Chapter 15: Bonding

16.1K 238 3
                                    

Chapter 15: Bonding


Hannah's POV:

Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko at hindi ako mapakali sa pwesto ko. Paano ba naman kasi dito natulog si Harold dahil sa kagustuhan ni Yanna. Umapela naman ako sa kagustuhan ng bata kaso...

Flashback:

Tinulungan naman ako ni Hanzelle para matapos na yung niluluto ko sinabihan naman ako nito na mauna na kaming kumain nila Yanna at sususnod na lamang sya. Dahilan nya kailangan nya mag aral sa Trigo at may exam bukas. Napailing na lamang ako sa pagiging grade conscious nung kaibigan ko at hinayaan na lamang sya sa gusto nya.

Tinawag ko na naman yung dalawa para kumain na at sumunod naman yung dalawa. Pasiglit ay tumawag naman si Kuya sakin at tinatanong kung nahanap na si Yanna. Sumagot naman ako at saka binaba na agad nya yung tawag dahil may gagawin pa ito. Nakita ko naman yung dalawa na nakaupo na sa lamesa kaya isinali ko na yung ulam sa isang malaking mangkok.

Sa kalagitnaan ng pagkain naming, pansin ko naman na ngumuso si Yanna kaya napatingin sakin ito.

"Mimi, pwede ba akong matulog sa tabi mo?" paalam nya.

"Sige." Sagot ko.

Naisip ko na lang na sa kwarto na lang ni Yanna matulong si Harold at dun muna sya magpalipas ng gabi. Pero napansin ko naman na nagkatinginan yung mag ama kaya ngumuso ulit si Yanna sakin.

"Mimi..." tawag nya ulit. "Gusto ko po katabi si Didi." Dagdag nya.

Napahinto naman ako sa pagkain at sinamaan ko naman ng tingin si Harold. Umiling naman sya at sinasabi na walang syang alam sa sinasabi nung bata.

"No Yanna, doon matutulog si Didi sa kwarto mo." Sabi ko.

Ngumuso naman si Yanna at saka humihikbi na naman ito at kasabay nun na pumalahaw naman sya ng iyak. Agad naman syang inalo ni Harold at yumakap ito kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Dinadaan mo naman sa bata yang mga hokage moves mo ah." Sabi ko.

"Teka Nana wala akong alam dyan sa sinabi mo."

Mas lalo naman lumakas yung iyak ni Yanna kaya napabuntong hininga naman ako.

"Sige na sige na tatabi na si Didi satin." Sabi ko.

Bigla naman syang huminto sa pagiyak at pinunasan ang kanyang luha.

"Really Mimi?" masayang sabi nito. "Walang bawiin po yan ah!" aniya at saka tumakbo ito palayo.

"Yanna!" tawag ko pero nakalayo na yung bata.

Sinamaan ko naman ng tingin si Harold at iniwan sya sa habang kainan. Pambihirang bata to.

End of Flashback.

Dahil sa hindi makatulog ay bumagon naman ako at pumunta sa kusina para uminom ng gatas. At isa pa init na init ako dahil siksikan kami sa kama. Nilingon ko na muna ang mag-ama sa gilid ko at tila parang ayaw umalis ni Yanna kay Harold. Ngumiti na lamang ako at napailing na lamang at bumaba para uminom ng gatas.

Hindi ko binuksan ang ilaw sa paligid at tanging ilaw ng lampshade lang ang nakabukas. Muntikan pa akong matalisod dahil hindi ko napansin na may isang hakbang pa pala sa hagdan. Nang makarating na ako sa kusina ay binuksan ko naman yung ref at kinuha yung gatas sa loob. Hinayaan ko naman nakabukas yung ref at saka uminom ako ng konti. Nagulat naman ako ng may yumakap mula sa likuran ko.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now