Chapter 12: Pinky Promise

16.1K 249 6
                                    

Chapter 12: Pinky Promise


Harold's POV:

"Pinatawag nyo raw ako." Sabi ko nang makapasok na ako sa loob ng opisina ni Mama.

"I heard na dinidate mo yung Hannah Gonzales na yun hijo. Akala ko ba may kasunduan tayong dalawa?" galit na sabi nya.

"Ma, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako papaya sa mga desisyon nyo? Mahal na mahal ko si Hannah mama kaya please hayaan mo na kami."

Bigla namang may hinagis si Mama sa harapan ko at dinampot ko naman ang litrato ng isang bata.

"Yang batang yan anak ni Hannah yan sa ibang lalaki- "

"Ma ano bang sinasabi nyo? Baka sinisiraan nyo lang ulit sakin si Hannah?"

"Hijo kung sa palagay mo na sinisiraan ko si Hannah sayo nagkakamali ka. Nandito ako para pigilan ka dahil nung umalis ka wala kang naging anak sa kanya. Matagal na panahon kang nawala kaya maaring humanap sya ng kaligayahan sa iba."

Napailing iling na lang ako kay mama at halos hindi ko matanggap ang mga sinasabi nya sakin. Pero kung totoong nga anak to ni Hannah, kailangan ko syang tanungin tungkol rito. Alam ko naman na malaki ang galit ni Mama sa mga Gonzales at hindi ko talaga alam kung saan nya nalaman ang tungkol rito.

Bigla namang umalis si Mama sa harapan ko at iniwan akong tulala sa kawalan, napatingin naman ako sa larawan na hawak ko. Habang tinitigan ko ang larawan na iyon ay iba ang pakiramdam na nararamdaman ko. Mahirap mag hinala kaya mas mabuting siguro tanungin ko na lang si Hannah.

Tumayo naman ako at napagdesisyunan ko na lamang na puntahan na lang si Hannah at tanungin ang tungkol sa batang ito. Kung sakali mang totoo ang sinasabi ni Mama tungkol dito kailangan ko ng tigilan si Hannah.

Nakarating na ako sa university at naririnig ko naman ang iilang bati ng mga estudyante sakin. Papasok na sana ako ng makita ko naman sa malayo ang isang malaking van, saktong pagbaba nito ay nakita ko naman si Hannah at yung bata sa picture. Nagtago naman ako sa isang gilid para hindi nila ako makita at halos mapakuyom ako ng kamay at maaring totoo ang sinasabi ni Mama sakin.

"O papasok na si Mimi ah magbehave ka kay Yaya ok, and wag mong kukulitin si Tita Hans mo at busy yun." Pangaral nya.

Halos hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko yung bata. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, gusto ko silang lapitan at tanungin si Hannah kung kaninong anak ang batang yan.

"Yes Mimi, and don't forget may ice cream later." Matinis na sabi nung bata.

Hinalikan naman ni Yanna ang pisngi nung bata at natawa naman ako ng punasan ng bata ang kanyang pisngi. Kaugaling kaugali ni Hannah yung bata.

"O sya aalis na si Mimi malalate na ako ok? Behave at wag kang pupunta sa kung saan saan ah, maraming monsters dyan." Aniya at saka tinalikuran yung bata.

Lumabas naman yung katulong at inilabas yung maliit na lamesa at upuan sa bata, kasunod nun ang isang stuff toy na binigay ko sa kanya. Napalunok naman ako at saka nilapitan ko yung bata.

"Don't go anywhere Yanna ah, magluluto lang ako sa loob ok?" sabi ng katulong sa kanya at tinalikuran ito.

"Okay~" sagot nya at isa isa naman nyang inilabas mula sa bag nya ang mga laruan nya.

Unti-unti naman akong lumapit sa bata at busy lang ito sa paglalaro nya. Napansin nya siguro ang pagdating ko kaya naman napakunot ito ng noo sakin.

"You need anything mister?" tanong nya sakin.

Ngumiti naman ako at saka lumuhod ako sa harapan nya.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now