Chapter 18: Baby Brother

15.8K 223 0
                                    

Chapter 18: Baby Brother


Hannah's POV:

Nasa mall kami ngayon at pinapanood yung dalawa na may sariling mundo. Hindi ko namang hindi magselos dahil sobrang close na silang dalawa. Habang tumatagal nakikita ko na lumalaking Daddy's girl yung anak ko. Hindi na sya tulad nung dati na pag may kailangan sya ay ako agad ang hinahanap nya.

Sabagay hindi ko naman masisi si Yanna dahil matagal na panahon din syang nawalan ng ama kaya ganyan na lang ang pagkasabik nya.

"Tinignan mo si Mommy ang sama ng tingin satin o." pang aasar ni Harold at tinuro pa ako.

Sarcastic naman akong ngumiti sa kanya at tumingin naman sakin si Yanna.

"Didi isn't it obvious? Mimi is jealous." Sabi ng anak ko kaya hindi ko naman maiwasang hindi manlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Pambihirang bata ito.

Tumayo naman si Harold sa kinauupuan nya at saka tumabi sakin at mabilis na hinalikan ang pisngi ko.

"Ayan tabi na kami ni Mommy mo." Sabi nya.

Nakangising nakatingin lang samin si Yanna kaya asar ko naman pinalo si Harold sa gilid at sinalo lang ang kamay ko.

"Bakit? Yun ang gusto nung bata." Pang asar na sabi nya.

"Ikaw kung ano ano ang tinuturo mo sa bata pambihira ka." inis na sabi ko.

Sabay naman kaming napalingon ni Harold ng impit na napasigaw si Yanna at tila kinikilig ito.

"Tignan mo pati anak natin kinikilig satin."

Sisikuhin ko sana day pero biglag dumating na yung order naming, pumalakpak pa si Yanna dahil dumating na yung shave ice na inorder sa kanya ni Harold.

"Yanna careful sa ice." Paalala ko.

"Didi o!" sumbong nya.

"Hannah hayaan mo lang." sabi nya at kinurot ko naman ang tagiliran nya.

"Pag inubo yang anak mo bahala ka dyan ah! Sakitin pa naman yan!" inis na sabi ko.

Nagthumbs up naman sya kay Yanna at thumbs up din ang sagot sa kanya. Bakit feeling ko pinagtutulungan na ako ng mag ama?

Umiling na lang ako at hinayaan na lang sila, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Habang yung mag ama busy sa kung anong pinag usapan nila. Natapos na ako pagkain samantalang si Yanna ay nangangalahati pa lang sa shave ice na kinakain nya. Huminto naman ito sa pagkain at saka pansin ko naman na pinagdikit nya ang dalawang hintuturo nya. Isa lang naman ang ibig sabihin nyan, may hihingiin yan.

"Mimi, didi...." Tawag nya.

"Yes, princess ano yun?" malaming na sagot sa kanya.

Ngumuso ito ulit at saka nagbalik balik ang tingin nya samin. Umiling naman ako habang sinisimsim ang iniinom kong shake.

"I-I want a baby brother."

Napaubo naman ako sa sinabi ni Yanna at inabutan naman ako agad ni Harold ng tissue at dali dali ko naman kinuha yun.

"Sige pag katapos mo dyan pupunta tayo sa toy store at bibili tayo ng baby brother na gusto-"

"No, I want a baby brother for real."

Nilingon naman ako ni Harold at nanghihingi ito ng tulong sakin, sinamaan ko naman sya ng tingi dahil sa sinabi ni Yanna.

"Kinunsinti mo na naman siguro yung bata?" inis na tanong ko.

Fabricated HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon