Chapter 19: Revenge

14.3K 196 5
                                    

Chapter 19: Revenge


Hector's POV:

Sinundan ko naman si Hanzelle gamit ang kotse ko, muntikan pa nga akong mawala sa patingin nya dahil ang bilis nya tumakbo. Huminto naman ako at bumaba sa kotse ko para lapitan sya ngunit may lalaki syang nakabangga kaya huminto ako. Nagulat pa ako ng makabangga nya si Peralta pero hindi nya pinansin yun at tumakbo ito palayo.

Napailing na lang ako at saka bumalik sa kotse ko para habulin sya ulit. Lumiko naman ako sa may intersection at agad ako napapreno ng bigla syang sumalubong. Huminto naman ito kaya hinihinto ko rin ang kotse ko at bumaba sa kotse.

"Kuya papatayin mo ba ako!" galit na sambit nito.

"Chill sis! Sinundan kita rito baka habulin ka ni Matilda dahil sa ginawa mo kanina." Sabi ko sa kanya.

Umiwas naman sya ng tingin at tinanggal ang suot nyang hoodie. Hindi ko naman maiwasang hindi mamangha sa kanya dahil halos kopyang kopya nya ang kilos o galaw ni Mama. Napangiti na lang ako sa ginawa nya at saka inakabayan ito.

"Cottonmouth is back." Masayang sabi ko.

"Pero hindi ako si Cottonmouth kuya." Sagot nya.

Huminga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi nya, nilingon naman nya ako at diretso nakatingin sakin.

"Buo na ang desisyon ko kuya, hayaan mo akong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mama." Aniya at pansin ko na napakuyom naman ito ng kamao.

"I know pero magpadalos-dalos ka sa mga gagawin mo at baka mapahamak ka sa gagawin mo." Paalala ko sa kanya.

"Alam ko kuya kaya nag iingat ako. Sige babalik na ako sa bahay ikaw na munang bahala sa mga baril na to." At saka hinagis sakin yung baril na galing sa hita nya.

Harold's POV:

Pagkatapos naming mamasyal hinatid ko muna sila Hannah sa bahay, tinataboy na ako ng asawa ko pero yung anak ko ayaw ng humihiwalay sakin. Kaya sinabihan ko na babalik ako at kukuha lang ako ng damit sa bahay. Alam ko naman na pagbalik ko magagalit si Mama sakin at tulad nga ng sinabi ko noon na hindi ko na hahayaang mangyari ang nakaraan.

Flashback:

Excited akong umuwi ng bahay dahil excited din akong ibigay kay Hannah ang bulaklak na binili ko. Isang linggo pa lang kaming kasal ni Hannah pero pakiramdam ko parang panaginip lang ang nangyari. Hindi ko naman na pinagsisihan na pakasalan sya at masaya ako na sya ang magiging ina ng mga anak ko. Medyo galit pa nga sya sakin kanina bago ako umalis ng bahay at pinaghahanap pa ako ng dragon fruit.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang inaakto nya pero hinayaan ko na lang dahil baka inaatake na naman sya ng mood swings nya. Bigla namang nag ring ang phone ko at nakitang si Mama ang tumatawag, agad ko naman sinagot iyon.

"Hello?"

"ANAK UMUWI KA MUNA, ANG DADDY MO!"

"A-Anong nangyari kay Daddy?"

Hagulgol naman ng iyak nya ang narinig ko kaya iniliko ko muna ang kotse ko at pumunta sa bahay nila Mama. Nakita ko naman na pabalik-balik ang mga private nurse dun at hindi na alam ang gagawin. Napansin ko naman si Mama na hindi mapakali sa gilid at hindi alam ang gagawin. Lumapit naman ako rito at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Anong nangyari Ma?"

"Ang daddy mo anak..." yun lang ang sinabi nya at umiiyak lang ito.

"Senorito Harold tawag po kayo ng inyo ama sa loob." Sabi nung private nurse.

Tumango naman ako at lumapit doon at nakita ko naman ang mga nagkalat na basag na frame doon.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now