Chapter 24: Revelation

12.6K 204 1
                                    

Chapter 24: Revelation


Hannah's POV:

Napakurap kurap naman ako at napatingin naman ako sa paligid ko. Nakita ko naman si Yanna na nag aalalang nakatingin sakin kaya nilingon ko ito.

"Mimi? Tita Hans gising na si Mimi!" tawag ni Yanna kaya napalingon naman sakin si Hanzelle at agad na lumapit.

"Ok ka na ba? Teka tawagin ko lang yung doctor." Aniya at saka iniwan muna kami dun.

Hindi ko namalayan na nawalan ako ng malay pagkatapos ko makita ang pangyayari yun. Gusto ko ng kalimutan ang mga nakita ko ngunit paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang mga nasaksihan ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko at halos mapahikbi ako dahil mukhang ang kinakatakutan ko ay mangyayari na naman.

"Mimi why you crying? May masakit ba sayo?" tanong ng anak ko na umiiyak na rin sa gilid ko.

Pinunasan ko naman ang luha ko at saka ngumiti sa kanya. Pupunasan ko rin sana yung luha ng anak ko ng bigla namang pumaosk yung doctor at agad na chineck ako. Pagkatapos ngumiti naman samin yung doctor.

"The baby is ok pero hija iwasan mo muna ang magpuyat at makakasama sa iyo yun. Much better na bumisita kayo sa OB para sa vitamins mo." Sabi nya.

"Is my baby brother is safe?" tanong ni Yanna.

Ngumiti naman yung doctor sa kanya at ginulo ang buhok nito.

"Yes big girl safe si baby brother kaya alagaan mo si Mommy ok?" at saka tumingin naman sakin. "Maiwan ko na muna kayo..."paalam nya.

Umalis na naman yung doctor sa harapan namin at saka nakangiti si Yanna sakin at niyakap ang tiyan ko.

"Hi baby brother." She said.

Napatingin naman kami ni Hanzelle at napangiti sa ginawa ni Yanna.

"Mimi alam na po ba ni Didi ito?" tanong nya

Napalunok naman ako at hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin kay Harold ang tungkol rito. Siguro nag pauto na naman ako sa mga sinabi nya sakin at sana hindi na lang ako nagtiwala sa kanya. Eto rin yung panahon na kailangan na kailangan ko sya pero wala sya sa tabi ko. Naawa na lang ako para sa anak ko dahil maiiwan na naman kami.

"Mimi, wee wee lang po ako." Paalam nya.

Sumeryoso naman ng tingin si Hanzelle sakin at saka dahan-dahan na tinanggal nya sa harapan ko yung contact lens na suot nya. Nagulat naman ako ng makita ang tunay na kulay ng mata nya at saka ngumiti sakin.

"Sorry Hannah matagal ko ng tinago sayo ito." Sabi nya.

Yung mata na nya parang nakita ko na sa kung saan.

"Ito talaga ang tunay na kulay ng mata ko, tinatakpan ko lang ng contact lens para hindi mo mapansin na isa rin ako sa secret agent na hinire ng kuya mo." Paliwanag nya.

Naguguluhan naman ako sa mga sinasabi nya sakin ngayon at halos hindi ko madigest ang mga sinasabi nya. Sa tagal na kasama ko si Hanzelle hindi ko aakalain na isa sya sa mga nagbabantay samin ni Yanna. Ang akala ko kapatid lang sya ng kaibigan ni kuya at pinatira sa bahay dahil wala syang matutuluyan pero nagkamali pala ako.

"Pasensya na kung ngayon ko lang sinabi sayo to, medyo wrong timing pa nga kasi nagdadalang tao ka pa ngayon. Hinabilin kasi sakin ni Kuya Hiro na wag sabihin saiyo ito at palihim na bantayan kayong dalawa."

"Kung ganun? Sino ka ba talaga?" naguguluhanng tanong ko sa kanya.

"Im Hera's daughter." She simply said.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now