyang sabi.

"Luh siya oh. Anong ganap sa buhay mo at nag d-drama ka, teh?" tanong ni Madi.

"Wala. Nag-away lang kami ni Manuel."

"Eh? Hindi pa rin kayo bati?" tanong ko.

"Girl, paano magbabati ang dalawang 'yan? Alam mo namang ang pride nitong dalawang ito ay kasing taas ng Eiffel tower," sarkastikong sambit ni Asha.

"Iyan ang sinasabi ko eh. Don't tell me, ako naman ang susunod," sambit ni Madi.

"Ay nako, mamaya na ang chikading, mga mare. Kasal ngayon ni Starley. Wag natin sirain," pag-iiba ni Cathy ng usapan.

Nauna na silang umalis dito sa hotel room ko dahil mauuna muna sila sa simbahan, malapit lang naman 'yon at pwedeng-pwede nga lakarin.

Humarap ako sa salamin habang nakaupo at napangiti na lang. Ilang oras na lang ay magiging Mrs. Velasquez na ako! 'Yung literal!

"Pasok!" sambit ko nang marinig ko ang pagkatok sa pinto.

Baka 'yung coordinator ko 'yon, kasabay ko kasi siyang pumunta sa simbahan.

Agad naman nawala ang ngiti ko nang makita ko siya sa reflection ng salamin.

"What are you doing here?" tanong ko at agad siyang nilingon.

"Do you really think that I will let you marry him? Bakit pa ako tumakas kung ganun?" blangko ang kanyang emosyon habang sinasabi ang mga iyon.

"April, nagmamakaawa ako sayo. Nanay ka rin, paniguradong ayaw mo mawalan ng ama ang anak mo."

"Oo nga, nanay din ako. Pero inagaw mo ang mahal ko."

"April, wala akong inagaw sayo. At 'yung bata, bakit hindi ang ama niya ang panagutin mo? Aralin mo siyang mahalin. Alam kong mahirap pakawalan ang nakaraan pero kung kinakailangan, let it go. Wala kang mapapala sa ginagawa mo, April. Please, let us live in peace."

"Peace? Sa langit lang may peace, Starley. Sa mundong inaapakan natin. There's only war and nothing more." Napa-atras ako nang maglabas siya ng patalim mula sa kanyang bag.

It's happening again.

"Please, April. Don't do this," pagmamakaawa ko.

Hind siya umimik at patuloy na humahakbang palapit sa akin.

"April, we will not sue you just let us go please!"

"April, please! Wag mong sasaktan ang baby ko. April, nanay ka rin! Intindihin mo naman ako!" nagsimulang tumulo ang luha ko.

"April, please!"

"Hindi gagana 'yan sa akin, Starley. Akin siya. Akin!" Sigaw niya at muntik na akong masaksak kung hindi ako nakaiwas.

Tumakbo ako papunta sa pinto pero nahila niya ang buhok ko.

"April, bitawan mo ako!" Sigaw ko habang pinipilit na abutin ang buhok niya.

"Ahhh! Sh*t!" Tili ko nang masugatan ako sa braso.

Siniko ko siya sa may tiyan kaya nabitawan niya ako pati ang kutsilyo. Pagbukas ko ng pintuan ay akala ko makakatakas na ako pero may naka-abang na lalaki sa labas.

Napa-atras ako sa takot habang siya naman ay pumasok sa kwarto at ni-lock ang pinto.

Si April naman ay nakabangon na rin at hawak na ang kutsilyo.

"P-please, let me go!"

"April, I'm begging you! Let us live in peace! Parang awa mo na, April!" I feel so hopeless!

"I can't. I can't let you live in peace, Starley. Zeke is only mine."

Then everything went black.

To be continued

The Bachelor's Wife For 60 Days ✓Where stories live. Discover now