Chapter 23: Indirect Kiss

11.8K 178 1
                                    

Chapter 23: Indirect Kiss


Hanzelle's POV:

"Ano ba naman yang pabango mo Hans masyadong matapang! Ang sakit sa ilong!" reklamo ni Hannah sa gilid ko at maarteng tinakpan ang ilong nya.

"Huy ano ka ba? Ikaw ang naregalo sakin ng pabango na ito tapos nagrereklamo ka dyan?" sabi ko.

"Ganun ba? Bakit ganyan katapang?" aniya.

Ewan ko sayo Nana.

Naiinitindihan ko na kung bakit laging sinasabi ni Yanna na weird ang kinikilos ng Mommy nya. Napangiti na lang ako dahil iritang-irita si Yanna habang tinitignan si Nana na marami ang kumain. Pinaalala pa nito sa kanyang ina na nagdidiet ito pero end up tatarayan nya si Yanna at itutuloy ang kinakain nya.

Nung nakaraan yung binilhan ko sya ng dalawang pregnancy test para masiguro na talaga nagdadalang tao sya. At ayun pareho lang ang lumabas na resulta dun sa pregnancy test, nung una umiiyak pa sya dahil hindi nya alam kung paano sasabihin sa asawa nya ang tungkol sa piangbubuntis nya. Alam ko naman na iniisip nya na baka iwanan sya nito ulit tulad ng nangyari sa kanya noo nung pinagbubuntis nya si Yanna.

Tinago muna naming sikreto ang pagbubuntis nya at ayaw nya na munang ipaalam ito. Lalo na ngayon na masyado syang maraming iniisip at makakasama yun sa baby nya.

"Yanna wag kang sumimangot dyan at ubusin mo yang kinakain mo." Sabi nya kay Yanna na ngayon ay naka nguso na.

Ayaw na ayaw talaga ni Yanna yung broccoli dahil hindi nya gusto ang lasa nito. At naawa na lang ako sa bata dahil mukhang pinaglilihian sya ng kanyang ina. Nginitian ko naman si Yanna at kinuha yung plato nya at saka inabot kay Yanna.

"Tapos ka na ba? Malalate na kami ni Tita Hans mo." Sabi nya at naunang tumayo at pumunta na sa van.

Tinignan ko naman si Yanna na nakanguso ito at tinitignan ang kanyang ina na naglalakad palayo.

"Tita Hans why Mimi is acting like that? Ang nagger na ni Mimi."

Lumuhod naman ako sa harapan ni Yanna at inayos ang buhok nya.

"Yanna , itindihin mo na lang si Mimi ok? Darating na soon yung baby brother mo."

Malaki ang ngiti sakin ni Yanna at sabay naman kaming napalingon ng tinawag na kami ni Hannah. Tumingin naman sakin si Yanna at saka ngumiti ito.

"Talaga Tita Hans? When?" masayang tanong nya.

"After 9 months Yanna." Sabi ko.

Nagnod naman sya at saka hinawakan ko ang kamay nya habang naglalakad papalapit sa kanyang ina. Alam ko naman na hindi maiintindihan ni Yanna yung ibig kong sabihin, ang alam nya lang darating yung baby brother nya yun lang. Pero hindi nya maiintindihan na nagdadalang tao ang Mommy nya.

Malungkot naman akong napatingin sa kanila dalawa at saka tinignan si Nana na ngayon ay natutulog. Kailangan ko ng mag-ingat sa mga gagawin ko.

Hector's POV:

Panibagong araw na naman ngayon papasok sa trabaho ko at as usual marami na namang token of apprieciation ang nasa lamesa ko. Take note puro Starbucks pa ang mga kape na nasa ibabaw ng lamesa ko. Inisa -isa ko namang tinignan ang mga kape na nandoon at may mga pangalan na nakasulat sa baso nito. Hanggang sa mapansin ko ang may nakalagay na pangalang Remie kaya kinuha ko naman iyon at ininom na. Pinamigay ko naman ulit yung mga natirang kape sa maintenance team.

Akala ko pa naman macchallange ako sa kanya pero bibigay din pala

Halos mangalahati na ako sa iniinom kong kape nang mapansin ko naman na galit na nagpalinga-linga si Remie.

"Where the hell is my coffee?!" galit na galit na sambit nya.

Muli naman akong napatingin sa kapeng hawak ko at napansin ko naman ang tingin ni Remie sakin at galit na nilapitan ako nito. Ngumisi naman ako ng makalapit na sya at ininom ko ulit sa harapan nya ang kape.

"Eto ba yung hinahanap mo?" tanong ko sa kanya at muling ininom ang kape.

Galit naman syang tumingin sakin at saka tinaasan ako ng kilay.

"Wala ka bang pambiling kape? Bakit mo kinukuha ang kape ko?" galit na sabi nya.

"Oh easy missy!" sabi ko at saka inilpag muna sa lamesa ang kape na hawak ko. "Ako dapat ang magtanong sayo nyan, bakit nasa lamesa ko ang kapeng yan? Isa ka rin ba sa mga secret admirers ko?"

May nilingon naman sya at napansin ko naman na nagtago ang dalawang lalaki ng makita si Remie.

"Marion! Pinagtitripan nyo ba ko?!" galit na sabi nya.

"Ms. Aquino, medyo hinaan mo ang boses mo at naabala ang ibang stuffs." Pang aasar ko sa kanya.

Bored naman akong nilingon nito at saka inis na tinignan ako nito. Inis naman nyang kinuha yung kape na nasa lamesa ko at ininom ito sa harapan ko.

"Pasensya na sir pero masyado kaso akong practical kaya kukunin ko na lang ito." Sabi nya at saka tinalikuran ako.

"Ms. Aquino, baka nakakalimutan mo na ininuman ko na ang kapeng yan?" I tease.

Napahinto naman ito sa sinabi ko at saka muli akong nilingon at lumapit ulit sa akin.

"How is it? Masarap ba? Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga indirect k-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla naman nyang sinaboy sa mukha ko yung kape. Napasinghap naman yung mga nasa tabi ko at saka napanganga sa ginawa nya.

"Wag mo kong pagnasaan at hinding-hindi kita magugustuhan." Sabi nya at saka tinalikuran ako.

Inabutan naman ako ng isang stuff nung panyo at pinunasan ko ang mukha ko. Sinamaan ko naman ng tingin yung iba kaya kanya kanya naman silang bumalik sa mga ginagawa nila. Napasinghap naman ako at tinignan mula sa mayo si Remie na suot na ngayon ang earpods nya. Ngumisi naman ako at saka napailing na lang.

Talagang mapapalaban ako sa kanya.

Hannah's POV:

"Hans ihanap mo nga akong Lomi please." Pagmakaaawa ko kay Hans habang inilapag nya sa harap ko ang mga pinabili kong pagkain.

Napakamot naman ito at saka namayawang sa harapan ko.

"Nana! Kanina Mais! Tapos chilled taho, pancake, tapos anong sunod? Lomi? Baka may hinanahanap ka pa?" iretableng sabi nito.

Baliw tong babaeng to nagpresinta na bilhan ako ng pagkain tapos ngayon nagrereklamo na. Hay nako.

"Mimi kinakawawa mo si Tita Hans, look at her she's tired na." sabi ni Yanna habang inaabutan yung tita Hans nya ng panyo.

Napairap naman ako at kinuha ko naman ang wallet ko at napagdesisyunan ko na ako na lang maghanap nung Lomi. Napabuntong hininga na lang ako habang hawak ko ang tiyan ko.

Ano ba naman yan nak? Ano ba gusto mo kainin? Nagagalit na si Ate Yanna at Tita Hans mo sakin.

Nasa cafeteria na ako at bumili ako ng kung ano ano like ginataang mais, sago't gulaman, queck-queck at puto seko. Takam na takam naman ako at nakalimutan ko na yung Lomi at masaya naman akong kinakain yung mga nabili ko.

Ayan anak baka maghanap ka na nandyan na lahat.

Ganito rin ako nung nagbubuntis ako Yanna at ayaw na ayaw ko yung amoy nung toasted bread noon. Medyo nahihirapan pa si kuya Hiro sa pag aalaga sakin dahil ang dami kong hinahanap na kung ano ano. Kaya nung lumaki ayun, napaka mapili sa pagkain.

Sa gitna ng pagkain ko nakita ko naman si Harold na naglalakad na napamulsa. Ngumiti naman ako at lalapitan ko sana ng makita ko naman na lumapit sa kanya ang isang babae. Yung fiancée nya at sya masayang naglalakad.

Nakatayo naman ako sa malayo at nakita ko naman na naka hawak sya dun sa bewang ng babaeng hitad na yun.

"Uy Hannah, hindi ka na- Teka ayos ka lang ba? Shit bakit umiiyak ka?" tanong nya.

Napatingin din si Hanzelle dun sa tinignan ko at narinig ko naman na mahinang napamura ito. Susundan ko sana sila ng bigla namang dumili ang paningin ko,

"Nanaa!" tawag ni Hanzelle.

And everything was black. 

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now