Chapter 17: Behind Her Mask

16.7K 210 0
                                    

Chapter 17: Behind Her Mask


Hannah's POV:

Sinamaan ko naman ng tingin si Harold at pang asar na nakatingin lang ito sakin. Kanina pa kasi kami nag Air Hockey sa cellphone ko at kung sino man ang mananalo ay susundin ang pinag uutos ng mananalo. Sa kadugaan ng lalaking to, pag turn na ako na ang maglalaro ay kinikiliti nya ako.

"Ano Hannah? 8-5 na yung score hahabol ka pa ba?" pang aasar na tanong nya.

"Maduga kang lalaki ka, wala naman sa rules yung kikilitiin ah! Rematch tayo!" sabi ko at inilabas ulit ang phone ko.

Hinila naman nya ang phone sa kamay ko at saka kinikiliti ako mula sa bewang, kaya malakas na tawa ko ang nangibabaw sa kwarto. Paano naman kasi pinapauwi ko na sya sa kanila tapos eto nang hamon sya na maglaro kami nito. Nagpapalusot lang naman tong lalaking to para hindi sya umuwi sa kanila eh.

"Umuwi ka na nga dun sa inyo." Iretable na sabi ko.

Mabiilis naman nyang hinalikan yung labi ko at inis ko naman syang tinignan.

"Bakit ba pinapauwi moa ko eh nandito na naman ako?" sabi nya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo naman bahay to, ang kulit-"

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng bigla namang bumukas yung pinto at napalingon naman kami kay Hanzelle na galit na nakatingin sakin.

"Pwede ba Hannah, Harold hinaan nyo yung boses nyo? Kung ano ano naririnig ng bata sa inyo eh." Reklamo ito.

"Ano bang sinasabi mo Hans? Naglalaro lang naman kami ni Harold ng air hockey sa cellphone." Sagot ko sa kanya.

Pansin ko naman na napairap naman ito sa sinabi ko at binalibag ang pinto naming sa pagsara. Nilingon ko naman si Harold na nakangisi ito sakin at muli ay hinila ako papalapit sa kanya.

"Wag mo ng pansinin yun wala lang lovelife yung bestfriend mo." Aniya at saka hinalikan ako sa pisngi.

Kinurot ko naman sya sa tagiliran at masamang tinignan.

"Ang sama mo kay Hanzelle, tumayo ka na nga dyan at pupuntahan ko muna si Yanna sa baba."

Hector's POV:

Pasipol-sipol ako naglalakad sa hallway at bawat makakasalubong ko na babae ay napapatingin sakin kaya kinikindatan ko ito. Sinasamaan naman ako ng mga lalaking nakasama nila kaya nginingitian ko na lang. Halos hindi ko makalimutan ang ginawa ko dun sa Arnel na yun kanina at hindi ko maiwasang hindi matawa na lang.

Flashback:

Dahan-dahan ko naman na hinuhubad ang suot kong dress at itong Arnel na to ay tinanggal halos lahat yung suot nya at tanging natira lang ay ang suot nyang boxer shorts. Malapit na akong pumunta ng cr para sumuka dahil hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa ko. Alam kong pang r-18 scene na tong ginagawa ko pero ito lang naman ang naisip kong paraan para kumanta sya sakin. Hindi kasi ako sanay na nakikipagpisikalan sa iba lalo na dahil sa trabaho ko. Ayokong nasisira ang gwapo kong mukha.

"Excited ka na ba?" malanding sabi ko.

Nang tuluyan ko ng mahubad ang damit ko ay binato ko sa kanya yung monay na kanina pa nasa dibdib ko. Nanlaki naman ang mata nya at tumayo sa harap ko ngunit bago pa nya ako suntukin ay inunahan ko naman sya. Tinali ko naman ang kamay at paa nya gamit ang suot nyang damit.

"Tangina! Sino ka ba?!" galit na sabi nya habang nagpupumiglas ito.

Kinuha ko naman ang phone ko at inutusan yung assistant ko na kunin yung damit ko na naiwan sa loob ng cr ng mga babae. I gave her the details at wala pang isang oras ay nasa hotel na sya kung nasaan ako.

Fabricated HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon