Chapter 34: Baby Shower

11.2K 182 0
                                    

Chapter 34: Baby Shower


Hannah's POV:

Kasama ko ngayon si Hanzelle at humingi ako ng tulong sa kanya sa pagpili ng wedding cake. Hindi ko na kasi sinama si Harold dito at nag inisist na na ako na ang gagawa nito at ipapakita ko na lang sa kanya ng mga naging desisyon ko. Paano naman kasi minsan na nakausap namin yung wedding coordinator para pagpili ng venue at pagpili ng motif sa kasal namin. At eto lang naman ang sinabi nya sakin.

"What my wife wants, I will go for it."

Ayan kaya si Hanzelle na ang sinama ko dahil kahit papaano may suggestion na maibibigay sya sakin. Pakiramdam ko tuloy kami ni Hanzelle ang ikakasal at hindi ang tunay kong asawa. Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kahapon dahil sa ginawa nya. Pagkatapos nun humingi ng tawad sila Megan sakin dahil pagkakalat nila ng fake news, gusto pa nga sana ni Harold na hindi sila isama sa graduation eh. Pero hindi ako pumayag at pinatawad na lang si Megan dahil kahit papaano nageffort naman sya para lang makagraduate kahit na sobra ang pagigign inggitera nya.

Kaya ayun nag inisist si Mr. Olivares na mag ninong sa kasal namin dalawa ni Harold. Hindi ko ba alam kung pakunswelo yun dahil alam ko nahihiya sya sa ginawa ng unica hija nya.

"Nana, medyo boring yung cake, palitan mo nito para hindi naman ganun kaboring tignan." Sabi ni Hanzelle at tinuro nya yung may butterfly na design.

Napatungo naman ako sa sinabi nya sakin at umagree, buti na lang talaga kasama ko ito si Hanzelle kundi nagkanda letche letche na itong ginagawa ko. Halos lahat ng motif ko ay butterfly, mula sa invitation at hanggang sa give away. At naisipan ko rin na sa garden gaganapin ang wedding at may lumilipad na butterfly sa paligid. I really love butterflies dahil bukod sa maganda sila tignan sa mata and it symbolizes happiness and freedom.

"All set na Nana, ano pa bang kulang?" aniya at saka napahawak sa baba nya. "Anyways inivite ko na lahat ng pupunta sa baby shower mamayang 3pm? Si Harold anong ors ka susunduin dito?"

Nagkibit balikat naman ako habang tumitingin sa magazine dahil wala naman talaga akong idea kung anong oras sya darating dahil sabi nya may urgent board meeting sila. Kaya yun hinayaan ko na lang para wala na syang iisipin mamaya.

"Pambihira bakit hindi mo alam?" tanong ko sa kanya.

"Eh sabi nya may board meeting pa daw sya." Sabi ko habang hindi ako tumitingin sa kanya.

Napahilamos naman si Hanzelle dahil sa sinabi ko at saka inis na tumingin sakin kaya naman nilingon ko sya.

"O bakit may problema ba dun?" tanong ko.

"Wala umuwi na lang tayo para makapagready ka na." sabi nito.

Hindi ko na narinig yung pagbulong nya at hinayaan sya sa pagrereklamo nya. Paano naman kasi parang mamatay sya pag hindi nya kasama yung boyfriend nya eh araw araw naman silang magkasama. Tapos mamaya magkikita naman sila, hayss...

Bumalik na kami sa bahay at nakita ko naman na kinukulot na sya ngayon ni Mitch at nakabihis na sya sa cute na bistida nya na kulay lavender.

"Mimi!" tawag nya sakin kaya napangiti ako.

"Yannie wag kang malikot matatapos na tayo sa hair mo." Sabi ni Mitch sa kanya.

"Mag soshower lang ako Nana." Paalam ni Hanzelle at hindi ko naman ito pinansin.

Nilapitan ko naman ang anak ko ngayon at ang cute nya sa itsura nya ngayon. Nag insist na kasi si Mitch na ayusan si Yanna dahil aniya challenge sa kanya ang mag ayos ng bata.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now