Chapter 10: The Antagonist

19K 272 6
                                    

Chapter 10: The Antagonist


Hanzelle's POV:

"Can we talk privately?" tanong nya.

Malapit ko ng masapak tong katabi ko ngayon dahil sa pinag gagawa nya. Napantingin naman ako kay Henry na hinihintay ang premiso ko.

Sasagot sana ako ng unahan na naman ako ng magaling kong kapatid.

"Let us go? Di ba sabi mo sakin magshoshopping ka?" at saka naramdaman ko naman sinagi nya ng bahagya ang paa ko.

Siguro hindi muna ito yung oras para magusap kaming dalawa ni Henry. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni kuya ngayon pero siguro kailangan ko muna magcool down dahil medyo sariwa pa yung nangyari kanina. At isa pa baka napipilitan lang sya kausapin ako dahil naguguilty sya at iniisip nya na kaibigan din nya ako.

"Sige alis na tayo." Sabi ko sa kanya at saka tumayo na ako at sumunod naman si Henry.

"Pre tsaka na lang kayo magusap medyo wala sa mood to eh. Ingat ka ah." Paalam ni Hector kay Henry.

Tinalikuran na naming sya at nakatitig lang sya sa pagkain nya, tumingin naman ako kay kuya na ngayon ay pangiti ngiti lang sakin.

"Pambhira si Peralta hanggang ngayon pikon pa rin sakin tsk tsk tsk..." at saka nag pailing iling naman ito.

Binatukan ko naman sya kaya napadaing naman ito.

"Nakakdiri ka kanina, hindi ko ba alam kung bakit kilig na kilig yung mga babae sayo eh parang manyak naman yang mga galawan mo." Inis na sabi ko.

"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita my dear sister!" aniya habang nakahawak sya sa kanyang dibdib.

Nairap na lang ako at saka pumara na ako ng taxi pauwi. Hindi na nya ako sinundan at nakita ko naman na kumaway naman ito mula sa malayo. Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cellphone ko at sa isang mensahe naman ang nareceive ko sa isang unregistered number.

From: +69*********

Ingat ka sis! Magkita na lang tayo sa bahay mamaya. Labyu.

Hindi ko na nireplayan si Hector dahil nandidiri pa rin ako sa pinag gagawa nya sakin. Sa ngayon kailangan ko lang magpahinga at magfocus muna ako sa sarili ko.

Tama yan Hanzelle hindi puro lalaki yang nasa isip mo.

Helena's POV:

"Hija..." napalingon naman ako ng tawagin ako ni Mama.

May inabot naman sya sakin litrato ng isang bata kaya napataas ako ng kilay sa kanya.

"Sino naman tong batang to?" tanong ko at saka binaba ko ang hawak kong baso ng wine.

Sarcastic namang ngumiti sakin si Mama at saka umiling iling ito sakin. Feeling ko talaga para may nalaman na naman sya na hindi ko nalalaman kaya ganyan sya.

"That brat? Anak ng fiancée mo dun sa ex-wife nya." Aniya.

Napatiim bangang naman ako habang tinitignan ang litrato na iyon, paano magiging anak ni Harold yun eh sinabi nya na wala silang anak ng bitch na yun?

"Sa kapabayaan mo tignan mo ang nangyari, makukuha ng batanga yan lahat ng pinaghirapan natin. Trabahuin mo yan at wag kang babalik dito na walang maganda balita." Galit na sabi nya sakin.

"Teka Ma alam ba ni Tita Matilda ang tungkol sa batang to?"

Umiling iling naman si Mama at saka sumimsim sa kanyang ininom.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now