Chapter 11: Ferris Wheel

17.9K 259 5
                                    

Chapter 11: Ferris Wheel


Hector's POV:

Masyadong masaya ang araw ko dahil sa mga nangyari ngayon ata halos hindi ko maipinta ang pagmumukha ni Peralta dahil sa mga sinabi ko. Alam ko naman na noon palang ka kumpitensya na ang tingin nya sakin pero hinayaan ko na lang yun. Sabihan nyo ng masama ang ugali ko pero natatawa lang talaga ako sa tuwing iniisip nya na aagawin ko ang lahat sa kanya.

Isa pa tong kapatid ko, sinabihan ko na mag aral ng mabuti at gawin ng maayos ang trabaho nya pero mas inaatupag nya ang pagpapantasya nya dun sa Peralta na yun. Alam ko naman na hindi maiiwasan ang mainlove sya pero isang pagkakamali na ang katulad nya ay hindi dapat nag hahabol sa isang babae. Hindi nya ako gayahin ako ang hinahabol ng mga babae. *smirks*

Bago nga pala ang lahat, kaya ako narito at bumalik ng Pilipinas dahil hindi pa ako tapos sa trabaho ko. Napagusapan na naman namin ni Hiro ang tungkol rito dahil inaalam pa namin ang sangkot sa pagkamatay ng mga magulang nila. Iilan lang naman sa mga nakalap na impormasyon ko eh ang pagkasangkot ng mga Jaramilla sa nangyaring insidente. Kung hindi nyo rin pala tatanungin isa nga pala akong napagandang lalaking talented at astig na detective.

Pauwi na sana ako ng mahagip ng mga mata ko si Helena na papasok ng kanyang kotse. Palihim ko naman syang sinundan kung saan sya pupunta. Aaminin ko na naging sunod sunuran kay kay Helena dahil dati kong syang nobya, pero hindi ko naman inaasahan na ginagamit nya lang ako para makakuha ng impormasyon kay Harold. Alam ko na naging pabaya ako sa mga nangyari pero ngayon hindi ko na hahayaan na maulit yun.

Huminto naman ang kanyang kotse sa harap ng isang hospital kaya dali dali ko naman igilid ang aking kotse at saka sinundan ko sya papasok. Pansin ko naman na nagpalingon lingon pa ito sa gilid bago ito pumasok sa isang pribadong kwarto. Susundan ko sana sya ng maramdaman ko na may baril na nakatuktok sa leeg ko.

"Gotcha." Bulong nya.

Ngumiti naman ako at nilingon ko sya hindi pa rin talaga nagbabago ang kagandahan nya pero nagbago na ang paguugali nya. Iniisip ko tuloy paano ako nainlove sa babaeng to eh may sa demonyo ang pag uugali.

"Welcome back my dear Hector, alam ko na namiss mo ko pero bakit kailangan nasundan mo pa ako rito?" sarcastic na tanong nya pero nakatutok pa rin sa kin yung baril.

Napatingin naman ako sa Ziploc bag na hawak nya at pansin ko na may isang hibla ng buhok ito sa loob. Binalik ko naman ang tingin sa kanya at saka ngumisi ako tsaka dahan dahan na tinabig ang baril na hawak nya.

"Dahan-dahan ka sa pagkalabit mo at may sa demonyo yang baril na hawak mo." Nakakalokong sabi ko.

Matamis na ngumiti lang ito sakin at mariing nakatutok ang kanyang baril sakin. Pansin ko naman walang masyadong tao sa paligid kaya malaya nya nagagawa ito.

"Ano yang hawak mo?" pakunwaring tanong ko sa kanya at agad naman nyang itinago ito sa kanyang likuran.

"Wala ka ng pakialam kung ano ang hawak ko- AAHH!!"

Agad ko naman inikot ang kanyang braso at idinikit sa kanyang likuran kaya tumilapon ang hawak nyang baril. Kinuha ko naman ang hawak nya at saka tinignan ito.

"Bitiwan ko nga ako! Nasasaktan ako ano ba!" pagpupimiglas nya pero hinayaan ko lang sya.

Nakita ko naman na isa itong DNA test para kay Yanna Del Valle at ang isa naman ang kay Harold. Binulsa ko naman ito at saka binitiwan sya.

"Ang hilig mo talagang mangielam sa mga ginagawa ko!" galit na sabi nya.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." Sabi ko at saka tinalikuran ko naman sya.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now