Chapter 4: She Asked

25.1K 376 13
                                    

Chapter 4: She Asked


Hanzelle's POV:

"Tita Hanzelle sabi mo dapat 5 nandito na si Mimi? Bakit wala pa sya rito?" tanong ni Yanna habang nakadugaw sa kanyang bintana at hinihintay ang kanya ina.

Napakamot na lang ako ng ulo at hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya na nakiusap ang Daddy nya sakin na kausapin ang Mommy nya. Kahit pa labag sa loob ko yun ginawa ko pa rin kasi alam ko na kailangan nila ng closure sa isa't-isa.

Flashback:

Pagkalabas na pagkalabas ni Nana ramdam ko ang nakakabinging katahimikan sa classroom. Tulala lang si Harold sa sinabi ni Hannah sa kanya. Hindi ko iniexpect na lala ang away nila dahil lang sa isang simpleng bagay. Paano naman kasi ang hirap gisingin ni Nana kanina aya tuloy nag away pa silang dalawa.

"Ireview nyo na lang ang DNA and RNA ngayon araw. Dismissed." Sabi ni Harold at narinig ko naman ang iilang reklamo ng mga kaklase ko.

Palabas pa lang ako ng kwarto ng tawagin ako ni Harold kaya napatingin ako sa kanya. Hinihintay ko lang ang sasabihin nya sakin.

"Pwede ko bang makusap si Nana kahit saglit?" pakiusap nya ngunit tinaasan ko lang sya ng kilay sa sinabi ko. "Alam ko hindi mo basta basta ipagkakatiwala sakin ang kaibigan mo pero kailangan ko lang talaga syang makausap."

Bumuntong hininga na muna ako at saka inayos ang aking salamin bago magsalita.

"Hindi ko alam kung nasa posisyon ba ako na sabihin sa iyo ito, pero wag kang masyadong mapangasar dahil hindi ka talaga titigilan ng kaibigan ko."

"Alam ko I was just trying to get her attention- "

"And one thing hindi na sya ang Hannah na kilala mo noon Harold. If you want to make up with her, treat her nicely. Hindi na kayo bata."

Umalis na ako pagkatapos nun at agad na umuwi na lang sa bahay.

End of Flashback

"Medyo na late lang mimi mo Yanna, tara laro na tayo maganda tong bagong laro sa play station." Pag aaya ko dun sa bata pero hindi nya ako pinansin.

"Tita Hans I have a question."

"Yes, baby girl?"

"Why my Mimi is always crying?" tanong nya na syang ikinataas ng kilay ko.

Umiiyak na naman si Nana? Sabi na nga dapat hindi ko na ipinagkatiwala si Hannah kay Harold eh.

"Anong ibig mong sabihin na laging umiiyak ang mommy mo?"

Nilingon naman nya ako at kinuha ang isang unan sa kanyang kama.

"Lagi kasing yakap ni Mimi tong pillow na to and when I ask her what's wrong, she always says that wala lang, ok lang ako. Tapos sasabihin nya matulog na daw ako eh paano ako makakatulog kung umiiyak sya."

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti sa sinabi nya sakin. Masyadong observant talaga tong si Yanna ni kahit katiting na detalye nalalaman nya pa. Hindi na ako magtataka kung bakit mag ina nga sila ni Yanna dahil pareho sila ng pag uugali.

Lumuhod naman ako harap ni Yanna para magkasing pantay kami. I caress her face at saka ngumiti ako sa kanya.

"Why do you think people cry?" I ask.

"Because they hurt?" inosenteng tanong nya sakin.

"Yes, kailangan kasi ni Mimi mag cry para mawalan na yung pain na nararamdaman nya."

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now