Chapter 2: No Way

29.9K 510 27
                                    

Chapter 2: No Way


Hannah's POV:

It is just an ordinary day at syempre nalalapit na ang midterm kaya kailangan ng mag aral. Busy ang mga estudyante ngayon at as usual todo sunog ng kilay si Hanzelle ngayon. Tinitignan ko lang sya habang kagat kagat nya ang tip ng lapis nya. Sya lang naman tong grade conscious saming dalawa.

"Medyo na nakakailang yang tingin mo sakin Nana, nagagandahan ka ba sakin?" tanong ni Hanzelle habang hindi nakatingin sakin.

Napairap naman ako sa sinabi ni Hanzelle at binato ko sa kanya ang eraser na nasa harap ko. Napailing na lamang sya at tinuton ulit ang pansin sa pag aaral. Saktong paglingon ko bigla naman pumasok si Ma'am Reyes at naka ayos ito. Napataas naman ako ng kilay at hindi ko alam kung anong gimik na naman ang naisip tong propesor ko.

"Good morning class!" bati nya.

Sumagot naman ang mga kaklase ko sa pagbati nya ngunit samantalang ako nakahalumbaba at hinihintay na lang ang mga susunod na mangyayari.

"Nakalimutan ko pala na sabihin sa inyo na ngayon ang huling araw ko bilang isang professor sa school na ito." Panimula nya.

Parang kahapon lang narinig ko ang chismis tungkol sa pag alis nya, pero hindi ko naman inaasahan na biglaan ang last day nya. Baka naman hindi talaga sya magreresign? Or na suspend sya? Whatever, its none of my business after all.

"Since this is my last day, I will introduce to you guys your new Science instructor."

Effort naman na pumunta pa si Ma'am Reyes sa pintuan at pinagbuksan yung bagong prof namin. Halos matumba ako sa kinauupuan ko kung sino ang iniluwa ng pinto na iyon.

Hindi pwede to!

Nagkatinginan pa kami ni Hanzelle at saka ibinalik ko ang tingin sa lalaking nakatayo sa tabi ni Ma'am Reyes. Nagkasalubong naman ang tingin naming at agad naman akong umiwas ng tingin. Tangina paano nakapasok tong lalaking to dito?

"This is Harold Del Valle your new Science instructor, please be nice to him." pakilala ni Ma'am Reyes.

Nagbow pa sya sa harapan naming kaya napacross arm naman ako sa ginawa nya. Tss so buong semester naman ako magtitiis sa lalaking to. Gusto kong tanungin si kuya tungkol dito ngunit hindi ko naman makakausap yun dahil alam ko na maraming ginagawa yun.

"Aalis na ako guys dahil ngayon ang flight ko, mamimiss ko kayo lalo na si Ms. Gonzales."

Napatingin naman ako ng banggitin ni Ma'am Reyes ang pangalan ko. Kahit clueless akong kung anong dahilan ng pagkamiss nya sakin hindi ko na inintindi yun. Mas inintindi ko ngayon ang taong syang tatayong instructor ko ng buong semester.

"Ehem." Tikhim nya at nakuha naman nya ang atensyon ng mga kaklase ko.

Sa hindi ko malaman na dahilan bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakainis bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nevermind, act like a professional Hannah.

"Bago ko simulan ang naiwang lesson ni Ma'am Reyes pwede ba kayong magpakilala isa isa sakin?"

Umigay naman ang klase dahil sabay sabay na sumagot yung mga kaklase ko sa tanong nya. Pilit ko naman hindi pinapansin ang presensya ni Harold sa harapan ko ngayon. Tila ba nabablanko ang aking utak sa mga nangyayari.

"Just say your name, age and status. Start with you." Aniya sabay turo dun sa lalaking nasa harapan nya.

"Girl ok ka lang?" bulong ni Hanzelle sakin.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now