Chapter 22: Weird Feeling

12K 185 4
                                    

Chapter 22: Weird Feeling


Hannah's POV:

"Mimi bakit ka ba kain ng kain? What's wrong with you?" inis na tanong ng anak ko sakin.

Pansin ko naman na napakamot naman sya ng ulo dahil ginagawa ko kaya sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Eat Yanna." Utos ko sa kanya.

Ngumuso naman ito at saka pinagpatuloy nya ang pagkain nya, bigla naman akong nagulat sa biglaang pagpasok ni Hanzelle sa loob. Nagtatakang tinignan naman naming sya ni Yanna at saka hinihingal sa harapan namin.

"What's wrong tita?" tanong ni Yanna kay Hans.

"Nothing, nagmamadali lang si Tita Hans kasi akala nya maiiwan sya ng van." At saka akward namang tumawa ito.

"Teka akala ko ba uuwi na kayong dalawa? Nagmamadali pa naman ako." Tanong nya sakin.

"Hinihintay kasi naming ni Yanna si Harold kaso wala pa sya." At saka ngumuso naman ako.

Napakunot noo naman ng ulo si Hanzelle kaya lumapit naman ito kay Yanna at saka tinabihan ako. Yung anak ko nabusangot lang habang kumakain at tila iritado.

"O bakit nakasimangot ka? Nag away ba kayo ng Mommy mo?" tanong ni Hans.

"No tita, she's acting weird." Sabi ng anak ko.

Tumingin naman sakin si Hanzelle at nagtataka ito kaya napakibit balikat naman ako. Kinagatan ko naman yung apple na hawak ko at saka kinurot ko naman ang pinsgi ni Hans at ngumiti ako. Inis naman nyang inalis yung kamay ko sa kanya kaya napanguso ako sa kanya.

"Tama ka nga Yanna, your mom is weird." Aniya.

"I told you." Mataray na sagot ng anak ko.

"Teka nga Hannah ano bang nangyayari sayo? Ok ka lang ba?" tanong nya ulit.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang bumungad si Harold kaya napatayo ako at saka niyakap ito, at pagkatapos kinurot ko ang kanyang pisngi. I miss him.

Ngumiti naman si Harold sakin at hindi ko inaalis ang kamay ko sa pisng nya.

"Didi, Mimi is acting weird." Sabi ng antribida kong anak at napacross arm naman ito.

Binaba naman ni Harold yung kamay ko at dinampi ang kamay nya sa noo ko at sumunod sa leeg ko.

"May sakit ka ba Hanah?" tanong nya habang nag aalalang chinicheck ako.

Sumimangot naman ako at saka tinalikuran sya at bumalik sa pwesto ko. Pati ba naman sya pagsususpetyahan ako.

"Pati ba naman ikaw? Pareho kayo ng anak mo. Magsama kayo." Tampo na sabi ko.

Napailing na lamang si Harold at saka tinabihan ang bata at ito naman si Yanna panay ang sumbong sa tatay nya. Magsama kayong dalawa.

Umuwi na kami sa bahay at sinalubong kami nung katulong, sinabi pa ng katulong na umalis na si Kuya Hiro at may pinuntahan. Inilabas naman ni manang yung pesto pasta at tuwang tuwa naman si Yanna, iaabot sana sakin ni Yanna yung plato ng inilayo ko ito at tila babaligtad ang sikmura ko.

Napahawak naman ako sa bibig ko at agad na tinakbo papunta sa cr. Pagkatapos ng pagduduwal ko ay agad ko naman kinuha yung phone para icheck kung delay ako. And halos magtatatlong linggo na akong hindi dinadatnan. Kinabahan naman ako at napahawak sa tiyan ko. Shit bakit ngayon pa?

Nakita ko naman na sinundan naman ako ni Hanzelle at malungkot naman akong humarap sa kanya.

"Uy ayos ka lang ba? Mukhang ang tamlay mo ah." Nag aalalang tanong nya.

Fabricated HeartWhere stories live. Discover now